KMK #1

69 2 0
                                    

Katherine V. Fuente

Kathy for short.

I'm invisible. No, not literally.

I mean invisible ako sa mga classmates ko. Even sa mga prof ko ganun rin.

Pag nag che-check si prof ng attendance, parati akong nakakalimutan.

Pag nag re-raise ako ng kamay para sumagot, di ako tinatawag.

Pag nagtatanong ako sa seatmate ko hindi ako pinapansin.

Is it because of my looks?

I wear big glasses. I braid my hair. But that's not a good reason to ignore me.

Or is it because of my personality...?

Nah =.=, they don't even talk to me so how will they know about my personality?

*sigh*

Well, i guess i should work on my studies nalang...

Habang nag de-discuss si prof, tingin ng tingin lang ako sa labas.

Ma? san ka na ba?

Napaisip nanaman ako kay mama... 

Simula ng ipinanganak ako, kina lolo at lola na ako nakatira. iniwan daw kami ni Papa habang ipinagbubuntis ako ni mama. Nang ipinanganak naman ako, iniwan ako ni mama...

"Okay class enjoy your summer break ok? Don't forget about your projects! that's it for now."

Narinig kong naghiyawan ang mga classmates ko. Nagsimulang mag chikahan yung mga babae. Yung mga lalake naman nagaasaran sa tabi. Lahat sila may kanya kanyang grupo maliban sakin.

*Sigh*

Linigpit ko ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad papauwi.

Malapit lang naman ang bahay ko sa campus kaya agad akong nakarating sa bahay.

"Lo, La, andito na po ako" Sabi ko sabay sara ng pintuan ng bahay namin.

"Oh apo! andito ka na pala. Kumusta ang klase mo?" tanong ni Lola habang nakangiti at naka upo sa paburito nyang upuan.

Napangiti ako kay Lola. 85 na sya pero maganda parin. Kahit puno na ng wrinkles ang mukha nya, makikita mo paring mestisa si Lola.

"As usual lang po." Sagot ko kay Lola sabay mano at beso sa kanya.

"Wala ka bang nakaaway o bumully sayo?" Tanong naman ni Lolo na nakaupo sa paborito nyang upuan habang nagbabasa ng dyaryo. Half Spanish si Lolo kaya naman mestiso rin sya.

"Naku Lolo, eh ni isa nga po walang pumapansin sakin." Sabi ko sabay mano at beso kay Lolo

"Naku apo. Sa ganda mong yan? walang papansin sayo? Naku apo tanggalin mo kasi yung eyeglasses mo. Sayang yung lahi natin." Pabirong tukso ni Lolo

"Naku Lo, binobola nyo nanaman ako. Sige po akyat muna ako sa silid ko."

Nagsimula akong maglakad papunta sa silid ko. 

Malaki ang bahay nila Lolo. May malalaking chandelier at pintuan. May mga paintings rin na nakasabit sa wall. Mukhang mini museum. Pero kung titignan mong mabuti, mapapansin mong luma ang stilo ng bahay. Pag pumasok ka sa silid ko, isang malaking wedding picture ni Mama at ni Papa ang agad na makikita. Malaki-laki din ang silid na to. Ito kasi ang silid ni Mama at ni Papa nung bagong kasal pa sila.

Umupo ako sa dulo ng bed at tinignang mabuti ang bawat sulok ng kwarto.

Ma? Pa? Anong nangyari sa inyong dalawa?

Aaaah! anu ba yan! napapaisip nanaman ako tungkol sa kanila. ahysh!!!

Napasabunot ako sa sarili ko. Napatingin ako bigla sa malaki kong cabinet. Parang may kung anong kakaibang gumagalaw sa ilalim. 

Tumayo ako ng dahan dahan at unti-unting hinawakan ang pinto ng cabinet.

Unti-unti kong binuksan ang kabinet ng biglang...

"HMMMM! HMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!"

Di ako makasigaw. Tinatakpan nya ang bibig ko.

Naku po! Mamamatay na po ba ako? Wag naman po sana!! hahanapin ko pa mga magulang ko. wag pohoooo! XC

"Shhhhhhhhhhhhh!!! Wag- wag ka ngang maingay!" Sabi nya habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Waaaaaah!!! Lolo! Lola!!! tulungan nyo po akooooo!!!

Naramdaman ko nalang ang panghihina nya hanggang sa nahimatay sya. Natumba kaming dalawa. Nadaganan nya ako kaya naman di kaagad ako nakatayo. Tinulak ko sya sa tabi at kumaripas ng takbo papalabas.

"L-lo! La! Tao... Dun... Dali!" sabay turo sa kwarto ko

"Apo kalma lang. A-anu bang problema?" Tanong ni Lola habang mabilis na naglalakad patungo sakin.

"Ma-may tao po sa-sa silid ko!!!" 

"Ano?! Mahal! bilis kunin mo yung baril ko!" Utos ni Lolo kay Lola. Agad namang sumunod si Lola at binigay ang baril kay Lolo.

Dahan dahan kaming lumapit sa silid ko. Nasa harapan si Lolo habang kaming dalawa ni Lola ay nagtatago sa likuran nya. Pumasok kami sa silid ko.

"Dyos Ko! Apo anong ginawa mo sa binatang to?" Tanong ni Lola habang pinipilit na pinapaupo yung lalake.

"A-araay. dahan dahan lang po." sabi ng lalake.

Teka? sino bang biktima rito? ako o sya?!

"hay naku apo. Boyfriend mo lang pala! akala ko magnanakaw o mamamatay tao!" Sabi ni Lolo habang inilalagay sa bulsa ang baril.

"Hoo?! anung boyfriend?!"

"Apo, wag mo nang itago. Asuuus. Tingnan mo oh! ang gwapo." Tukso ni Lola habang pinapaupo ang lalake sa higaan ko.

"Te-Teka lang ho! wala po akong boyfriend! magmamadre po ako!"

Napatingin sakin yung lalake. Tama nga gwapo sya. Sino mang babaeng mapapatingin sa kanya eh talagang mapapahinto at mapapalingon. (AN: kayo na bahala mag imagine sa face. Let your imagination run wild XD) 

"Talaga bang magmamadre ka?" tanong nya. Seryosong seryoso ang tingin nya sakin. 

"A-Aba! oo!" sabi ko naman sa kanya.

Naku ako pa yata yung napasubo! XC

Bigla syang nag smirk at yumuko.

Anu bang problema nya?

"Tama ho kayo. Boyfriend nya po ako." Sabi nya habang nakayuko parin. Pero mararamdaman mong nakangiti sya.

"A-ANOOOO? ANU BANG PINAG---" Naputol ang dapat kong sasabihin ng bigla syang tumayo at inakbayan ako.

"Nandito po ako upang hingin ang kamay nya. Magpapakasal na po kami." Sabay nag evil smile.

______________________________________

AN: Thank you for reading! ^_^ Abangan ang KMK #2

KISS ME KATHY (NEW STORY/ ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon