Sino sya

6 0 0
                                    

Malayo layo rin ang kanilang lalakarin pauwi.

Habang naglalakad hindi pinapansin ni john c aya.

Hoy john ? galit ka ? - aya

hindi sya kinibo ni john

Grabi to , bakit ba nung ginawa mo yun sakin hindi naman ako nagalit ng ganyan ah - aya

Eh kasi di mo namn gusto yung lalaki. Magkaiba tayo ng sitwasyon aya. Ginawa ko yun kasi may binabalak na masama sayo yung lalaking nang ligaw kuno sayo eh yung ginawa mo para ano ? para makaganti ? - galit na wika ni john

Napayuko si aya sa kanyang narinig

Sorry ! hindi ko namn kasi alam na ganun pala yun - aya

Kasi isip bata ka yun ang sabihin mo - john at naunang nag lakad

Nalungkot c aya sa nangyari.
Nagsisi sya sa kanyang ginawa.
Sa kanyang pag iisip hindi nya namalayan na wala na pala si john sa kanyang unahan . Mukhang iniwan sya nito.

Tumingin sya sa paligid.
Ang tahimik. madilim , puro matataas na puno , kunti lang ang bahay na andun. Sa di kalayuan tanaw na nya ang maraming ilaw sa mga kabahayan kaya medjo nawala ang kanyang takot na nararamdaman.

Pagdating nya sa labas ng bahay napansin nyang nakapatay lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nasa may sala.

Naku baka nakalimotang buksan ni john ang mga ilaw dahil sa galit.- sabi niya sa kanyang sarili.

Pag pasok nya sa bahay sobrang dilim ngunit may liwanag na nagmumula sa sala sa tingin nya ay galing sa lampshade. Pinuntahan nya ito para mapatay.

Pagkadating nya sa may sala napansin nyang may nakaupo na babae na nakaharap sa lampshade.

Kinabahan sya sa kanyang nakikita.
Napansin nyang nakalugay ang mataas nitong buhok ngunit puti. Dahan dahan syang lumapit kahit halos himatayin na sya sa takot ng biglang nag salita ang isang matanda.

bakit ngayun ka lang ? kanina pa kita hinihintay apo - mahinahong wika ng matanda ng hindi lumilingon sa kanya.

Huminga sya ng malalim ng mahimigan ang boses ng kanyang lola .

Kayo po pala yan la , akala ko kung sinong multo. Bakit kasi nakalugay yung buhok nyo - aya

di mo pa sinasagot ang tanong ko - mahinon paring wika ng matanda

Ah eh pasensya na la , masyado kasi kaming nalibang sa kasiyahan kaya nakalimotan namin yung oras. Teka po anong ginagawa nyo dito sa sala ? at patay pa lahat ng ilaw- teka bubuksan ko - aya

wag mong buksan - sabi ng matanda kay aya

Ah sige po ( nagtatakang sabi ni aya ) Bakit nyo po pala ako hinihintay la ? - aya

Umakyat ka na sa kwarto mo aya , parating na c john - sabi ng kanyang lola

teka hindi pa pala nakakarating c john ? - naputol ang pagsasalita ni aya ng muling magsalita ang matanda

sabi ko umakyat ka na sa kwarto mo aya - mahinahon pero maypaka diin nitong sabi.

Nagtaka si aya sa pinapakitang asal ng matanda , mabait naman ang kanyang lola at lagi itong masiyahin kong mag salita ni minsan hindi ito nagalit.

Ano pang tinatayo tayo mo jan ? - sabi ng matanda.

Ah sge po la , akyat na ako - aya

Pumasok si aya sa kwarto na may pagtataka kung bakit ganun mag salita ang kanyang lola. Naalala nya ang sinabi ni john kanina bago sila umalis.

Sino sya ?Where stories live. Discover now