Miss, diary mo (one shot story)

25 0 1
                                    

Miss, diary mo (One Shot Story)

by:Chunji_jsMine

''Naku! Sorry di ko sinasadya!''

Paghingi ko ng pasensiya sa taong natapunan ko ng soda.Siniko kasi ako ng bestfriend kong si Andy.Kasi nakita niya lang naman ang crush niyang si Carlo.

Tiningala ko kung sino yung malas na natapunan ko.And...

Parang lalabas nanaman yung puso ko sa sobrang kaba.

Si...

Kevin Valderama.

Ang soccer player ng buhay ko este ng school pala namin.

Ang lalaking minahal ko simula first year hanggang ngayon na hindi ako napapansin kahit kelan.

Hanggang kelan ba ako magiging hangin sa paningin mo ha Kevin?

''Ok lang.''

''Sorry talaga ha? Nasiko kasi ako ng kaibigan ko eh.''

''Ano ka ba? Ok lang.''

Atsaka siya ngumiti saken.

Ngumiti??

Waaaahh. Ngumiti siya saken.Woooh! Pwede na akong mamatay.Joke lang!

***

Pagkatapos ng scene sa cafeteria nung natapunan ko siya ng soda, wala na.Yun na ang una at yun na siguro ang huli.

Nakakalungkot naman.

''Ms. Jean Melisa Belmonte, are you in the earth?''

Oopss! Nakalimutan kong nasa loob pala ako ng klase.

''I'm sorry Ma'am.''

Bumalik na rin si Ma'am sa pagdidiscuss.

After ng subject na to vacant time namin ng two hours.Wala kasi akong teacher sa special courses eh.May sakit ata si Sir.At si Andy namam may pasok sa special courses,agri kasi kinuha niya.Ako HS stands for Household Services.

Since maghihiwalay kami ni Andy ng landas after that subject,tumambay ako mag-isa sa bench.Inilabas ko na yung diary notebook ko at purple na ballpen.

Alam na! Magsusulat nanaman ako ng mga kabaliwan ko kay Kevin Valderama.

Psst Diary!

Nalulungkot  ako kasi di ko na halos nakikita si Kevin.Siguro busy lang siya.Amp!

Namimiss ko na tuloy siya.

Haaay! Kevin Valderama kelan mo kaya ako papansinin?

>JM (Jean Melisa)

Malapit na nga pala ang Foundation day.Next week na yata.Magiging busy nanaman ang lahat ng officers including ME.

Bakit pa kasi ako pumasok sa pulitika ng school namin. Aba! Nagsisi ang gaga!

Hay naku! Wag na ngang tanungin ang sarili ko.Alam ko namang si Kevin  ang dahilan eh kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito.

treasurer ako ng student council simula 1st year hanggang ngayon kasi siya yung vice president ng SC,platoon officer din ako ng CAT kasi siya yung Corp. commander, class vice president din ako at nag-aral akong mabuti para ma'maintain ko ang pagiging top 2 sa klase.

Ganyan ako ka'inspired.Hahaha

*gruuuu*

Haaaay.Nagugutom na ako.Makapunta na nga ng cafeteria.

Bumili na ako ng pagkain at nilantakan ito.

Pagkatapos ng isang subject na klase,

*kriiiiiiiing kriiiiiiiiiiing*

Miss, diary mo (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon