Chapter 17

14.9K 870 134
                                    

"Abby are you okay?" Di maikakaila ang matinding pag-aalala ni Sir Clive habang kinakapa ang noo ni Ate Abby. "Ang taas ng lagnat mo."

Umubo si Ate Abby habang putlang-putla ang kulay ng mga labi. "I'm fine. Medyo humina lang siguro ang resistensiya ko dahil nagpapalit na ng panahon."

Nanatiling nakatayo lamang ako sa may pinto ng kuwarto. Tahimik silang pinapanood. Magdamag kong binantayan si Ate Abby at hindi ko lang maisumbong na nagpumilit pa rin itong uminom ng alak kagabi. Napuyat na naman kaya lalong lumala ang lagnat. Nabigo akong pigilan siya. Kahit anong gawin kong pagkumbinsi ay sarado ang kanyang isipan. Sa nakikita ko ay parang nilalamon na siya ng matinding kalungkutan. Kaya umaga pa lang tinawagan ko na si Sir Clive para siya na mismo ang magdesisyon kung ano ba ang dapat gawin.

"Mira I thought you were with her the whole night? Anong ginawa mo at lalong tumaas ang lagnat niya?" medyo dismayadong sabi sa akin ni sir. Nasaktan ako sa tono niya na parang kasalanan ko pa kung ba't lumala ang lagnat ni ate. Halos hindi na nga ako natulog sa kakapunas sa kanya.

"C-Clive don't blame her. In the first place, wala siyang obligasyon na bantayan ako. Halos hindi na nga siya natulog to think na may trabaho pa yung tao," tanggol sa akin ni Ate Abby.

"But she volunteered and insisted to do it. Kung hindi, di sana ako na lang ang nagbantay sayo kagabi," matigas na salita niya.

Napalunok na lamang ako. Masakit na nga sa aking mga mata habang nasasaksihan kung papaano niya nakakalimutan ang lahat dahil sa pag-aalala kay Ate Abby tapos sinasaksak pa ang dibdib ko ng matatalas na mga salita niya. Kung gaano niya ako binigyan ng atensiyon sa pamamasyal namin kagabi ganun naman ang inilamig niya sa akin ngayon. Ano yun magiging sweet at mabait siya sa isang tao tapos basta andiyan na si Ate Abby balewala na ulit sa kanya? Kay ate na lang ulit umiikot ang mundo niya? Siguro kaya maiinit ang dugo niya sa akin dahil ako ang naging dahilan kung bakit napabayaan niya si Ate Abby kagabi. Hindi ko naman siya pinilit na ilibre ako ng dinner at sine ah tapos bandang huli ako pala yung pag-iinitan.

"This won't do. I will bring you to the hospital," seryosong sabi niya.

Mabuti naman. Yan ang kanina ko pa gustong marinig. At least dun mamomonitor talaga siya ng nurse at doktor.

"Mira."

Lumapit agad ako. "Yes sir."

"We're bringing her to the hospital."

"Okay po."

"H-Huwag na Clive," tutol pa rin ni Ate Abby sa kabila ng matinding panghihina.

Kunwa'y di niya narinig si ate. "I'll pack her things. Ikaw din magdala ka ng ilang damit mo dahil ikaw muna ang pansamantalang magbabantay sa kanya," utos niya sa akin.

"Sige po." Walang pagdadalawang-isip na umuwi ako at nag-impake ng pangdalawang araw na gamit. Pagbalik ko kina Ate Abby naihanda na rin ni Sir Clive ang mga gamit ni ate.

"Sorry to ask this favor from you Mira. Wala kasing kamag-anak dito si Abby sa Maynila. Her mother is already settling in province. I have a very important appointment today na hindi pwedeng i-cancel," may kapormalang sabi niya sa akin.

"Okay lang po sir," matamlay na ngiti ko. Naninibago ako pati sa pananalita niya sa akin. Kundi masungit, suplado o di naman ay masyadong pormal. Simula nang dumating siya ni hindi niya pa ako nginingitian.

"Ah regarding your work. Ako na ang bahala magbigay ng excuse kay Janice so you have nothing to worry about it."

"Salamat po sir," yukod ko.

"Tungkol naman sa mababawas sa sahod mo sa Ufresh, don't worry I'll compensate you instead."

Di ako nakaimik sa sinabi niya. Nasaktan na naman ako. Anong akala niya sa akin, hindi tutulong kung walang bayad? Na kaya ko lang tinitulungan si Ate Abby dahil sa utos niya? Baka ang tingin niya ay hindi ako totoong nagmamalasakit kay ate. Ang sarap lang ipagsigawan sa mukha niya na bago ko pa siya naging kaibigan ay kaibigan ko na si Ate Abby!

My Neighbor's ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon