To be with you again

13 0 0
                                    

Matapos ang ilang araw, madalas na sumasama si Ron saamin. Natanggap kasi siya sa drama club. Tumatabi narin siya samin nila Jamee at Andrei. Si Jamee nga eh, nagustuhan agad si Ron. Masaya kasi siya kasama, pagkasama namin siya hindi na namin namamalayan ang oras. Pag nagpapatawa siya, wala nakaming ginawa ni Jamee kundi tumawa ng malakas! Si Andrei lang ang hindi tumatawa eh. “Palibhasa, patay na bata” sabi ni Ron.

*Pauwi na kami, hindi sumabay si Jamee sakin. Si Ron naman may emergency. Kaya kami nalang ni Andrei.*

Ako: Andrei.. okay ka lang ba? Kanina pa kasi kita napapansin.. parang malungkot ka?

Andrei: Oo eh. Si mama kasi hindi man lang niya naalala na birthday ko ngayon. Si papa naman wala sa bahay, meron daw siyang aasikasuhin. *sigh*

Ako: ( BIRTHDAY pala niya!!! Dapat pasayahin ko siya.) Andrei! samahan mo naman ako sa mall. Tutal naman, wala namang tao sa inyo. 

Andrei: Sige lang. Libre mo ko ah.

Ako: Sige.

*nasa Jeep na kami ng biglang may mabahong lalaking tumabi saamin*

Sa sobrang baho nung lalaki, nahilo si Andrei. Kaya naman ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Kumabog nanaman ang dibdib ko…(bigla kong naalala na pipindutin mo ang ilong mo para mawala ang kilig at ginawa ko nga yun. Umipek naman. )

*bumaba na kami sa jeep, 7:00 pm na.*

Kanina malungkot kana, kaya ngayon dapat masaya kanaman!

*Naglaro kami sa mall ng kung ano ano, at kumain kami ng paborito niyang Ice cream. Maya maya kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga katangahan ko sa buhay. Tawa naman siya ng tawa. At sinabi ko sa sarili ko..(Hay, salamat. Napasaya ko din ang taong mahal ko.. Sobrang saya nitong araw na ito.. sana lagi siyang masaya! Dun kasi ako maligaya eh,. Hihi ♥)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Puppy loveWhere stories live. Discover now