2

6 1 0
                                    

Katie's Pov

Ang sakit pa rin ng ulo ko jusko! Pano nung tumakbo ako kanina di naman pala ako hinabol nung taeng yon, nakaabang pala sa harap ng classroom namin ayon tuloy batok abot ko sa panggugulo ko ng buhok niya. Pasalamat talaga siya crush ko siya!

"Mpft" tamo to todo pigil ng tawa niya palibhasa nakahawak pa rin ako sa ulo ko "Oy ventura tumigil ka aba!"

"HAHAHAHAHA!" kahit na naaasar ako sa ugali niya napapangiti na lang din ako kapag tumatawa siya. Minsan lang kasi siya ngumiti at lalo na ang tumawa, di katulad dati.

                             -----

Boriiing. History class kasi namin ngayon inaantok tuloy ako. Dont get me wrong, di sa ayaw ko matuto okay? Nakakaantok lang talaga.

Tamo tong katabi ko, ang sarap ng tulog palibahasa napawalk out niya si sir dati. Natutulog kasi sa klase bigla tinawag ni sir at tinanong kung sino yung pinakaunang presidente ng Pilipinas, America, China, North and South Korea, Canada, Singapore, Japan. Aba nasagot niya! Walk out tuloy si sir grabe di ba. Hay inggit tuloy ako.

"Go and find a partner" ay hala may sinabi pala si sir di ako nakikinig may activity pala.

"Oy gising" ang sarap ng tulog oh pinindot ko na buong mukha di pa rin nagigising jusko. Masampal nga.

Nang akmang sasampalin ko na siya biglang nagising!

"Sasampalin mo ko?" Halaaa pano ba to

"Ehehe hindi po, may langaw kasi. Ayan oh ang dami grabe!" Sabay kunyari may binubugaw ako na maraming langaw

"Ay may activity by partner gust-" Aray! Naumpog pwet ko ang sakit. Humanda ka sakin babae ka!

"Hi Josh" with matching pabebe voice pa ang bruha. Bruha na lang itawag natin sa kanya kasi di importante pangalan niya extra lang siya dito no saka akin lang si Josh! Akiiin hehe

"Wala kasi akong kapartner like pwed-"

"Excuse me! Kami na partner ni josh okay? Pwede b-" Abat sasabat pa tong isa

"Hey! you two are so noisy just shut up okay?" Pagkatapos niya sabihin yan natulog ulit amp!

"HA! You're like too maingay daw kasi Katie, so like excuse me at kami ni Josh ang like partners. Am I like right Josh?" Sabay kapit niya sa braso ni Josh na ikinagising nito.

Hala ka gurl lagot ka ayaw pa naman maistorbo ni mahal na hari ang kanyang tulog. Masaya to bwahaha

"HOW DARE YOU TO INTERUPT MY SLEEP!" Ayan naaa. Grabe nakakatakot talaga to magalit tamo kulang na lang may lumabas na usok sa tenga at ilong niya.

Gulat yung bruha Haha nanginginig na sa takot hahaha yung mga kaklase rin namin tumigil sa mga ginagawa nila e kaso si sir dedma lang

"Im s-so l-like S-sorry J-josh! I like did'nt mean to like gisingin ka. Please like f-forgive me!" Kaumay si ateng ah puro like kung like like-in ko kaya mukha nito

"Well you are like not forgiven so back off before I like rip your head of because of your like in every sentence!" Panggagaya niya kay ate like kasabay naman non ay ang tawanan ng mga kaklase namin pati si sir natawa.

                           ------

"HAHAHA! Priceless talaga yung ginawa mo don sa babaeng yon kanina! I never thought na marunong ka mag joke! HAHA" Andito kami ngayon sa canteen ni Josh at pinag kkwentuhan yung nangyari kanina sa classroom.

Habang nag kkwentuhan kami napansin ko na may nilingon yung mga tao sa canteen maliban kay Josh kasi nakatalikod siya dito. So dahil chismosa ako sinilip ko.

May isang babaeng pumasok sa canteen. Sobrang ganda niya! Parang itinakwil sa langit kasi over qualified yung kagandahan niya. Dami tuloy na lalaking naglalaway ew buti pa si Josh di gany-

"Sino siya?" Okay nevermind. Pano pagkalingon ko sa kanya titig na titig siya don sa babae hay sana ako na lang yung titigan mo ng ganyan Josh okay lang kahit matunaw ako hihi

"Siya si Lizelle Intrado" Woa! san to nanggaling, Bigla biglang magsasalita sa gilid yung isa kong chismosang school mate narinig yung tanong ni Josh.

Grabe ha inggit na ko kay ateng lahat nakatitig lang sa kanya habang nag lalakad papunta sa cashier kala mo nakakita ng bagong species ng tao tong mga to.

Kung mag sisisigaw kaya ako dito at umakting na parang unggoy sure na ako yung pagtitinginan nila. Aba! Katie Mamukod best actress kaya ako! Nung elementary nga kami play namin Jurassic Park e tapos ako yung bida. Di yung tao ha? Yung bidang dinosaur!

Pinagdadaganan ko mga actors don e tuwang tuwa yung mga nanood kasi mukhang totoo yung acting namin na tinotoo ko talaga Bwahaha. Yung isa nga don tinadyak tadyakan ko pa ayon naospital na comatose daw. Kalokohan! yung kulay red kaya yon na prutas na kala ko dati ay gulay. Pano magiging sakit yon.

Di ko napansin na nasa harap na namin yung babae na mukhang over qualified angel dahil sa pagkkwento ko sa inyo. Kayo kasi e ang daldal

"Hi, pwede makishare ng table? Puno na kasi yung iba e" di talaga siya mahilig ngumiti e no di halata. Di ba siya nangangalay palibhasa ang puti ng mga ipin psh.

Tignan mo tong katabi ko tutulo na laway kaya as a kind friendly friend I will make friends

"Sure!" Syempre di ako papatalo ngumiti rin ako ng ubod ng laki kahit makita sungki ko.

"Ako nga pala si Lizelle, bagong transfer dito" ahh kaya pala ngayon ko lang siya nakita.

" Ahh ako pala si Katie at eto si Josh" pagtuturo ko kay Josh na tulala pa rin. Hala anyare dito di na gumagalaw. Agad agad kong hinawakan pulso niya para malaman kung buhay pa siya.

"Kat anong ginagawa mo?" Nakakunot na noo niya akong tinanong. Habang si lizelle naman ay nagpipigil ng tawa sa gilid.

"Ah eh tinignan ko lang kung may pulso ka pa di ka kasi nagalaw e ehehe" di na napigilan ni Lizelle at natawa na siya. Nababaliw na ata to e sayang kagandahan hay.

"Hahaha! Cute niyo Katie" I know right! Kaya bagay kami duh. Magkakasundo kami nito kahit na may sayad tiis na lang ako hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is The Heart Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon