Poetry no. 3

10 0 0
                                    

"Babaeng Taga Bulacan"

Noong una kitang nakita.
Bigla akong natulala.
Ikaw palay may natatagong ganda.
Sa iyong napakagandang mukha.
-
Noong araw na iyon ikaw lang ang laman ng isipan ko.
Ako'y nag papatansya na merong tayo.
Di mapigilan ang nararamdaman ko sayo.
Kung pwede lang ay araw araw akong mag pumunta sa inyo.
-
Ako'y nabigyan ng pagkakataon na makita kang muli.
Ngunit nangamba ako ng biglang may kumiliti.
Sumilay sa aking mukha ang abot langit na ngiti.
Dahil nasilayan ko nanaman syang muli.
-
Pero inunahan ako ng aking hiya.
Tinakpan ang mukha ng tuwalya.
At sabi sa sarili bakit ko iyon ginawa.
Hindi dapat inuna ang hiya para makita ang kanyang mukha.
-
Nagpunta sa aming harapan ang aking kaibigan.
At sinabi kung anong kailangan.
Pumunta kami sa dakong silangan.
Na patungong Nabong Calumpit Bulacan.
-
Lumipas ang mga araw kami nag kausap.
Dahil ito sa tulong ng facebook app.
Pero diko inaasahan fan din pala sya ng kpop.
Na nagdulot ng mahabang pag uusap.
-
Pero tanong ko sa aking isipan.
Ituturing ko na ba syang kaibigan.
O sya na ang aking hinahangaan.
Dahil iyon sa taglay nyang kagandahan.
-
Ewan koba bakit ang lakas ng aking tama sa kanya.
Di ko inaasahan na mapapamahal na ako sa kanya.
Sa dinami dami ng babaeng aking nakilala
Bakit ang babaeng taga bulacan pa.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon