One Cuss, One Kiss (One-Shot)

76.4K 1.6K 256
                                    

FEEDBACKS! Hope you like it! Mwaah!

---

"Ay p*nyentang kabayo!" Yun ang mga salitang agad kong nabitawan nang biglang may nangalabit sa braso ko habang naglilinis ako ng classroom. Paano ako hindi magmumura eh, mag-isa lang akong naglilinis dito tapos magdadapit-hapon pa. Malay ko ba kung may anong maligno ang naglilibot dito sa school ngayon? Tumingin ako sa likod pero wala namang tao. Sabi na nga ba eh, totoong may mga multo dito eh. Kinakabahan ako. Natatakot ako baka pagharap ko, bumulaga sa akin ang isang Bloody Mary. Takte lang noh! Mahina ang aking puso.

"Pushanggala naman eh!" bigla kong sigaw dahil bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang isang demonyong may dalang sama ng panahon, ngunit nag-uumapaw din naman sa kagwapuhan at kaseksihan, habang nakangisi at nakasandal dun sa pader. Aba! Ano pang ginagawa ng halimaw na to sa ganitong oras? As far as I know, umaalis siya ng classroom namin 5 minutes ahead of time. Himala talaga.

"P*ksheyt ka talaga, Valenciano," sabi ko at saka siya tinignan nang masama. Kapal ng mukhang manggulat. Tumawa naman siya nang mahina at pinanood lang ako habang nagwawalis. Wow naman oh. Iba na talaga ang definition ng isang gentleman ngayon. "Himala, at nandito pa ang t*rantado. Anyare?"

"Isa," sabi niya habang nakatingin dun sa blackboard. Hay naku. Umiling lang ako at nagwalis na lang ulit. Istorbo naman tong isang to. Tinignan ko siya nang masama. Aba't ang loko, halos tunawin na ako nang tingin. Mahina ang puso ko, tsong. Sino ba namang babae ang hindi mako-conscious kung tinititigan siya ng the great Zephiel Akio Valenciano? Siya yata ang ultimate heart throb ng school namin, tapos siya pa ang nag-iisa at pinaka-hot na student council president. Grabe! Bulag na lang siguro ang hindi magkakagusto sa kanya. Psh. Kung gaano siya kagwapo, katalino at ka-hot, doble pa dun ang kanyang buhawi syndrome.

"Ano pa bang ginagawa mo rito, mahal na prinsipe?" sarcastic kong tanong habang inililigpit yung mga cleaning materials. In-erase ko na rin yung mga nakasulat sa blackboard at pinunasan yun ng basang basahan. Hinarap ko siya at nakitang nakangisi. Binobosohan ba ako ng lokong to? "Perv! Wag mo nga akong bosohan!"

"Asa ka, babe," sabi niya at saka ngumiti nang mala-demonyo. Oh, scratch that. Natural na pala sa kanya ang ganung mga ngiti dahil isa na siyang demonyo. Pweh! Feeling gwapo naman tong halimaw na to. Kumuha ako ng isang chalk at saka binato yun sa kanya. Akala niya hah. Sino siya at kung tawagin niya akong babe, kala nyo close kami?

"Feeling ka namang b*stardo ka," kako at saka umirap. Babe? Mukha niyang dictionary.

"Dalawa," bilang niya. Mas lumapad ang kanyang ngiting puno ng kademonyohan. Bakit ba to nagbibilang? As if namang hindi ako marunong magbilang. Duh! Naka-graduate nga ako sa kindergarten eh. Sinamaan ko siya nang tingin habang ni-a-arrange ko yung mga upuan. Teka nga, nasaan ba yung mga kasama kong cleaners ngayong araw? Ayus talaga ang sistema rito. May pa-cleaners-cleaners pa, eh wala namang naiiwan para maglinis. Nakakagagers lang.

"Bakit ka ba nagbibilang dyan? FYI, marunong po akong magbilang. One to hondred pa," sabi ko pero nagkibit-balikat lang siya. Wow ha, pipi na ba tong kausap ko? Inayus ko yung mga book shelves at itinapon lahat ng mga kalat doon sa basurahan. Nagpagpag ako ng kamay at kumuha ng sanitizer na nakasabit doon sa isang zipper ng bag ko. "So, ano ngang ginagawa mo rito? Nakakainis ka na ah! Kanina pa ako salita nang salita dito, pero parang wala naman akong kausap. Siguro nire-rape mo na ako dyan sa isispan mo noh?" Patay! Kailan ko pa talagang sabihin yung huling pangungusap? Pesteng bunganga, walang pakikisama.

One Cuss, One Kiss (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon