69

1K 55 21
                                    

Jimin's POV

"Marunong ka ba talaga magluto?" Napangisi ako sa tanong sa akin ni Tzuyu na abala sa pagkain sa dinala kong burger para sa kanya.

"Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?" natatawa kong tanong habang naghihiwa ng mga sangkap na gagamitin ko para sa pagkain namin mamaya. Tinignan ko siya at nakatitig lang siya sa akin kaya kinindatan ko na naman siya. "Gwapo ng boyfriend mo noh?"

Napaseryoso na lang ako ng mukha ng bigla itong nasamid. Bastos na babae 'to ah. Hindi ata sumasang-ayon sa sinabi ko. Dali dali ko namang nilagyan ng juice yung baso niya at ininom niya ito.

"Pabigla bigla ka kasi ng tanong." natatawa niyang sabi. Tangina, ang ganda niya pala. Hindi ko alam pero nakakainlove yung mga ngiti niya.

"Haha, actually hindi naman talaga ako magaling magluto pero gagawin ko para sayo." at kinindatan siya. Napansin ko na medyo nailang siya kaya tumayo siya at tumalikod. "Saan ka pupunta?"

"May kukunin lang ako sa kwarto, hahaha." sagot niya ng hindi pa rin lumilingon. Lumakad ako palapit sa kanya at binack hug siya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at binulungan siya.

"Really? Bakit feeling ko parang kinilig ka?" mapang-asar kong tugon.

"H-hindi ah."

"Hey sweetie, don't fool me. Turn around." utos ko. Umikot naman siya at napangiti ako. "Look, your blushing." pang-aasar ko pa. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko sabay yakap sa akin kaya ginawa ko rin 'to.

"Teka lang, kumukulo na yung tubig." sabi ko at tinignan ang niluto ko.

Ilang minuto ang lumipas ay kakain na kami. Magkatabi kami sa pwesto at nagsimula ng kumain.

"Hindi ako sigurado sa lasa pero huwag mong tatawanan ang luto ko."

"Syempre hindi hahaha." Tinikman niya yung niluto ko kaya tinignan ko lang ang magiging expression ng mukha niya.

"Ano masarap ba?" kinakabahan kong tanong. Binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti. "Fck, sabi ko huwag mo tawanan eh. Magluluto na lang ako ng iba." sabi ko at akmang kukunin na ang pagkain na nakahain ng hinawakan niya yung kamay ko.

"Hindi mo man lang hinintay yung sagot ko, haha. Ano ba, ang sarap sarap kaya. Sige na, umupo ka na. Kumain na tayo." nakangiti niyang sabi at pinaupo ako sa gilid niya. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. At nagsimula ng kaming magkainan— este kumain.

lie || p.jmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon