DIANA'S POV
Naglakad na lang ako paalis pagkatapos ng sagutan namin ni Mr. Ugly
Hindi naman talaga siya pangit. Gusto ko lang na inisin siya
Well, bored ako eh kaya ginawa ko yon
Bad girl na ba ako?
Basta! Naaalibadbaran ako sa mukha niya kapag nakikita ko siya
Pumasok na ako sa classroom at for the second time, late na naman ako
"Miss Diana, why are you late?" tanong ni Sir Cross
"Hinanap ko wallet ko" simpleng sagot ko at umupo na sa tabi ni Miki
"Hey, alam kong hindi totoo yung sinabi mo kanina. Spill it" rinig kong bulong ni Miki
Sasagot na sana ako nang may pumasok na mayabang na lalake
"Ok, class. You have a new classmate. Mr. Gonzales please introduce yourself" sabi ni Sir
Tumango naman si Mr. Ugly
"Goodmorning, Karl Cedric Gonzales is the name. Be nice to me" seryosong pakilala niya
Ang seryoso nito ngayon ah, kanina nga------aish! Whatever
"Ok, you may take your sit Mr. Gonzales" sabi ni Sir
Umupo naman siya sa katabing upuan ni Alexander
Actually, magkatapat kami so magkatapat si Miki at Alexander ng upuan
Nakinig na lang ako kay Sir hanggang sa matapos itong magdiscuss
"Hey, yung tanong ko!" maktol ni Miki na katabi ko
"Ganto kasi yon.." bulong ko at ikinuwento na ang nangyari
"What?! Bakit mo sinabi yon? Hindi kaya siya panget! Ang mean mo" sabi niya
Buti wala pang teacher
"Eh sa totoo naman eh, atsaka i'm just stating the fact" nakataas na kilay na sabi ko
"Ayt! Grabe ka" sabi niya
"Tss..." sabi ko
Maya maya, dumating na si Ma'am Gina
Terror teacher..
d-.-b
Habang nagdidiscuss si Ma'am, kanina ko pa napapansin na lingon ng lingon si Talipandas at Mr. Ugly sa amin
Problema ng mga yan?
Pansin ko rin na kapag hindi tumitingin sa harapan si Miki ay tinititigan siya ni.......Alexander?
Hmmm. I smell something fishy
"Pssst!" sitsit ko kay Miki na busy sa pagbabasa ng libro
Ano ba yung binabasa niya? Percy Jackson?
"Bakit?" sabi niya habang seryosong nagbabasa
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Peste
d-.-b
"I smell something fishy.." bulong ko
Nagtataka naman siyang lumingon sa akin
Inamoy niya ang sarili niya
Tapos inamoy ako
Anong bang ginagawa niya?
"Wala naman ah" nalilitong sabi niya
"Tuleg! Ang slow mo" naiiling na sabi ko at humarap na lang
YOU ARE READING
Stone Hearted Girl(ON-GOING)
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang magkaGUSTO? Naranasan mo na bang magMAHAL? Kung ganon, kabaliktaran naman iyon kay Diana Paano nga ba siya magkakagusto? Paano nga ba siya magmamahal? Kung ang mismong puso niya ay sintigas ng bato haggang sa wala itong maramdam...