Chapter 2

32 2 1
                                    

YSABEL'S POV

Nasa bahay na kami. Badtrip ako kay Oliver.

Sa akin nagpasama tapos ayun, nakita si Shai tsaka ako kinulit na puntahan daw namin. -.- Alam mo yun? Parang ako yung ginagawa niyang daan para maging close sila ni Shai. Sakit lang, gusto ko na ATA siya pero gusto niya BESTFRIEND ko. Sa dinami-dami ba naman ng tao sa buong mundo, bakit sakanya pa? Bakit sa bestfriend ko pa? Di niya ba alam na nag-exist din ako para mapansin niya? Ugh. Sarap magbasag ng isang-daan na plato, vase, okaya mas masaya kung mukha. -_______-

FLASHBACKKK

Pagkalabas namin ng K-Hub, nagkwento si Ver habang naglalakad kami.

Di naman nakikinig ni ate kasi kasama niya yung bestfriend niya, yung earphone na napakalakas.

"Cha, diba bestfriend mo yung si Shai?"

"Oo bakit?" proud kong sagot.

"Ah, eh. Hmm...."

"Ano babalik ka ulit ng grade one para magmemorize ng 'a e i o u'?" pagbibiro ko.

"Tss. Sira ka talaga. Nag-iipon ng lakas ng loob yung tao eh." parang may importanteng sasabihin ah.

"Ano ba kasi yun?"

"Ahhh...*inhale, exhale* si Shai kasi.."

"Anong nangyari kay Shai?" pag-aalala ko. Hindi ko mabasa mukha niya eh.

"Wala. Walang nangyaring masama sa kanya." ayun, nakahinga ako ng maayos. Buti naman.

"Oh ano ba kasi? Ninenerbyos ako sayo eh."

"Para kasing may gusto ako sakanya." anoooooo dawwww????

"Para kasing may gusto ako sakanya."

"Para kasing may gusto ako sakanya."

"Para kasing may gusto ako sakanya."

"Para kasing may gusto ako sakanya."

Tama na, masakit na. <//3

"Se-seryo-seryoso ka? Ver?" nauutal ako. Bakit ganun? Puteek.

"Oo Cha."

"Te-teka, alam ba niya?" sakit talaga.

"Hindi nga eh. Patutulong sana ako sayong manligaw sakanya." ano??

"Ano? Manligaw? Sakanya? Agad? Sure ka? Di ba pwedeng friends muna?" grabe napalakas yung pagsabi ko. Nakaharap na yung mga tao sakin. Yumuko ako, nakakahiya shemay! Nakakabigla kasi yung mga sinasabi nitong lalaking to.

"Shhhh, wag maingay cha. Oo seryoso ako. This time di kita pinagtitripan, kayo ng bestfriend mo." shhh ka rin! Ang manhid pala niya grabe, di niya ba nahahalata na nasasaktan ako? Sabagay, KAIBIGAN ko lang pala siya.

"Lance?" malungkot kong sabi. Si Shiela kanina pa nagsa-soundtrip, badtrip tuloy parang wala akong makapitan. -.-

"Oh? Tutulungan mo ba ako?" naknang! ><

Hindi pa ako nakakapagreklamo, inunahan niya na agad ako.

"Cha? Si Shai!" sabi niya habang tinuturo si Shai tsaka niya pa ako kinalabit. Shai nanaman.

My bestfriend is inlove with my bestfriend &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon