Adriel's POV
Hindi parin talaga ako makapaniwala na wala na si Bea. Namatay siya sa isang iglap. Sino kayang tao ang kayang pumatay sa kanya ng ganun kabrutal. Ang alam ko lang is may suspetsya ko na may kinalaman yung gayumang yun sa pagkamatay ni Bea. Sinabihan ko na naman siyang walang maidudulot na maganda yun pero hindi siya nakinig saken. Oh? Magaalas-dose na pala, makapaglunch na nga. Tetext ko na si Kevin, gusto ko sabay kaming maglunch today. Habang naglalakad ako sa cafeteria, nakita ko siya na nakapila. Agad akong lumapit sa kanya. Kinalabit ko siya sa kanyang likuran, agad naman siyang napatingin sa akin.
Adriel:" Kevin, sabay tayong maglunch today ah?" Mahina kong sinabi at nagpout. Ngumiti naman siya saken, binaba niya ang hawak-hawak niyang tray at niyakap ako.
Kevin:"Sige ba, antayin mo na lang ako dun sa may table naten." Tumango ako at umupo dun sa sinabi niyang table. Agad naman siyang dumating dala ang lunch namen. Masaya kameng nagkwentuhan kung kamusta ang araw ng bawat isa. Nang matapos kaming kumaen, tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya napayuko ako habang nakangiti. Ewan ko ba, basta ang alam ko lang ay kinikilig ako sa bawat galaw niya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
Kevin:"A-adriel? May sasabihin ako sayo... " Pautal-utal niyang sinabi at mukhang seryoso siya dito. Natanggal ang nararamdaman kong pagkakakilig at biglang bumigat ang aking pakiramdam. Napatingin ako sa kanyang mga mata.
Adriel:"Ano yun?" Tanong ko sa kay Kevin. Yumuko lang siya at para bang hindi alam kung paano niya sasabihin. Napalunok ako dahil parang feeling ko na makikipagbreak na siya saken. Nagulat ako dahil bigla niyang binitiwan yung pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay.
Kevin:"Break na tayo Adriel, may mahal na kong iba." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko kay Kevin yun. Hindi to pwede, ayokong mawala saken si Kevin. Akin lang siya at wala ng ibang babae ang karapat-dapat sa kanya kundi ako lang. Alam kong nagjojoke lang siya kasi kahapon masaya naman kaming magkasama eh.
Adriel:"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga, alam mo tara na nga! Ayoko ng ganyang mga klaseng biro Kevin. Hindi siya nakakatuwa." Sagot ko kay Kevin, isinukbit ko na yung slingbag ko sa balikat ko at tumayo pero hinawan ni Kevin ang braso ko, tinitignan niya ko pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.
Kevin:"Hindi ako nagbibiro Adriel, wala nang tayo. Ayoko na, sorry pero may mahal na kong iba" Agad nanginig ang buo kong katawan at parang nanghina. Hindi ko alam pero para bang huminto sa pagikot yung mundo ko. Hindi ko matanggap at hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Hindi niya pwedeng gawin to saken, ipapangako ko sa sarili ko na hindi sila magiging masaya. Akin ka lang Kevin at wala nang iba pang pwedeng magmay-ari sayo.
Adriel:"Tandaan mo tong ginawa mo Kevin. Sinisigurado kong pagsisisihan mo to." Agad akong tumakbo palabas ng cafeteria at umiyak. Ayokong makita ako ni Kevin na umiiyak sa harapan niya. Ayokong maramdaman niya na kawalan siya saken dahil parang ipinakita ko na rin na mahina akong tao. Sumandal ako sa isang puno ng balete na matatagpuan sa may likuran ng campus. Nakita ako ni Nam na umiiyak, agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
Nam:"Oh? Ano? Ok lang ba?" Nagaalalang tanong ng kaibigan. Hinawi ni Adriel ang kanyang buhok at tumango. Tumingin si Adriel kay Nam na para bang may binabalak ito.
Adriel:"Bakit ganun Nam? Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya at stable yung relationship namen pero nagkaganito paren. It's so unfair! It's so unfair! " Mangiyak-ngiyak niyang sinabi sa kaibigan.
Nam:"Alam mo pagdating sa pag-ibig, kelangan mo maging handa kapag dumating ang araw na iwan ka niya. Ipakita mo sa kanyang kaya mong mabuhay ng wala ka at marami ka pang lalaking makilala, hindi lang si Kevin ang lalaki sa mundo Adriel." Pinunasan ni Adriel ang kanyang mga luha at para bang nagbingi-bingihan sa sinabi ng kaibigan. Tumayo ang dalaga at para bang hinatak si Nam sa may sakayan.