I know that people will enter to your life then suddenly go. Basta ako, pinapahalagahan ko ang mga taong pumapasok sa buhay ko at hindi ko kailangan maging bitter sa kanila. Hindi ko kasi alam kung kailan sila mawawala sa mundong ito o mawala sa buhay ko kaya every time na makakasama o makakausap ko sila, ayaw kong may sakitan ng loob.
Isa rin akong taong mabilis lang magpatawad? Bakit? Kasi iniisip ko na wala lang yun. Siguro may dahilan siya. At isa pang factor ay dahil nakakalimutan ko kaagad. Ewan, nakakalimutan ko lang talaga. Pati nga mga magagandang pangyayare sa akin nakakalimutan ko. Hindi ko naman sinasadya, maalala ko lang kapag may nagpaalala sa akin.
Para kasi sa akin simple lang ang buhay. Masyadong masaya ang buhay para imukmok mo lang sa isang gilid dahil sa mga bagay na nadidisappoint ka. Wag mo hayaang ang mga paniniwala mo sa buhay ay mabago ng magulong mundong ito. Huwag mong hahayaang mawala na lang ang mga taong naging parte ng buhay mo na wala ka man lang naiwang magandang bagay sa kanila. Masama o mabuting bagay man ang ginawa nila sayo, panatilihin mong wala kang pagsisisihan sa bandang huli. Bakit? Kasi ang bawat ito ay mahalaga. Hindi ang isang pangyayare sa buhay mo ang masakit pero ang magsisi sa isang bagay na hindi mo man lang nagawa ang syang dadalhin mo habang buhay na hindi mo na kailanman maibabalik sa mga oras na gusto mo itong itama.
Siguro, puro positive na naiisip niyo tungkol sa akin. Pero nagkakamali kayo. Walang taong perpekto pero righteous tayo na ginawa ni God. Hindi ko masasabing naging mabuti o magiging maganda akong halimbawa, pero isa lang masasabi ko. Every moment counts. Lahat ng iyak, tawa o pagsisisi ay parte na ng buhay.
Marami rin akong expectations sa mga lalaki kaso lahat ng yun nawala nung nakilala ko siya. Lahat ng expectations ko naisantabi dahil sa tinatawag nilang LOVE.
Masyado na ata akong naging makwento sa inyo pero dito na nga nagsimula ang hindi ko kailanman inaasang mangyayare sa buhay ko.
February noon at wala akong magawa.
-------------
Nakaupo lang ako at walang magawa kundi tumingin lang sa laptop ko.
Nakikipagtitigan sa laptop ko. Ewan ko. Mahal na mahal ko na ata itong laptop ko eh. Haha.
Maghapon na ata akong nakaonline sa facebook pero hindi parin ako tinatamad.
Normal na siguro sa isang kabataan tulad ko ito.
Hay. Minsan nga naisip ko, kailan kaya ako tatamaring tamarin?
Gusto kong magAyos ng bahay pero naiisip ko pwede mamaya na lang. Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog. Bakit kaya ano?
Dahil matagal na akong nakikipagtitigan sa laptop ko, nahiga na lang muna ako.
And aaminin ko po sa inyo, hindi naman ako ang unang nakikipagchat pero ewan ko marami parin akong nakakachat. May times na meron akong kachat na 5 tapos aalis yun 2 pero madadagdagan ng 5 ulit ganun. Ganun ako karaming kachat. Ewan ko bga kung bakit namamanage ko silang replyan.
Hindi sa pagiging malandi o ano man, pero ayoko lang kasing maging snob. Hindi mo naman ikakasikat ang pagiging snob diba? Tsaka naisip ko rin na wala namang mawawala sa akin kung may makachat ako. Infact, hindi naman ako unang nakipagchat at alam ko naman po yung limitations ko. Alam ko rin kung gusto ko lang makipaglandian ang isang tao kaya hinayaan ko na lang.
Masyado kong inaadmire ang mga nag-aaral sa mga exclusive schools dito. Kaya nga ang taas ngmga tingin ko sa mga nag-aaral dito. Kung kaya't hindi ko maiwasan, paano kaya kung doon ako nag-aaral? Ano kaya ako ngayon? Ganun ang iniisip ko.
May mga kakilala na rin ako sa mga nag-aaral doon pero syempre iba parin kung may kaibigan ka. Pero hinahayaan ko parin.
Ng lumipas ang ilang oras may biglang nagchat sa akin.
May nagpop out sa screen ng laptop ko.
Rale: hi.
Nung una normal lang naman sa aking may nagchachat, pero syempre wala lang naman sa akin ito. Kaya nagreply ako.
Me: hello po.
Rale: pwedeong makipagkaibigan?
Me: sure po.
Tinignan ko yung timeline niya. Syempre, gusto ko muna tignan kung sino ba ito. Baka kung sino. Matino naman yung itsura niya kaya ok lang. Hindi naman masamang tignan diba? Pero hindi kasi ako yung tipong hahalungkatin ang bawat detalye tungkol sa mga tao. Basta nakita ko lang ang profile niya ok na ako. Hayaan ko na at icloclose ko na yung timeline niya. Pero ito, mula nung nakita ko ipyung information niya na isa siya sa nag-aaral sa exclusive schools for boys, normal parin.
Ng malaman kong may kakilala siyang kakilala ko. Edi tinuloy ko parin ang pakikipagchat sa kanya kasi alam kong hindi poser. Sa panahon kasi ngayon mahirap na magtiwala kung nakita mo lang sa picture, pero ito na may kakilala akong kakilala niya kaya medyo safe ako. Kaya alam kong wala namang masama sa pakikipag-usap.
Rale: ilang taon kana po?
Me: 15 po, ikaw?
Rale: magfi'15 na po nyan.
Me: talaga? Hehe.
Part lang yan ng naalala ko mula nung una kaming nagkausap. Hindi ko talaga matandaan ang exact conversations namin pero alam kong wala naman gaano yun.
Rale: pwede ba makuha no. mo?
Bigla na lang nyang naitanong sa akin.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako kaagad agad nagbibigay ng number kung kani-kanino pero dahil na rin may kakilala siya kakilala ko at mukha naman siyang mapagkakatiwalaan ay ibinigay ko sa kanya.
Me: Ito po. 0946*******
Rale: ay. Smart?
Me: Ou eh.
Rale: aww. Tm ako eh. Hindi kita masyadong maitetext.
Sabi niya. Smart talaga gamit ko o kaya tnt, yun kasi ang madalas kong gamit pero may globe din ako, pero bihirang bihira ko lang talagang gamitin.
Me: sige ito po. May globe po ako 0916*******.. Wag niyo po ipapamigay sa kahit na sino ha? Magpakilala na lang po kayo.
Yun na lang ang sinabi ko. Kasi ayoko talaga ng may nagkakalat ng no. ko kasi ilang beses na rin ako nagpapalit palit ng no. para lang iwasan ang mga nakakainis na unknown numbers. Ewan ko ba kung bakit sobrang daming nagtetext. Meron atang nagkakalat ng no. ko na ewan eh.
Rale: sige salamat. :)
Sabi niya. At nagtuloy yung usapan namin.
Alam kong jan kami unang nagkausap at nagkakilala.
Hindi ko naman kasi ugaling kinikilala ang mga nakakusap ko friends ko sa facebook kaya siguro marami akong hindi nanonotice. Pero ito, nakilala at nanotice ko lang siya nung nagchat siya sa akin.
At duon na nangUmpisa yung magkatext. Pero hindi kami gaanong magkatext dahil na rin siguro sa hiyaan kung kaya't bihirang bihira lang.
BINABASA MO ANG
Smile
FanfictionLife is like a mirror, we get the best results when we smile at it. If you smile when no one else around, you really meant it! Always remember to be happy because you never know who's falling in love with your smile. So, SMILE!