Prologue

875 26 10
                                    

Nagkakagulo ang lahat. Halos dumugin ang bulletin board nang malaman  ng mga estudyante na iaanunsiyo na ang ranking sa academic ngayong first semester. Kalmado lang akong lumapit sa kumpulan ng mga estudyante. Kahit ako ay kinakabahan rin pero hindi ko 'to pinakita. I was uneasy the whole time but I did not let myself fret.

“'Yung top  1!”

“Omg!”

“No way!”

“Whoah.”

"This is unreal!"

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang mga naging reaksiyon nila pagkakita sa papel na naglalaman ng mga ranking namin. Mas lalo pa akong na-curious at kinabahan kaya nakipagsisikan na rin ako sa kumpulan para makita ko rin ang dahilan ng mga reaksiyon nila. Hinahanda ko na rin ang sarili ko. I've worked hard for this. I want to beat him even if that's the last things I'll do.

1. Valiente, Kurt S.    -99.95
1. Dizon, Gabriela A.   -99.95

Hindi ako makapaniwala s nakita ko. Tie kami. Tabla ang general average namin. Naggawa kong tapatan ang isang Kurt Valiente. I did not beat him but still. We were both on top. Ang arogante at mayabang na Valiente na iyon ay nahanap na ang katapat niya.

“This is absurd.”

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang halimaw – si Kurt Valiente, na para bang walang pakielam sa mga nangyayari. Napansin ko ring natahimik na ang mga schoolmates namin at ngayon ay nakatigin na sa amin na animo’ parte kami ng isang show. This scene is nothing new to me. Eversince I stepped foot here, I considered Kurt Valiente as my arch rival, my no. 1 enemy and my match.

Dumting din si Luke, ang walang kwenta kong kuya, at inakbayan si Kurt. Tiningnan niya kung sino ang nag-top. Nanlaki ang mga mata niya at nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Kurt. Halos gumulong siya sa kakatawa nang makita ang ranking.

“Looks like you found your match, bro,” sabi ni kuya kay Kurt. These two were best friends and I hate it.

Tiningnan naman ako ni Valiente. Hindi ako natinag kahit pa parang tatagos na sa ulo ako tingin niya. Tinitigan ko rin siya at hindi rin ako nagpatinag. Animo’y staring contest ang nangyayari sa amin at walang gustong sumuko.

Ilang segundo pa ay tinigilan niya rin ang pagtitig at nagsalita,"game on, Gabby.”

Malademonyong ngiti naman sagot ko sa kanya. Matagal nang nakibitin sa ere ang hamon ko sa kanya at ngayon ay tinanggap niya na rinn ito sa wakas.

I will beat you, Kurt Valiente.

His Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon