Chapter 3

1 0 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, kahit na pupungay pungay pa ang mga mata ko ay tumayo na ako para gawin ang mga ritwal ko sa umaga bago pumasok ng eskwelahan. Lumabas na ako sa kwarto ko at saka binati sina nanay at tatay na naabutan kong nagkakape na, siguro'y hinihintay kameng dalawa ni Iris.

Sa tuwing umaga kase lahat kame ay sabay sabay ng umaalis sa bahay, tumungo na ako sa kwarto ni Iris saka kumatok,

"Irisssssssss! Araw araw nalang ang tagal tagal mo, bilis bilisan mo namang kumilos! Malelate tayong lahat dahil usad-pagong ka!" Tawag ko sa kaniya, ganiyan na yung normal naming pagsasalita ng mga kapatid ko.

"Ayan na ate! Patapos na ako, maghintay hintay ka lang sandali, palibhasa patay-gutom ka kaya minamadali mo ako!" Sagot niya sa akin ng pabalang, aba talagang tinawag pa akong patay gutom, eh siya nga tong nakakaubos ng dalawang sandok ng kanin.

Pagkadating ko ulit sa kusina namin ay nadatnan kong naghahanda na si nanay para sa almusal namin, tinulungan ko na siya at maya maya ay dumating na rin si Iris para tumulong din.

Nang nasa hapag kainan ay agad nagsalita si papa para kamustahin kami.

"Kamusta ang dalawa kong pinakamamahal na prinsesa?" Tanong niya sa amin ng may matamis na ngiti.

"Okay lang naman po papa!" Sagot ko ng may ngiti din sa labi.

"Okay lang din po ako Papa! Etong si Ate papanong di magiging okay eh agad agad may kalovelife na first day palang!" Pambubuking niya sa akin. Hmmm kinabahan ako ng konti kay Papa dahil baka magalit siya, pero madalas naman ay game na game si Papa sa mga usapang ganiyan.

"Talaga, sino ba yan ng makilatis na naten?" Tanong niya ng may ngit pa ring pang-asar.

"Naku, Papa kahapon kaya ay nandito siya, may hatid ng nalalaman sa anak natin, tapos ayun syempre pinagmeryenda ko ang soon-to-be son-in-law naten!" Todo asar pa ng nanay ko. Hayyy naku naman pinagtutulungan ako dito sa hapag kainan.

"Mama, hindi ba pwedeng kaibigan lang? Bakit todo advance kayo?" Medyo painis na tono ko.

"Aysusss, kunwari galit pa eh, halata ka namang kinikilig at namumula na yang mukha mo, ano bang itsura niya anak? Baka naman mukhang patpating barumbado yan ha?" Tanong sa akin ni Papa.

"Papa, sobrang gwapo niya, grabe! Parang artista siya tapos hindi siya patpatin, may mga muscles waaahhhh, feeling ko nga may abs eh, grabeee ang haba ng hair ni Ateeee, kakainggitssss!" Kaloka namang magdescribe si Iris, may kasamang pagniningning pa sa mga mata niya.

"Ano bang dapat mong ikainggit Iris, wala naman yun no, kaibigan lang tsaka imposibleng magkagusto yun, sigurado ang mga gusto nun eh yung katulad niyang mayaman at magaganda." Pagpapaliwanag ko, ayokong sinasabihan ako ni Iris paminsan ng naiingit siya sa akin, kahit na pabiro man lang. Ewan ko, ayaw ko sa pakiramdam na nagkakainggitan kami.

Hindi namin lahat namalayan na natapos na kaming magalmusal dahil sa kakakwentuhan. Nang makapagligpit na kami ng pinagkainan ay sinabihan kami ni Papa ng seryoso.

"Mga anak, huwag niyo munang masyadong seryosohin ha? Marami pa kayong makikilala. Ayokong makita ko kayong masaktan dahil sa lalaki. Masarap ang mag-mahal, pero masakit din." Sambit niya.

"Papa, huwag po kayong magalala, kaibigan lang po talaga yun, tsaka pagbubutihin ko po muna ang pagaaral ko, lalo na at nakavoucher program lang tayo sa eskwelahan na pinapasukan ko." Sagot ko kay Papa ng pagsisigurado sa kaniya.

Bukas at malawak ang pagiisip ko pagdating sa mga bagay na ganiyan, alam ko yung hirap ng buhay dahil simula palang bata kami ay namulat kami sa kahirapan. Halos ata lahat ng marangal na trabaho o pagtitinda ginawa na namin para lang mabuhay kami at malagay sa kung anong meron kame ngayon, masasabi ko naman na nakaramdam kami ng ginhawa kahit papano kaysa dati, pero alam kong hindi pa rin iyon sapat dahil alam kong lumalaki ang gastos naming magkapatid sa pagaaral, lalo na at iisang taon lang halos ang agwat namin. Sana ay may pavoucher program ulit ang gobyerno sa susunod na pasukan para ang kapatid ko namang patungtong ng grade 11 ang matulungan, malaking awas din kase iyon sa amin lalo na kay tiya na tumutulong din sa amin, at isa pa ay makapagaral din ang kapatid ko sa magarang eskwelahan.
--------

Kasabay kong naglalakad si Iris, at pagdating sa ikatlong kanto ay maghihiwalay din kame dahil magkaiba ang eskwelahan namin. Habang naglalakad ay hindi ko siya mapigilang di matanong,

"Kamusta ka naman Iris? Kamusta ang mga kaklase mo? Ang mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya ng may pagseseryoso.

"Ate? Media lang ang peg? Ano to interview?" Sagot niyang pabalang sa akin, ng sinamaan ko ng tingin ay sumagot ng maayos, "Okay lang naman ako Ate, okay lang din naman mga kaklase ko, okay lang din mga kaibigan ko. Masaya ako sa mga kaibigan ko." Sabi niya ng may ngiti.

Masaya na akong marinig na salamat at hindi ang kapatid ko ang nakakaranas ng katulad sa akin, walang kaibigang matino. Atleast alam kong hindi siya matutulad sa akin na halos walang kasama dati dahil lang sa kahibangan ng mga kaibigan kong grade lang ang habol.

Naalala ko na naman kung papano nila akong isabotahe.

-Flashback-
Fashion Fever namin yun, ewan ko kung anong kachenahan na naman ito, pero related sa mga Greek gods and godesses. Ang sabi dapat ay recycled materials ang gamitin. Mabuti at ganun ang sinabi dahil hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng pang-renta para diyan at kung saan ako manghihiram ng sapatos para lang diyan. Kahit na gusto kong mamili ng mas magandang character at mas madaling character na iportray ay wala man lang akong chance na mamili.

"Oh ayan ang sayo, si Persephone, Greek godess of underworld. Bagay naman sayo at sa mukha mong pang-impyerno!" Sabi nila at sabay sabay silang nagtawanan, palagi kong inaalala na hindi ako ppwedeng makipag-away dahil mapapalaki ang gulo, pero hindi ko rin naman kaya na palagi nalang akong ginaganito, ako nalang ba palagi yung kawawa?

"Wow, hiyang hiya naman ako sa ugali mong mas masahol pa sa mga kampon ni Satanas! Demonyita ka talaga!" Pabalang na sambit ko, saka tumayo at aalis na sana para kumain ng lunch, ng may maramdaman akong humila sa buhok ko, sinasabunutan nila ako, hindi lang isa kung di yung mga kaibigan ko dati nakisawsaw na rin.

May mga nakakita naman sa amin, pero bakit ni isa wala man lang tumutulong, ganun na ba kasaklap ang buhay ko? Ni wala na bang isa man na tutulong sa akin?  Habang patuloy ang pagsabunot nila sa akin ay tuluyang naalog ata ang utak ko at nagdilim rin ang paningin ko sa galit, narealize ko kung wala man lang tutulong sa akin, ako nalang mismo ang tutulong sa sarili ko. Wala rin namang kakampi sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basta About Ito Sa SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon