1

8 1 0
                                    

Katie's Pov

"Tao po!" Baka magtaka kayo, nasa harap kasi ako ng bahay ng mga Ventura. Andito ako para sunduin si Josh, ang aking ubod ng cold na bffaekwf which stands for bestfriend forever and ever kahit walang forever charot!

"Oh Katie iha pasok ka" This is tita cams short for Camelia Teresita Sinang Ventura, haba di ba kaya tita cams na lang hehe.

"Si Josh nasa taas pa nag bibihis. Hintayin mo na lang dito sa baba okay?"  Kahit kailan talaga yung Josh na yon ang bagal kumilos jusko

"Okay po tita"
Grabe ang ganda talaga ng bahay nila Josh. Kahit di gaanong malaki maaliwalas pa rin kita mo pa rin na mayaman sila. Kahit mayaman sila maliit na bahay lang yung kinuha ni tita cams kasi silang dalawa lang naman ni josh yung titira. Maaga kasi naulila si Josh sa papa niya.

Speaking of ayan na yung yelo kong ka-ibigan este kaibigan ehehe.

"Aga mo" di ba ang cold niya! Pasalamat siya crush ko siya.

"Wooow panong maaga e late na nga tayo?" Bigla ba naman akong sinamaan ng tingin aba!

"Whatever" hay dati naman kasi di siya ganito e.

"JOOOSH HINTAY!" pano iniwanan niya ko! Pagkababa namin sa jeep derederetsyo lang siya.

Nang makahabol ako sa kanya binatukan ko siya. "ARAY! Para san yon Kat?"
"Iniiwanan mo kasi ako! Kanina ka pa, ano ba nangyayari sayo?" Nakakasad kasi tumaray bigla ngayon tong taeng to este tao.

"Sorry Kat masama lang gising ko" bat kaya?

"Oo na, matitiis ba kita?" Sabay tingkayad at gulo sa buhok niya Bwahaha para sa kanya okay lang na magulo lahat at masira maliban sa buhok niya hair is life yan e Hahahaha

"KATIE!" oops! Takbooooo!

Is The Heart Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon