Guys, short story lang po ito and true to life story. Ang mga character's ay mga kathang-isip lang para sa privacy ng mga tunay na nagmamay-ari ng kwentong ito. Sana may matutunan kayo ^_____^*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Isa kang akong simpleng istudyante na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang bawat pangarap na gusto kong buuin. Gusto ko ring imaintain yung high grades ko kasi isa ako sa achievers at humahabol sa top 1. Isa lang akong babaeng wala ibang inaatupag kundi ang mag-aral, magbasa ng wattpad, nagchu-church every sunday, nag-aalaga ng mga kapatid at simpleng kabataan. Wala akong kahilig hilig gumala, kadalasan nasa bahay lang ako at nakikinig ng mga kantang gusto ko.
Pero mula ng nakilala ko siya lahat ng ito ay nabago. Lahat ng bagay sa buhay ko. Ang isang normal na buhay para sa kararamihan at isang boring para sa iba ay biglang nnagbago at nagkaroon ng isang komplikado at punong puno ng thrill na hinding hindi ko inaasahan.
Hindi ko inaasahan na siya lang ang magiging dahilan sa mga ito, pero kailanman himding hindi ko pagsisisihan...
Malapit ng matapos ang school ng makilala ko siya. Katatapos lang ng valentines nung manotice ko siya. At doon na nagUmpisa ang mga bagay na inyong matutunghayan.
Sino nga ba ang taong tinutukoy ko?
Wala akong pakielam sa lovelife o kung ano mangtungkol sa pagIbig. Pero lagi akong nagbabasa ng mga love stories sa wattpad at iniimagine kung ano nga ba ang pakiramdam ng magkaroon nang taong magpapahalaga, aalagaan, mamahalain at matatawag mong sayo. Naiisip ko rin kung ano nga ba ang sitwasyon sa totoong buhay kung magkaroon ka nga ng relasyon, isang relasyong matatawag mong worth fighting for, isang relasyon na papahalagahan at iingatan mo sa kahuli-huling sandali ng buhay mo. Naniniwala ako sa forever, sino nga sa iba hindi pero alam kong meron talaga yun. Meron dahil alam kong may isa din taong maniniwala dun at papatunayan namin iyon. Hindi naman masamang umasa, hindi masamang magAssume lalo na kung may aasahan ka.
Isa rin akong simpleng babae na walang pakielam sa mga bagay bagay na katulad sa informations sa mga lalaki. Lagi ko ngang tinatanong ang sarili ko..
Bakit ba kinikilig ang mga babae kapag gwapo ang mga lalaking nakikita nila?
Bakit kailangan pa nilang iyakan ang mga lalaki e sinaktan na sila?
Bakit kailangan pa nilang magbreak? Alam kong lahat ng bagay may katapusan, pero kung worth naman itong ipaglaban, then go. Pero bakit nga ba may mga taong sadyang hindi makontento. Hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay. Hindi ko makuha ang mga sagot.
Bakit ba gustong gusto ng mga babae ang mga lalaking may abs e para naman sa akin wala lang naman yun. Wala lang naman yun kasi para sa akin hindi mahalaga kung gwapo man, malakas o mayaman, as long na tapat siya, pinapahalagahan ako at minamahal, sapat na sa akin yun.
Minsan nga naiisip ko, normal pa nga ba akong teen ager? Kasi halos lahat na,an nang nakikita ko may boyfriend at ok lang naman. Naiisip ko, ano kaya experience nun? Paano kaya pag-ako nagkaboyfriend? Magiging masaya rin ba! Magiging ok lang ba? Kasi ang dami dami kong expectations sa buhay. Lalo na sa magiging lovelife ko.
Naniniwala din ako sa true love waits dahil yun ang itinatak sa utak ko mula nung tumuntong ako sa pagiging teen ager. Naniniwala ako na ang lahat ng magagandang bagay ay may tamang oras at right timing.
Well, hindi naman sa walang nagkakagusto sa akin. Infact, meron din naman. Ayoko lang talaga ientertain dahil sa isang bagay. Sinasabi kong hanggang kaibigan lang muna. Bakit? Kasi sabi ko sa sarili ko, kung talagang sila ang para sa akin kaya nilang maghintay sa tamang oras at ang mga lalaking makakapaghintay lang sa tamang oras na yun ay ang mga taong papahalagahan ka at iingatan.
Marami ng nagsabi sa aking may gusto sila sa akin. Pero ang lagi kong sinasabing hindi pa ako pwede, kung kaya mong maghintay, maghihintay ka. Kung talagang ikaw ang para sa akin, makakapaghintay ka. Marami na rin ang nagsabi sa aking makakapaghintay daw sila sa tamang oras o tamang panahon kung kailan ready na akong pumasok sa isang relasyon. At marami na rin akong inasahan sa mga yun na akala ko makakapaghintay sila pero malalaman ko na lang meron na pala silang bago.
Well, hindi naman ako nasaktan talaga doon. Napaniwala lang talaga ako sa isang bagay na akala ko totoo. Marami na ring nalink sa akin, keso naging boyfriend ko raw sila o kaya naman nagkagusto raw ako sa kanila which is definitely not.
Nung elementary ako lagi akong inilalaban sa lahat ng contest, mapapageant ba o paralinuhan. Sa lahat ng laban ay nandun ako kung kaya siguro marami na rin akong nakikilala at nakakakilala sa akin. May mga oras rin na may naging crush ako pero hindi ko inisip yun. Pag-aaral parin iniisip ko.
Ang crush sa akin hindi ko binibig deal, tinitake ko lang silang inspiration kasi may nakita akong isang bagay sa kanila tulad ng nag-aaral siya ng mabuti, mabait siya at matulungin o kaya pala kaibigan. Ganun lang pero wala na akong iniisip na ibang bagay tungkol doon.
Sabi kasi ng mama ko, ok lang daw magkacrush kasi paghanga lang yun sa isang bagay na maaari mong gayahin dahil isa iyong katangian na maganda. At yun ginagawa ko.
May time din na nagkakacrush ako ngayon bukas hindi na. Hahayaan na lang at papabayaan. Wala namang nananatili sa utak ko na mga pangalan ng mga naging crush ko.
BINABASA MO ANG
Smile
FanfictionLife is like a mirror, we get the best results when we smile at it. If you smile when no one else around, you really meant it! Always remember to be happy because you never know who's falling in love with your smile. So, SMILE!