Chapter 2: The other guy

37 2 0
                                    

*Pagdating sa bahay, humiga sa kama at nagpahinga.. sabay na paisip*

Pano kaya kung kalimutan ko nalang siya? Layuan ko nalang… Tsk. Kaso hindi pwede bestfriend ko yun.. Bakit ganun? Sabi nila “lucky I’m inlove with my bestfriend” parang hindi naman.. ang hirap kaya.. Pagsinabi ko naman ang tunay kong nararamdaman sa kanya.. Pag hindi niya naman ako gusto, baka siya ang umiwas … mawala lang ang pagiging bestfriend namin…

*biglang tumawag si Jamee*

Jamee: Bes! Pano bang gagawin sa project natin?

Ako: don’t worry, ako ng bahala

Jamee: ganun ba bes? Sige . teka bakit parang napakalungkot ng buhay mo?

Ako: wala. Masakit lang ulo ko.

Jamee: masakit!? Ang ulo?! Baka naman ang puso?! Narinig ko kasi yung paguusap niyo ni Papa Andrei.. tungkol sa crush di ba??

Ako: Galing mo talaga.. kala ko natutulog ka, nakikinig ka pala samin!

Jamee: Syempre naman.. May gusto ka ba kay Andrei?

Ako: ………….

Jamee: Hui tinatanong kita! Siguro nga meron.. Mang aagaw ka!!! Echos lang bes.

Ako: Oo, meron akong gusto sa kanya. Nahindi ko naman masabi..

Jamee: ako ang magsasabi!! Kaso pagsinabi ko.. baka mawala ang pagiging magkaibigan niyo..

Ako: Oo nga eh.. *sigh* sige bye na..

Jamee: sige na nga.. bye!!

*para mabawasan ang lungkot.. natulog nalang ako.. pagkagising nag-ayos na ko at pumasok na sa SSC*

Pagdating sa SSC, nasa gate si Jamee. Sabi niya hinihintay niya daw ako kaya naman pumasok na kami sa room pagdating ko. Andoon si Andrei. Nginitian niya ako sabay kaway. Eto namang si Jamee.. nakipagharutan sa iba pang girlalush sa campus at naitulak ako! Muntik akong malaglag! Pero may sumalo sakin.. Hindi si Andrei, Si Ron. Siya ay mayaman, may itsura, mabait pero may pagkapilyo at kaklase namin. Sabi ni Ron kay Jamee, “hui ganda wag ka naman masyadong maharot! Kawawa naman tong kaibigan mo”. Inirapan lang siya ni Jamee.

*nagsimula na ang klase* Palaging nakatingin si Ron sakin. Sabi ni Jamee, Hindi mo ba napapansin?? Matagal na siyang may gusto sayo! Eng eng talaga tong babaeng to! Jusko!

*tumungo at napaisip* Huh?! May gusto si  Ron sakin?? Masyado na ba akong naoobsessed kay Andrei na hindi ko na napapansin ang mga nasa paligid ko? Tsk.

*Nagbell na, bali dismissal na*

Ron: JENN!!! JENN!!! May kasama ka ba?

Ako: wala eh.. si Jamee kasi, makikipagbonding daw muna siya sa mga boylets niya.

Ron: eh si Andrei? Diba lagi kayong magkasama?

Ako: Oo dati, pinuntahan niya daw kasi si Karen.

Ron: ahh… Gusto mo samahan kita?

Ako: Sige ok lang. Saan mo ba gustong pumunta?

Ron: Gusto sana kitang samahan.. kahit saan ka pumunta..

Ako: kahit sa kamatayan?

Ron: ibang usapan na yan.. hahaha.. joke lang.

Ako: sus. Duwag ka lang eh. Haha

Ron: ako duwag?! Sa macho kong to duwag?!

Ako: che. Subukan mong sumali sa drama club! Di ka kasi nagaudition kaya di natin alam kung matatanggap ka.

Ron: paano pagnakapasa ako dun? Pwede bang friends na tayo at sasama ako sa inyo nila Jamee sa mga lakwatsa nyo?

Ako: Sige ba.

Ron: pasado na ko nyan. hahaha

To be  continued..   

Puppy loveWhere stories live. Discover now