Pumayag na akong sumakay sa motor at magpahatid, pero ang sabi ko ay hanggang doon nalang sa kanto namin dahil nakakahiya, baka makita niya ang bahay namin na hindi kagandahan at isa pa baka ano pa ang isipin ng nanay ko.
Ang sarap talaga sumakay sa bigbike, mabuti nalang at hindi kaskaserong driver itong kasama ko. Nagpababa na ako doon sa kanto malapit sa amin.
"ATEEEEEEEE!" Sigaw ng kapatid kong si Iris. Anakngputingtupa! Kung kailan iniiwasan kong may makakita saka pa naman kami magtatagpo ng kapatid ko. Tumalikod ako at lihim kong sinesenyalan itong si Earl na umalis na. Pero sa halip ay ngumiti lang siya sa kapatid kong nandito na sa tabi ko.
"Ate, sino yang kasama mong si kuya Pogi?" Pabulong pero dinig na dinig na tanong niya sa akin. Aba naman! Kuya pogi pa talaga ang tawag.
"Ah, Hi Kuya Pogi! Ako si Iris, kapatid ako ng panget kong ate na to." Sabi niya saka pa may pahawi hawi ng buhok, aba makukurot ko sa singit tong babaeng to sa sobrang pagkapabebe.
"Hello, ako si Earl, kaklase at soon-to-be boyfriend.. Ahhhh! Aray! Este soon-to-be bestfriend na muna ng ate mo." Ayan napaaray tuloy siya sa sakit ng kurot ko sa braso niya. Ano ano kase ang pinagsasabi.
"Ate, ano ba yan boyfriend na nga daw oh, ang pogi pogi pa naman, mukhang mayaman pa, sagutin mo na! Bahala ka baka ako nalang ang magustuhan niyan sasagutin ko yan agad." Mabilis at pabulong na sabi ni Iris.
"Alam mo, medyo maharot ka din no? Tara na nga uwi na tayo." Sabi ko sa kaniya ng matigil na ang kalokohan niya.
"Salamat pala Earl, mauna na kami ng kapatid ko. Pagpasensyahan mo na siya, may saltik to eh." Sabi ko kay Earl sabay kaway ng kamay ko. Kumaway din naman siya at ngumiti. Maglalakad na sana kami ng itong lokaret kong kapatid nagsalita.
"Kuya Pogi, tara tuloy kana sa amin, malapit nalang naman eh, magmeryenda ka muna sa amin. Bastos netong ate kong pangit di marunong magpameryenda." Aba na natampal ko tuloy siya sa may braso, bastos ba daw. Kaya ayaw kong makita nila ako eh, sigurado ano na naman itatanong nila pagdating sa bahay. Kung nagtatanong kayo, ganiyan talaga kame magusap ng kapatid kong pangit na yan. Hay, buhay. Anak ng tipaklong, wala na akong nagawa kundi yayain siya at patuluyin sa bahay.
Pagdating namin sa bahay, ay nadatnan namin si Nanay na nagwawalis dito sa may bakuran namin.
"Nanay! May bisita tayo, kaklase ni ate, hinatid niya si ate kaso doon lang sa may kanto. Ayaw ni ate patuluyin dito. Ang pogi pogi pa naman, mukhang artista!" Ano ba yan, ang daldal talaga ng kapatid kong to, sinasabi na niya yang mga linya niyang yan nandoon palang kame sa labas ng gate ha.
"Iris, wag ka nga masyadong maingay, napakataklesa mo." Sita ko sa kaniya sa tonong may pagkaseryoso.
"Hayaan mo na ang kapatid mo, Iho, halika dito magmeryenda muna tayo. Wag kang mahihiya, pagpasensyahan mo na at hindi magara ang bahay namin." Sambit ng nanay ko.
"Naku, wala naman po sa laki po ng bahay yan tita, ang importante masaya po ang pamilya." Magalang na sambit niya.
