At totoo nga ang sabi ni unggoy, nakarating kami sa falls na sinasabi nila at napakaganda! Ang linis linis ng tubig at yung ambiance dito ay sobrang nakakarelax.
Parang ang sarap sarap tumambay dito. Kinuha ko ang camera ko at nagpicture. Si unggoy naman ay hindi ko alam ang ginagawa dahil busy ako kakapicture.
Puro selfies ang mga ginawa ko kase wala namang magpi-picture sa akin! Hinanap ko si unggoy dahil naisip kong siya dapat ang kumuha sa akin.
Andoon lang pala!
Nilapitan si unggoy na nakatampisaw ang paa sa tubig na nakaupo sa malaking batuhan. Nilapitan ko naman siya at naabutan ko siyang nakapikit. Ineenjoy niya siguro ang paligid.
Nakaisip naman ako ng ideya kaya pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato at ng matapos ay matamis akong napangiti.
Ang tahimik kase sobrang nakakarelax at hindi pa mainit! Tinabihan ko siya at sinubukang huwag gumawa ng ingay.
Ginaya ko din ang ginagawa niya at dinama ang malamig na hangin at pagpatak ng maliit na tubig sa amin.
Grabe, this is so amazing.
Maya maya pa ay may narinig akong mga yabag ng paa at mga boses. Well, I guess nandito na sila. Tama nga si unggoy dahil alam niya itong place na 'to dahil nauna pa kaming nakarating keysa sa kanila.
Gulat na gulat sila Annie at Bella dahil sa nakita nila kami ni unggoy na magkasama and take note, nauna pa kami.
"Hoyyy, cess! Bakit andito ka kaagad—I mean kayo? Kanina asa hulihan ka pa nga eh!" nalilitong tanong ni Bella sakin.
Eh magsasalita na sana ako ng akbayan siya ni jiro. Tsk, etong dalawang 'to talaga may hindi sinasabi sakin eh.
"Syempre! Ang galing ko kase—I mean kami ni unggoy! Ang bagal bagal niyo nga, kanina pa kami nandito."
Tumayo na kaming dalawa ni unggoy at inalalayan niya ako paalis sa mga batuhan.
"Unggoy! Picturan mo nga ako dito. Dapat maganda ang anggulo, ha!"
Inabot ko sa kanya ang camera pero ayaw niyang tanggapin.
"Ayoko nga. Kase dapat kapag humihingi ka ng pabor, 'yung tamang paraan sa pagtawag."
Ano daw?
"Ha? Anong sinasabi mo diyan unggoy? Dali na!" pilit kong iniaabot ang camera pero hala, inirapan lang ako.
Akala ko ba gusto ako neto?!
"Dapat ganto mo ako tawagin, 'babe, picture mo naman ako oh, pleaase?' dapat ganyan."
Kumunot ang noo ko dahil talagang may tunog arte pa ang ginawa niya. What ever!
"Ayoko nga! Dali na kasii! Kukunin mo ito o kukunin mo?" tinaasan ko siya ng kilay at inabot ulit at sa wakas, kinuha na niya.
"Siguraduhin mong maayos, okay? Pag hindi, lagot ka sakin!"
Umamba naman na akong mag pose, pose doon, dito ganyan. Ng ma-satisfied naman na ako ay bumaba na ako at kinuha ang camera kay unggoy na nakasibangot.
Kumunot ang noo ko ng makitang blurd halos lahat tapos ang pangit pangit pa ng anggulo!
Inis ko siyang tinignan kase iisa na nga lang matino tapos yun pa yung natakpan pa ang mukha ko dahil sa buhok ko nung humangin!
"Ano ito? Sabi ko ayusin mo unggoy, ih! Paano ko naman iyan maipo-post kung ganito? Wala man lang matino, sinadya mo ito no?"
At aba! Tumatawa pa ang unggoy, sinadya talaga. Kainis talaga 'to kahit kailan!
BINABASA MO ANG
My Perverted HouseMate [COMPLETED]
HumorPrincess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magulang dahil kapalit naman nun ay ang matagal na niyang inaasam. Will Hazel fall for the monkey's trap...