Noong gabing tinapos ko ang lahat sa atin
Saksi ang kalawakan,
Kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko palayo sayo.Noong gabing yon mailap ang mga tala.
Na para bang nanadya,na kung anong dilim ng kalangitan ay siya ring dilim ng aking kalooban.
At sumabay pa ang mga ala-alang pilit bumabalik sakin.Sinubukan kong maglaro sa ulan umaasang kayang hugasan ang sakit at tangayin kung saan.
Ngunit hindi,dahil ako ang pinaglaruan ng ulan.
Ako ang pinagtaksilan ng kalawakan
Taksil ang kalawakan.Sinubukan kong tumakbo kase tulad ng pag-ikot ng mundo
Nagbabakasakaling kaya ko pang habulin,
Ang kahapon sa piling mo.
Noong sabay pa nating pinapakinggan ang ritmo ng paborito nating awit,
Noong sabay tayong maligaw sa magulo nating paligid.Makakaya ko pa kayang ibalik ang oras,minuto at segund?
Makakaya ko pa?
Makakaya pa natin.At kung hindi na talaga kaya panh ibalik
Maari bang ulitin natin
Ang ikaw at ako?
Ang dating TAYO.
BINABASA MO ANG
Maikling Tula
PoetryNoong gabing tinapos ko ang lahat sa atin Saksi ang kalawakan, Kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko palayo sayo. Noong gabing yon mailap ang mga tala Na para bang nanadya na kung anong dilim ng kalangitan,siya ring dilim ng aking kalooban At suma...