Chapter 27

12.7K 728 127
                                    


"Sorry to keep you waiting. I had to finish my rounds. Naghintay ka ba ng matagal?"

Napatayo agad ako nang pumasok si Dra. Librades sa clinic niya.  "Hindi naman po. "

Wala akong tulog. Maagang-maaga pa lang ay nag-abang na ako sa kanyang clinic. Siya na lamang ang natitirang taong pwedeng magpapaniwala sa akin sa kung ano nga ba ang katotohanan. Kahit puno ng takot ang aking dibdib sa mga maari kong marinig, tinibayan ko pa rin ang aking loob. Tatlong oras akong naghintay pero balewala yun makuha ko lamang ang kasagutang magpapatahimik sa aking kalooban.

Naupo siya sa kanyang mesa at saka lamang ako muling naupo sa kaharap niyang silya. "Ba't bigla kang napabisita? Do you have a problem with your health now?" tumingin siya sa bandang puson ko.

"Wala naman po," sabay hawak ko sa aking puson. "M-May itatanong lang po ako doktora..." bahagya akong nag-alinlangan sa aking sasabihin.

"About what?" malugod niyang tugon.

"T-Tungkol po sa panganganak ko two years ago. A-Ano po ba ang totoong ikinamatay ng anak ko?" damang-dama ko ang napakalakas na pagkabog ng aking dibdib. Lalo akong natakot nang makita ang biglang pagseseryoso ng reaksiyon ni doktora.

"Brenton told me that he'd explain everything to you kapag nakarecover ka na. Wala ba siyang sinasabi sayo hanggang ngayon?" malumanay na sabi niya.

Pinigilan ko ang pamumuo ng aking luha habang ramdam ang biglang panlalamig ng aking mga palad. Sa takbo ng pananalita niya ay mukhang ang kinatatakutan kong sagot ang aking matatanggap. "H-Hindi na kami nagkaroon nang pagkakataong makapag-usap. Naghiwalay na ho kami bago pa man ako makarecover sa pagkawala ng anak ko."

"I'm sorry to hear that..." Bumuntong-hininga siya. "But since you are here now, I guess you're starting to get an idea."

Maluha-luha akong tumango. "T-Totoo po bang hindi dahil sa pusod ang ikinamatay ng anak ko? T-Totoo po bang namili si Brenton sa pagitan namin ng anak ko?"

"I'm sorry Mira but as a doctor all I want is to save lives and I'm happy that I was able to save yours."

Yumuko ako at tahimik na pumatak ang aking luha. "P-Pero bakit ako? Bakit hindi na lang ang anak ko?' Nag-angat ako ng mukha nang may nanginginig na mga labi habang patuloy sa pag-agos ang aking luha. "Tama na sa akin na nabuhay ako ng mahigit dalawampung taon sa mundong ito. Pero ang anak ko, b-bakit di niyo man lang binigyan ng pagkakataon na maging masaya... na makita ang mga magandang bagay na dapat niyang makita. Na lumaki at maranasang mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Bakit niyo pinagkait ang lahat ng bagay na g-gusto kong ibigay sa kanya? Bakit di niyo ako ginawang tanungin kung ano ba ang gusto ko?" Mahinahon ang aking pag-iyak pero naglalawa ang luha sa aking mga mata.

"You were helpless at that time and it was the protocol that we'd ask the decision of the father of the child. Brenton was persistent to save you. I even tried to find ways to save your child pero mas pinili niyang huwag ng isugal ang buhay mo. There was a small chance for the baby but he still gave it up dahil kapalit ng maliit na percentage na buhay ng anak mo ay ang pagdagdag naman ng panganib sa buhay mo. You had a rare complication. Your BP suddenly dropped and there was an internal bleeding. Your heart had gotten weaker and it could not able to handle that kind of difficult situation. We had to make a quick decision before it became too late for both of you. Kaya Mira andito ka pa rin ngayon, kaharap ko at nakakausap ko... all because of Brenton's decision."

Pinahid ko ang aking luha. "Sinasabi niyo po bang dapat akong magpasalamat kay Brenton?"

"I am a mother too Mira. And all mothers or shall I say all parents would do anything for their child even if it takes their own lives. But to love and sacrifice for the love of your partner is also a different story. It wasn't easy for him too. Alam kong ginawa niya yun dahil sa malalim na pagmamahal niya sayo. Remember when I told you kung gaano ako nalungkot nang malaman ko na nagkahiwalay kayo? I was too disheartened that all sacrifices were gone like a wind. Noon habang nakikita ko kung paano ka inalagaan ni Brenton hanggang sa makalabas ka ng hospital, sabi ko tiyak na mamahalin niyo ang isa't isa habambuhay kapag nalampasan niyo ang naging pagsubok sa inyo. But sad to know that you didn't. Pero ganun talaga wala namang nakakaalam kung ano ang magiging bunga ng mga desisyon natin sa buhay, tama man o mali."

My Neighbor's ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon