lunch na ngayon at kasabay ko nanaman ang mga bestfriends ko. anyways, ang name nga pala ng group namin ay "MIGZ". share ko lang. ^^
so, ayun! ininterview nanaman nila ako. psshh..
"ano na? nanligaw na ba siya sa'yo? " <-- nica
"anong nangyari nung lumabas kayo? nagtapat ba siya?" <--wyna
ANO???!!! ibang klase din ang mga utak nitong mga beships ko! (beships-bestfriends).
"ano bang pinagsasabi niyo??? eh pinagtripan lng naman ako nung Troy na yun eh! "
yea! his name was Troy. Troy Jhon Alonzo. siya ang piiiiinaka kuuuuulit sa classroom namin. ewan ko ba kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking yan. hmp!
pero kahit makulit siya, mabait naman din yan. close niya nga halos lahat sa classroom. mapalalaki man o babae, taas ng karisma!
"pero sa tingin ko teh, crush ka nun. "
EH??? CRUSH???? sang lupalop ng mundo ba ginawa ang mga utak nila at naisip nila na mAy gusto sa akin si Troy????
"pa'no mo naman nasabi yan Nica? eh ganun naman siya sa halos lahat ng babaeng close niya."
oo nga! go Wyna! ipagtanggol mo ko! >-<
"thats exactly my point! bakit? close ba sila ni lexandra? hindi diba? edi ibig-sabihin nagpapapansin siya.At kung nagpapapansin siya... edi may crush nga siya kay Lexandra. "
ai! Sorry naman! >_< daig pa ni Nica ang mga detectives. Maka conclude WAGAS!
"haay ewan ko sayo Nica. Pumasok na nga lang tayo. "
at yun nga! pumasok na kami.Tapos nag discuss lng yung mga teachers namin.
di rin naman ako nakikinig eh.Nagiging alert lang ako kapag maririnig ko ang tunog ng school bell. woohoo!! ang sipag ko talagang estudyante noh?? hahahaha!!
[A/N: kids. huwag tularan ang ugali ni Lexandra pagdating sa school ok? haha! >_<]
*RIIIIIIIIIIINNNNNGGGGGGGG!!!!!!!!!!!*
"YES!!! "
"ok let's continue this tomorrow. Goodbye class. .."
"BYE MA'AM!! "
OH YEAH! natapos na rin! makaka-uwi na rin ako.
Dahil depress ako, kakain ako ng bonggang-bongga mamaya! wiiii! ganyan kasi ako pag depress. ^_^v
"Lexandra! tara na! "
"sige! mauna na kayo. may pupuntahan pa ako eh."
"ah.. ok! ingat ka. ^^"
"kayo din! "
actually, wala naman talaga akong pupuntahan.
gusto ko lang.............
gusto ko lang makita si lawrence.
*sa backstage*
dito kasi sila nagpra-practice. sa backstage.
haay... ang cute niya.
gusto ko punasan ang pawis na tumutulo sa mukha niya.
papalapit na sana ako.
Kaso....
nakita ko si Bridget...
pinupunasan ang pawis ni lawrence. TT___TT
tumalikod ako at maglalakad na sana kaso......
"Lexandra..."
waaah!!!! nandyan na naman yang boses niyang parang nakikiusap.
ano bels lawrence!!!!! marinig ko palang yung boses mo , bumibigay na ako....
pa'no pa kaya kung humarap ako sa'yo ngayon???
"Lawrence ?"
si Bridget.....
hindi ko namalayan na may tumutulo ng luha sa mga mata ko.
"Lexandra please....... mag-usap tayo."
Lawrence please..........
Tama na.
gusto kong sabihin yun. Kaso pagnagsalita ako maiiyak lng ako
huminga ako ng malalim..
"Lexandra ok ka lang? "
nakuu!!!! lalapitan ako ni Lawrence!!! anong gagawin ko????
dug.dug.dug.dug.
papalapit na talaga siya!!!!
konti nalang at.
may umakbay sa akin.
0___0
si Troy.
"kanina ka pa ba naghihintay Lexandra? "
teka.....
ano??? naghihintay????? anong pinagsasabi nito????
tapos sinuksok niya ang headset sa tenga ko.
psshh............ ano ba'to!!! wala naman tong music eh!
"pasensya na pa're ha? hindi ka siguro narinig ni Lexandra.An lakas kasi ng music niya eh."
nagulat ako sa sinabi niya.Tapos bigla nalang niya akong hinarap sa kanila.
0_0
anong gagawin ko???!!!!
"ah.....eh........ Lawrence..."
tinanggal ko kunwari yung headset ko para marinig ko siya.
marunong rin naman akong umarte noh! XD
"Lexandra.... pwede ba tayong mag-usap?"
ayoko...
pero pa'no ko siya tatanggihan????
MAI GHAAAD!!!! HELP MEEEE!!!!!
"lexandra! tayo na...kailangan pa nating asikasuhin ang report natin tomorrow"
"ahh.....huh??"
anong report pinagsasabi nitong si Troy???
"tara na."
tpos kumindat siya sa akin...
"huh..aahh..oo !! sorry Lawrence next tym na lang."
"ahh..sige."
at umalis na kami.
waaah!!!! thanks god at naging savior ko si Troy!!! thank you po!! >___<
[A/N : weeeeiiii!!!!! mataas update ko!!!!! ginaganahan kasi akong mag update kpag nakikita kong may nagbabasa, nagco-comment at nagvo-vote ng story ko. ^__^
lovelots guys!!!
sana mag vote and comment pa rin kayo. thank you! ^_________^ ]
BINABASA MO ANG
Hate that I love you so
Teen Fictionpaano ko ba mapipigilan ang feelings ko para sa kanya kung palagi siyang nandyan tuwing nalulungkot, masaya at nasasaktan ako?? paano ko mapipigilan ang sarili ko na hindi mahulog sa kanya kung parati niya akong pinapaasa na sasaluhin niya ako pero...