"Sabagay tama ka diyan Iho, mayroong mga magagara ang bahay pero hindi naman masaya sa pamilya." Pagsangayon ng nanay ko. Tumugon na lamang ng ngiti si Earl saka na kami nagpatuloy sa pagmemeryenda.
Dapit-hapon na ng makauwi si Earl, nagenjoy ata masyado makipagkwentuhan kina Nanay at Iris. Sumakay na siyang muli sa kaniyang motor saka na umalis.
"Uyyyyy, si Ate, lumalovelife! Ibang level kana ha! Hindi pala friendship ang makikita mo lang, agad agad lovelife! Kitang kita naman sa kaniya no." Sabi ng taklesa at walang kasing daldal kong kapatid habang nagliligpit kame ng mga kinainan namin.
"Manahimik ka nga diyan Iris, yang bunganga mo kung ano ano ang pinagsasabi, nakakahiya baka may makarinig niyan akala pa nila totoo!" Saway ko sa kaniya.
"D to the U to the H Ate! As in DUH! Hindi mo ba makita obvious, sino bang may libreng pasakay ngayong first day na first day ng klase niyo?" Napatahimik ako saglit dahil oo nga pala at naalala kong first day palang ng klase namen ngayon.
"Malay mo naman nag magandang loob lang maghatid, saka bakit mo ba ako pinakikielaman!" Bulyaw ko kay Iris.
"Si Ate Guilty! Hahahahahaha" sigaw pa ng lukaret! Saka na umalis at pumasok na sa kwarto niya.
Pero oo nga no? Bakit ba ako pumayag? Eh kakakilala palang namin. Hayy, ayoko munang pumasok na naman sa gulo. Oh anupaman.
Pumasok na ako maliit ko lang na kwarto. Tatlo ang kwarto namen dito sa bahay tig-iisa isa kame, pero maliit lang ang mga ito. Pinagsumikapan nina Mama at Papa ipundar ito kahit papano, masasabi kong hindi naman kame angat sa buhay, tinutulungan kame ng tiyahin kong nasa abroad para makapagaral kameng dalawa, salamat nga at pumasa ako sa pa-voucher program ng gobyero para sa mga k-12, dahil doon nakapasok ako sa magarang eskwelahan ng kakaunti na lamang ang babayaran. Hindi ko kasama si Iris sa eskwelahan dahil nagaaral pa rin siya sa dati naming eskwelahan, masyadong mabigat sa bulsa namin kung parehas kaming magaaral sa magarang eskwelahan, kakarampot lang naman ang kinikita ng mga magulang namin. Parehas ng pinagttrabahuhan sina Mama at Papa, parehas silang factory workers sa isang pabrikang pagawaan ng mga tela at pagkatapos ay gagawin din nilang mga damit. Sikat na brand name yung tatak ng mga damit. Day off ni Mama ngayon kaya siya nandito sa bahay, pero madalas ay kameng dalawa lang ni Iris ang naiiwan dito, kailangan eh.
Mabilis akong dinalaw ng antok sa kakaisip kung ano ba ang mga plano ko ngayong bago na ang eskwelahan ko at bago na rin ang mga pakikitunguhan ko, sana lang ay maayos sila at hindi katulad ng mga dati kong kaklase. Siguro naman ay mapapakisamahan ko sila kahit na mayayaman sila at kami hindi. Sana lang talaga, hayyy.
Sabagay wala naman akong magagawa kundi ang pagbutihin ang pagaaral ko, tuluyan na akong nakatulog sa pagtatak sa isip ko na mas gagalingan ko ngayon at mas mangangarap ng mataas.
BINABASA MO ANG
Basta About Ito Sa School
Teen FictionNo fix plot. Magulo ang kaisipan ni Author. Salamat sa magbabasa, nagbabasa, at nagbasa. Share niyo ang story kung bet niyo. Magcomment kayo kung may gustong isuggest at icompliment. Lastly, ivote niyo kung nagustuhan niyo ng bongga. Salamat Guys! :)