Chapter 1

60 2 2
                                    

Prologue:

Ang saya-saya ng buhay ko bago siya dumating. Never akong nagkagusto kahit kanino.

Tapos nung nakikila namin siya ng BESTFRIEND ko, lagi na siyang sumasama sa amin. Bawat araw na kasama namin siya. Hindi maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Pakiramdam ko may kulang kapag di namin siya kasama.

SIYA kasi yung tipo ng lalaki na kapag ngumiti siya, mahahawa ka. Yung kapag nag-joke siya, hindi ka sa joke matatawa, kundi sa tawa niya. Siya kasi yung tipo ng lalaki na tatanungin ka kung may problema ka kapag nakikita ka niyang malungkot. Hindi siya manlilibre, siya pa yung papalibre. Napakaputiiiiiiiiii niya. Sobra. Minsan nga nahihiya yung balat ko sa balat niya.

Teka, ang dami ko ng nakwento ah. Story naaaaaa. :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

YSABEL'S POV

 Tapos nako sa kalbaryong dala ng 3rd year. -.- Summer nanaman. Kawawa nanaman ang wallet ko :( Hindi ko naman maeenjoy ang summer vacation kung forever ako dito sa bahay. Mapagtripan nga si white Oliberteddybear.

[Phone calling... OliberTeddyBear:) ]

"Oliber teddy bear lance concepcion posadas!" sabi ko pagkasagot niya dun sa call.

"Oh bakit maria chacha ysabel manio baliw!" mas baliw kaya siya.

"Wala lang. Nakakabaliw talaga sa bahay no?" sabi ko.

""Baka sa susunod na pasukan sa mental ka na papasok. Baliw kana tapos madadagdagan pa. Ahahaha." ang corny niya ever since. Pero akala niya nakakatawa, sa tawa niya kaya ako natatawa.

"Haha. Corny mo oliberteddybear!" wala akong maisip na topic.

"Tawa ka naman dyan."

"Yung tawa mo kaya tinatawanan ko."

"Tss. Wag nga ako pagtripan mo."

"Di naman kita pinagtitripan ah. Eto talaga pikon."

"Oh bakit ka tumawag?" naiinis na si teddybearlance.

"Wala lang. Ano bang ginagawa mo? Sorry po sa istorbo whote nazareneeee!"

"Naglalakad."

"San ka pupunta?"

"Sa puso mo cha." hindi ko alam pero parang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya, alam kong pinagtitripan niya lang ako.

"Tss manahimik ka nga dyan. Sisipain kita kapag nakarating kana!"

"Haha. Asa ka naman chacharap. Pupunta ako ng mall no. Bibili ako ng pagmamahal kay  Shai. Haha." awwtsss. Pagmamahal ni Shai? Bestfriend ko yun ah.

"Shai? Shaira Balboa?" nakaka-sakit sa puso </3

"Oo." para tuloy ayoko na siyang pagtripan. -.- Ang sakit ng mga words niya -.-

"Oh bakit nanahimik ka? Nagseselos ka no? Ahaha. " di kasi ako nakasagot.

"Tss. Asa ka din. Tapon pa kita sa Pluto eh." sabi ko.

"Hala. Selos ka lang nyan eh."

"Wag nga akong pagtripan mo."

"Napipikon si chacharap. Haha."

Di ako sumagot. Tinapos ko yung call, binabaan ko siya. Bahala siya dun. Di naman talaga ako napipikon sa mga trip niya. Pero ewan ko bakit parang may kakaiba na ata sa akin.

After 3 minutes. May nagtext.

From: OliberTeddyBear:)

"Cha, joke lang yun. Sorry na. Tara sm tayo. Hihintayin kita.

My bestfriend is inlove with my bestfriend &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon