Tok tok tok !
sino yan ? sandali lang . Di pa ako tapos maligo .
Si john to bilisan mo , natatae na ako.
Sandali eto na lalabas na.
lumabas na c aya sa cr at nag madaling pumasok ang lalaki sa cr. Umakyat na c aya sa kwarto para mag bihis at pag pasok nya sa kwarto.
Wait .. what are you doing here ? sino yung... ( aya )
may hinahanap ako , nawawala yung shirt ko baka naiwan ko dito kanina . sabi ng lalaki.
diba nasa baba ka ? panong andito ka agad ? di namn kita nakitang dumaan (aya)
umakyat ako dito habang naliligo ka - sabi ng lalaki
John GALING KA BA SA BANYO ? - medjo pasigaw nyang tanong na may halong pagkataranta.
Ano bang sinasabi mo jan ? diba nga naliligo ka pa nang umakyat ako ? - sabi ng lalaki
EH SINO YUNG KUMATOK AT PUMASOK SA BANYO KANINA ? JOHN namn eh wag ka ngang magbiro nang ganyan. Natatakot na talaga ako. - sabi ni aya na halos maiyak na.
Ano bang pinagsasabi mo jan ? hahaha baliw talaga to. Oh andito lang pala yung damit ko. Sige aya , alis muna ako at mag lalaro kami ng basketball sa kabilang bayan...
Pagka.alis ng lalaki dali daling nag bihis si aya at bumaba para tingnan kung sino yung pumasok sa cr.
Naglalakad si aya na para bang isang magnanakaw dahil sa halos walang ingay nyang paglalakad. Palapit na sya ng palapit sa banyo . May naririnig syang ingay sa loob ng banyo kaya mejo kinabahan sya , nasa may.pintuan na sya ng banyo ng mapansin nyang hindi ito naka sarado ng mabuti.
naririnig nya ang lagaslas ng tubig galing sa loob.
Dahan dahan nyang tinulak ang pinto , huminga muna sya ng malalim bago binuka na malaki ang banyo. Tumambad sa kanya na walang tao sa loob ngunit panay ang daloy ng tubig galing sa gripo , akmang hahakbang na sya papunta sa kinaruruonan ng gripo ng may humawak sa kanyang balikat , Napatili sya at marahas na lumingon..AAAAAAHHHHHHHHHH ! AAAAAAAHHHHH
sigaw ni aya.Jusko bata ka , bat ka nag sisi.sigaw jan ? ano bang nangyayari sayo ? sabi ng kanyang lola.
LOLA NAMAN EH . BAT BA NANG GUGULAT KA .-
msyado k namang magugulatin. Pinipigilan lang kitang pumasok sa loob. kasi maliligo muna ako kaya pinabayaan kong bukas yang gripo para mapuno yung balde pagbalik ko. - sabi ng matanda.
- - kinabukasan - -
Aya bakit parang tulala ka jan - sabi ng matalik nyang kaibigan na si nina
Ah kasi may nangyari kahapon sa bahay. Di maalis sa isip ko. Natatakot ako sa bagong bahay namin nina. - aya
Ha bakit ? anong nangyari kahapon ? - nina
Kahapon kasi habang naliligo ako may kumatok sa banyo. Nung tinanong ko kung sino , sumagot c john . Natatae daw sya kaya lumabas ako. Nakasalubong ko sya sa may pinto nagmamadaling pumasok sa banyo - aya
Oh anong nakakatakot dun ? - sabi ni nina na may pagtataka .
Teka nga patapusin mo.muna ako. Paglabas ko ng banyo nilagay ko.muna yung toothbrush ko sa lagayan malapit lang yun sa hagdan. Tapos umakyat na ako sa kwarto . Pag pasok ko sa kwarto andun si john sa loob hinahanap yung damit nya. Nung tanungin ko kung galing ba sya sa banyo sabi nya naliligo pa.daw ako nung umakyat sya sa kwarto ko para hanapin yung damit nya. - kwento ni aya
Naku ! baka pinagtitripan ka lang ng pinsan mo. Baka nung nilagay mo yung toothbrush eh nag madali syang umakyat sa kwarto mo. hahaha gago talaga yung john na yun - patawa tawang sabi ni nina.
