Thirty

874 40 65
                                    

KATE

Nilalamig ako.

Nasa labas na ako ng library and I'm really cold. Pagkalabas ko kasi ng library may nagbuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Hindi ko na napansin kung sino ang gumawa nun dahil sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko na nahabol kung sino man ang nagbuhos ng tubig sa akin.

I'm too tired.

Physically, mentally and emotionally tired na ako tapos ganito pa mangyayari sa akin?

Masakit pa nga ang tuhod ko at ang ankle ko dahil sa pagbangga na ginawa sakin nung walang hiyang Amy na 'yon. Pinaglalaruan pa ni Guanlin and emosyon ko at utak ko. Hindi ko maintindihan bakit ganun na ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi daw niya ako kilala? Damn him. Naiinis ako sakanya. Sakanilang dalawa ni Amy. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na ngang galit pa sa akin si Guanlin dahil hindi pa ako nag-sosorry kay Amy, lapit pa rin ako ng lapit sakanya.

Oo, lumapit ako kanina kay Guanlin pagkatapos niyang sabihin na tigilan ko na daw ang paggulo sakanya. Pinuntahan ko pa siya sa classroom niya para personal na sabihin sakanya na may lesson kami sa araw na yon pero ano lang ang sinabi niya?

"I don't talk to strangers"

Nalilito na ako. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang ginagawa niya. Utang na loob gulong-gulo na ako.

Kaya pagkatapos noon ay bumalik ako agad sa library dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayoko makita niyang mahina ako sakanyang harapan.

Pumasok ako nang library para kunin ang gamit ko at pagkalabas ko ay yun na yung may bumuhos sa akin ng malamig na tubig.

Buti nalang tinawagan ako ni Jinyoung. Kung hindi niya ako tinawagan baka hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.

Nakayuko lang ako habang nakaupo sa isang sulok. Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Ako ba talaga may kasalanan?

"Kate, what happened to you? Bakit ka basa?! What the hell! Si Amy may gawa sayo nito 'no?!" It's Jinyoung. Alam kong nasa harapan ko siya ngayon pero wala akong lakas para harapin siya. Ayoko makita ng bestfriend ko na umiiyak ako kahit alam kong alam niyang umiiyak ako.

"Look at me, Kate." he said and that's what I did. I saw him. He was so worried about me. I can see that he's mad. He's mad because of what happened to me.

The next thing na ginawa ni Jinyoung ay kinuha niya sa akin yung gamit ako at nilagay niya iyon sa bag niya, kahit na basa pa iyon. Dahil sa nanghihina pa ako ay binuhat niya ako, kahit na basang-basa ang buong katawan ko he still manage to carry me.

"Jinyoung..."

"Kate, wag mo muna ako kausapin baka ano masabi ko sayo. I'm freakin' mad because of what they did to you."

Hindi kami nag-usap habang buhat-buhat niya ako basta ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay mag-sorry.

Mag-sorry na kaya ako kay Amy? Baka kapag nag-sorry ako sakanya kausapin na ulit ako ni Guanlin ng matino. Baka yun lang naman ang inaantay ni Guanlin na gawin ko.

•••

"No, Kate. Hindi ka magsosorry sa kasalanang hindi mo naman ginawa." sabi ni Jinyoung sa akin. Nasa clinic kami ngayon. It turns out na may lagnat pala ako, mas nagtrigger iyon dahil sa kung sino man ang bumasa sa akin sa library.

I'm too weak. Naiinis ako sa sarili ko.

"Pero baka yun lang naman ang inaantay ni Guanlin para maging okay ulit ang pakikitungo niya sa akin?"

"Kate, hanggang ngayon Guanlin pa din ba? I warned you from the start hindi ba? Tignan mo, nasaktan ka na nga... Guanlin pa din?"

Yumuko ako. Wala akong magawa. Hindi ko na rin alam kung bakit imbis na sarili ko ang isipin ko mas iniisip ko pa ang gagawin ko para bumalik ang magandang pakikitungo sa akin ni Guanlin.

"Hindi ko kasi maintindihan, Jinyoung. Bakit bigla nalang siya naging ganun sa akin?"

"I told you, Kate. He's a jerk, a total player. He's just messing up with your feelings from the start and now that he knows you really like him, umiiwas na siya sayo."

"Hindi. Hindi ganun si Guanlin. Bakit ba ganyan kayo ni kuya ha Jinyoung? Mabait si Guanlin..."

"Mabait pa rin ba? Ilang masasakit na salita na ba sinabi niya sayo ha, Kate? Mabait pa din ba?!"

"Bakit mo ako sinisigawan?!" I asked him. Naguguluhan na nga ako eh. I'm too weak and too fragile today. The next thing I know ay umiiyak nanaman ako.

"I... I'm sorry, Kate. Hindi ko sinasadya." sabi ni Jinyoung and he moved closer to me. Umupo siya sa tabi ko and he patted my head. Sumandal naman ako sakanyang balikat.

Guanlin, please naman. Wag mo akong iwasan.

Wúgū | Lai GuanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon