Poetry no. 2

7 0 0
                                    

"Aral Muna"

Nung una kala ko ika'y para sakin na.
Masayang nag uusap sa mga masasayang alaala.
Ngunit ang mga ilusyon kong ito'y nawala.
Noong sinabi mong mag aral muna.
-
Wala akong inisip kundi ang sinabi mong iyon.
Akala ko sa iyong puso ay may magaganap na promosyon.
Pero di ko inaakala na masasabi mo iyon.
Pero sabi ko wag akong susuko at akoy babangon
-
Nang dumapo ang isang maliit na tutubi.
Sa aking maliit na maliit na daliri.
Pinapaalala nya sakin ang isang bini-bini
At ang kutis nyang kulay kayumanggi.
-
Isang bini-bining simple.
Wala kang makikitang arte.
Ngunit sya'y mataray na babae.
Kaya nga sya ang aking napiling babae.
-
Ngunit sa kasamaang palad sya'y walang nararamdaman sakin.
Ako'y nawala ng ganang kumain.
Ako'y nawalan ng pag-asa at naging sakitin.
Pero sabi ko bakit ikaw pa ang aking naisin.
-
Ewan ko ba bakit sa dinami rami ng bababe ikaw pa.
Ikaw pa ang nasilayan ng aking mga mata.
Ikaw pa ang nag patibok sa puso kong nagpaka tanga.
Ikaw pa ang nag paramdam ng ganito sa damdamin kong walang kwenta.
-
Pero di ako natatakot na mag mahal muli.
Para maipakita ko sayo ang aking paghihiganti.
Higanti ng nasaktan ngunit matatag na lalaki.
Lalaking di na ulit magpapaka tanga sa isang binibini.
-
Tatapusin ko ang aking pag aaral pangko.
At hindi kailanman mapapako.
Haharapin ko ang tinahak kong bagong mundo.
Di ko malilimutan ang aral muna na sinabi mo.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon