Da-ay

15 2 0
                                    

Da-ay
Waray-waray to Filipino translations: dinala; kinuha

***

Mag-aalas nueve na ng gabi nang makaramdam si Erman ng sobrang pananakit ng tyan. Pabaling-paling siyang nakahiga sa kanyang mumunting katre habang naka-diin ang dalawang braso sa kanyang tyan, nagbabakasakaling maibsan nito ang matinding pananakit.

Dumaan ang ilang minuto ngunit hindi pa rin humuhupa ang pananakit nito kaya't napagdesisyonan niyang gisingin ang kanyang natutulog na anak.

"Ano po 'yon, itay?" Mahinang tanong ni Abel sa kanyang ama. Garalgal pa ang boses nito patunay na kagagaling pa lamang sa mahimbing na tulog. 

Samantalang nag-aalangan namang magsalita si Erman. Nais niya kasi sanang iutos sa anak na bumili ng gamot sa baryo. May halos dalawang-daang metro ang layo ng kanilang bahay mula sa baryo at syam na taong gulang pa lamang si Abel. Masyadong delikado kung uutusan niya ito ngayon lalong-lalo na't kabilugan ng buwan at maraming engkanto at aswang raw ay nagsisilabasan.

'Siguro'y titiisin ko na lamang ang pananakit ng aking tyan,' sa-isip niya. 

"W-wala iyon, matulog la na lang ulit." Malumanayng sabi niya kay Abel.

Marahang tumango si Abel at ipinikit nito ang kanyang mga mata. 

Dahan-dahang tumayo si Erman at pumunta sa kusina. Nagpainit siya ng tubig at naghanap ng maigagamot sa kanyang masakit na tyan. Iniligay niya sa isang cup ang mainit na tubig at tinimplahan ito ng kape. Sa pagkakaalam niya kasi'y mainam itong gamot dahil sapamamagitan nito'y mas madali niyang mailalabas ang hanging namuo sa kanyang tyan.

Naubos na niya ang mainit na kape ngunit hindi pa rin siya nakaka-utot. Pakiramdam niya'y habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang kanyang tyan. Naghanap ulit siya ng maigagamot dito. Halos naubos na niyang buksan ang lahat ng mga box at garapon ngunit wala talaga siyang nakita maski isang tabletang gamot sa pananakit ng tyan. 

Hindi nagtagal ay namilipit na siya sa sakit. Sa sobrang sakit ng kanyang tyan ay pakiramdam niya'y ika-mamatay na niya ito. Mahina siyang duma-daing. 

Gumapang na siya makapunta lang sa kanilang kwarto. Nang makaabot siya sa kwarto'y bahagya niyang niyugyog ang balikat ng kanyang anak. Napunta ang tingin niya sa kanilang bintana'y bahagya itong nakabukas. Ang kurtinang nakatabing dito'y parang sinadyang tupiin upang may makasilip mula sa labas. 

Ngunit masakit na talaga ang kanyang tyan kaya hindi na niya nagawang pagtuonan ito ng pansin. Niyugyog niya ulit ang balikat ni Abel at laking pasalamat niya ng magising ito. Kinusot-kusot muna ng bata ang kanyang mata bago magsalita. 

"Tay?" tanong ni Abel. 

Hindi sumagot si Erman. 

Napansin ni Abel ang lukot na ekspresyon ng ama na parang may masakit na nararamdaman. At dahil naka-bukas ang ilaw ng kanilang kwarto, nakita niya ang namumutlang mukha nito. 

"Ano po ang problema, Itay?"

"M-masakit ang t-tyan ko," nahihirapang saad ni Erman. "Mamamatay na ata ako." naluluhang dugtong nito. 

Nabigla si Abel. Hindi agad ito nakapagsalita. Nawala ang antok niya. Nang makabawi siya sa pagkabigla'y nag-isip agad siya ng mga paraang makakatulong upang mawala ang sakit na nararamdaman ng kanyang ama. Hindi siya makakapayag na mamatay ang kanyang ama. Ito na lang ang nag-iisang kasama niya sa buhay. Wala na siyang ibang pamilya maliban dito. 

Da-ay (EC #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon