Gabriela Dizon
Mabigat ang pakiramdam ko habang iniimpake ang mga gamit na dadalhin ko sa bahay nila Mommy. Naiinis ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang umalis ni Daddy ng ibang bansa kung pwede naman siyang magtrabaho dito. Higit pa, hindi lang naman ang pag-alis ni Daddy ang ikinasasama ng loob ko. Simula kasi bukas ay titira na ako sa bahay ng nanay ko sa West. Ibig sabihin din nito ay iiwan ko ang kasalukuyan kong eskwelahan para doon mag-aral sa pinapasukan ng kuya ko. Iiwan ko na ang buhay ko dito. Lahat ng achievements na pinaghirapan ko ay mawawala ng ganun-ganon lang dahil sa paglipat ko. I will have to start from scratch.
Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko. Ako ay napunta sa puder ni Daddy habang ang nakatatanda kong kapatid na si Luke ay sa pangangalaga ni Mommy. Simula nang magkahiwalay ang mga magulang namin ay madalang na rin kaming nagkakausap. Walang masyadong tawag o text mula sa kapatid at nanay ko maliban lang kung may emergency talaga. Sa paglipas ng panahon, parang naging mga estranghero na rin kami sa isa't-isa. It seemed like I don't know them anymore. Sa loob ng anim na taon ay hindi ko na naramdaman na pamilya ko pa sila Mommy at kuya.
Narinig ko ang marahang katok mula sa pinto. Alam kong si Daddy ito. Siya lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Hindi na rin kasi siya nag-asawa ulit pagkatapos ng hiwalayan nila ni mommy.
Inilapag ko muna ang jersey ko saka dumiretso sa pintuan para pagbuksan si Daddy.
"Gab, is everything okay?" alalang tanong niya.
Sa totoo lang ay hindi ako okay pero tumago lang ako sa tatay ko at ngumiti. Ayokong mag-alala pa siya sa akin. Masyado na siyang maraming problema at ayokong dumagdag pa.
"Oo naman, Dad. I'll just pack a few more things then I will be set," sagot ko.
"Okay then. Call me if you need anything."
"I will, Dad."
He flashed me a worried smile and went downstairs. Sinarado ko na rin ang pinto at nagpatuloy na lang ulit sa pag-impake. Sa totoo lang, mas nangingibabaw ang kaba ko. Makikita ko na ulit ang Mommy at kuya ko after six years. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila o ang magiging reaksiyon ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na. Ayoko na munang isipin ang mangyayari. Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakasurvive doon.
Matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang caller id at nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni kuya Luke. Ngayon lang ulit siya tumawag.
Bumalik ang pag-aalangan ko. Hindi pa ako handang makausap siya pero napaka-immature ko naman kung hindi ko ito sasagutin.
"Hello?" sabi ko.
"Uhm. Hello," sagot niya sa kabilang linya.
Malalim na ang boses ni kuya - husky at sexy pakinggan. Nakakapanibago lang at hindi ako pamilyar sa boses ng sarili ko mismong kapatid. Six years of him gone made him a stranger to me.
"Ba't napatawag ka?" I kept it cool. I congratulated myself for not choking. Paano mo ba kakausapin ang kapatid mo na ngayon lang nagparamdam after six years?
"Uhm kasi ako ang magsusundo sa'yo bukas sa airport. I'm just calling to inform you," sabi niya.
"Ah sige," sagot ko.
Ilang segundong walang nagsalita mula sa amin. It was a long awkward pause. Silence ensued, it was uncomfortable.
Ilang minuto pa ang lumipas nang basagin na mismo ni kuya ang katahimikan sa pagitan namin.
"Uhm. I guess I'll see you tomorrow, Gabby," wika niya.
"Yes. Sige kuya may aasikasuhin pa kasi ako eh," pagsisinungaling ko.

BINABASA MO ANG
His Perfect Match
Teen FictionMaganda, matalino, athletic at competitive - iyan si Gabriela Dizon. Para sa kanya, ang buhay ay isang kompetisyon: may panalo at may talunan. Ang buhay aniya ay isang karera at kailangan niya laging mauna. Sa pagpasok niya sa West Abbey High School...