Hindi eh. kasi kung umakyat sa hagdan dapat napansin ko sya , o dapat narinig ko yung pag akyat nya diba - aya
Naku baka di mo lang talag napansin yung pag akyat nya. Wag ka ngang papadala sa panakot nung pinsan mong yun. Wag mo nang isipin yun aya ! Oh sya nga pala bukas ng gabi may kasiyahan sa baryo malapit sa palengke. Malapit lang yun samin. Punta tayo. Magpaalam ka ng maayos sa lola mo ha ? - nina
Sige , sigurado akong maraming gwapo dun hihi - aya
Aba nakaisip lang ng gwapo nakalimotang takot sya haha Oh sige basta susunduin kita bukas ng gabi sainyu , mga alas 7 ha. Oy mauna na pala ako aya. Maglilinis pa pala ako ng kwarto ni ina nakalimotan ko . Naexcite kasi akong pumunta sa bago nyong bahay. Sige bukas nalang ulit. Babye - nina
Umuwi na si aya sa kanilang bagong bahay pagkaalis ng kanyang kaibigang si nina. Pag pasok nya ng bahay nadatnan nya ang kanyang lola sa sala nanunuod ng t.v. kaya agad nyang nilapitan para mag mano.
Mano po la. - nina
Oh san ka ba galing bata ka ! Kanina pa kita hinahanap , uutusan sana kitang bumili ng gulay kina sita - sabi ng kanyang lola
Ah galing po ako sa park la. Namasyal lang po kami ni nina. Hindi na po ako nakapag paalam kanina kasi wala ka nung dumating si nina. Pasensya po - aya
Oh sya sya , sa susunod dapat magpapalam ka na ha ? alam mo namang nag aalala ako tuwing nawawala ka baka kas--- hindi natapos mag salita ang kanyang lola dahil biglang sumabat si john.
Naku lola , di na mauulit yung nangyari nuon. Kaya wag ka nang mag alala sa babaeng to. Tsaka matanda nato la. di nato maliligaw hahhaha - sabi ni john
Ah ganun ba ? ako matanda ? eh mas matanda ka pa nga sa akin eh - aya
sa edad oo pero kung pagbabasehan sa mukha , naku tingnan mo naman tong mukhang to. Baby face - pang aasar ni john sa kanyang pinsan
Hoy anong baby face pinagsasabi mo jan ? ang pangit pangit mo nga eh - aya
Si john ay pinsa ni aya , anak sya ng kapatid ng nanay ni aya. Malapit silang dalawa mahilig mag asaran at mag talo. Pero kahit ganyn silang dalawa mahal nila ang isat isa.
Oh tama na nga yan. mag aaway pa kayo eh. Sya nga pala pupunta akong bukid. - lola
naputol na namn ang sasabihin ng matanda dahil biglang nag salita si aya.
Lola , nga pala . Magpapaalam sana ako. Bukas kasi ng gabi may kasiyahan sa baryo . Malapit lang namn kina nina yun. Gusto ko sanang pumunta la. Kung papayagan nyo ako please - nagpapacute na aya.
Soooos , di bagay sayong magpacute aya - john
Tumigil ka nga john. La payag po kayo ? - aya
Oh sige basta sasamahan ka ni john - lola
eh pero la - aya
walang pero pero - gabi yan baka anong mangyari sayo sa daan. Naku , dalaga ka na aya marami ng masasamang loob ngayun. - lola
Sige po la salamat. At ikaw john.? wag kang ngingitingiti jan. Tsss , sige la akyat na ako. - aya
Oh , sige tatawagin ko kayo.maya maya para mag hapunan.- lola
sige po - john/aya
YOU ARE READING
Sino sya ?
HorrorTok tok tok ! sino yan ? sandali lang . Di pa ako tapos maligo . Si john to bilisan mo , natatae na ako. Sandali eto na lalabas na. lumabas na c aya sa cr at nag madaling pumasok ang lalaki sa cr. Umakyat na c aya sa kwarto para mag bihis at pag pa...