Andrew's POV
Nandito na ang tricycle na sinakyan ko sa harap ng school.Hinihintay ko na lng bumaba ang mga nasa unahan ko.Nung nakababa na ang nasa unahan ko ay agad-agad akong bumaba pero bago ako pumasok sa school pumunta muna ako sa tindahan para bumili ng ballpen atsaka candy gawain ko talaga un eh..ang bumili ng candy.Pagkatapos kong bumili ay pumasok na ako sa gate sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nasipa akong isang bracelet pinulot ko ito,at..at kahawig ito ng bracelet na binigay ko kay Angge.
~~~FLASHBACK~~~
Graduation Ball namin ngayon bago pa magsimula ang grad ball ay pinuntahan ko si Angge sa pwesto niya mag-isa pa lang siya dun sa pwesto niya kaya sinamahan ko muna siya
"Angge mag-isa ka ata" sabi ko kay Angge
"Wala pa kase sila Ynah at Sally eh.."
"Ahh..ganun ba?"nilibas ko ang isang bracelet sa bulsa ko
"Oh..sana magustuhan mo"
Kinuha niya ito at tiningnan
"Akin ba talaga 'to?"tanong niya
"Oo ayaw mo ba?"
"Hindi gusto ko ang ganda promise,salamat pano ba yan wala akong regalo sayo.Pero para saan ba 'to?"
"Wala lang trip ko lang na magbigay ng regalo sayo,atsaka ok lng yun di naman ako nanghihingi ng kapalit eh.."
Lumapit siya sa akin.
"Thank you talaga,ikaw ang the best bestfriend ever" sabi niya sabay yakap sa akin.~~END OF FLASHBACK~~
Pagkatapos ng graduation ball wala na akong balita kay Angge,di ko nga rin alam kung saan siya nag-aaral eh...
Namimiss ko na siya.Hinanap ko na ang pila ng section ko di naman ako nahirapan dahil may placards namang nakalagay kada section.Pumila na ako,nandito ako ngayon sa kalagitnaan ng pila.At nagsimula na ang flag ceremony.Thea's POV
Pagkababa ko ng tricycle agad na akong pumunta sa tindahan.Dun kase ako hinintay nina Ynah at Sally
"Guys tara na pasok na tayo"
"Cge,bat ba kase antagal mo?"tanong ni Sally sa akin
"Mahaba kase ang pila dba chinat ko na yan sa inyo" bored kong sabi
"Ah...ganun ba sorry naman"
Nandito na kami sa loob ng school
"Asan kaya section natin dito"sabi ni Ynah
"Beh..gamitin mo nga yang mata mo dba may mga placards namang nakalagay basahin mo kaya noh.."sabi ni Sally
"Sorry naman,un nakita ko na ung pila natin tara na"sabi ni Ynah sabay hawak sa kamay ko.
Nakarating na kami sa pila namin nandito kami sa may bandang huling pila kase marami ang girls kesa sa boys kaya mas mahaba ang pila namin.Ng mapansin ko na nawawala ang bracelet ko
"Guys nakita niyo ung bracelet ko?"tanong ko sa kanila
"Hindi ko na pansin eh..."
"Ganun din ako,baka na iwan mo lng sa bahay niyo
"Baka nga"
Magsisimula na ang flag ceremony kaya umayos na kami.
"Aray!!!ano ba yan"daing namin ng may biglang sumingit sa may unahan,kaya napaatras ang nakapila sa unahan at nadamay ang buong pila.Pumunta ako sa may unahan.
"Ayusin niyo nga ang pila niyo girls!!!"mahinang pagsigaw ko
"Kase ms.President sumingit po sa pila sina Zindy eh.."sabi ng isang studyanteng siningitan nila Zindy.Agad kong pinuntahan si Zindy at pinagsabihan siya,di ko na siya pinaalis sa pila dahil start nang flag ceremony
"Hoy Zindy ano bang trip mo ha..sumunod ka naman sa pila huli ka dba kaya dapat ka lng sa hulihan." Sabi ko sa kanya
"Ano bang pake mo,inggit ka edi gumaya ka" sabi ni Zindy,nainis ako sa kanya pasalamat siya at start na ng flag ceremony kundi.Hay..nakakainis talaga un feeling may-ari ng school kabwisit sarap ingudngud sa sahig.Bumalik na ako sa pila ko kanina at baka kung ano pa ang magawa ko kay Zindy~~~FASTFORWARD~~~
ANDREW'S POVNang matapos na ang flag ceremony pinapunta ako ng adviser ko sa faculty sabay na daw kaming pumasok sa room.Pero kaninang flag ceremony ay parang may gulong naganap dahil ang lahat ng nakapila sa pila ng girls ay natumba dahil dun sa mga babaeng dumating kanina.May babaeng pumunta sa unahan at parang pamilyar siya eh..sino nga un??si...si...
"Ahm..Mr.Tan tara na" sabi ni mr.Alfred
Bigla akong napatigil sa pag-iisip ng tinawag ako ni sir.Alfred
"Ah..sige po"~~~FASTFORWARD~~~
Third Person's POV
Malapit na sa room sina sir.Alfred at Andrew
"Mr.Tan stay here outside kapag tinawag ko yung name mo atsaka pumasok" Mr.Alfred
"Ok po sir" Andrew
Pumasok na si Sir.Alfred sa loob
"Goodmorning class"-Mr.Alfred
"Goodmorning sir.Alfred"-all students
"Ok,so may transferee tayo,di siya nakapasok nung isang linggo dahil inaapprove pa ng principal ang kanyang paglipat dito sa school natin.So please welcome the new student of reign university meet mr.Tan"-Mr.Alfred
Habang papasok ng room si Andrew ay nahulog naman ang ballpen ni Thea kaya hinanap niya ito.Nung nahanap na niya ito ay agad itong umayos at umupo
" Beh..ampogi ng transferee"sabi ni Sally kay Thea kaya napatingin si Thea sa unahan.
Nagkatitigan silang dalawa ngunit iniwas agad ni Thea"A-A-Angge?"