Three

3 0 0
                                    


A/N: Click the video for more feels! :)



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Napakaganda ng hotel. Napatingala ako at namangha sa napaka-intricate na designs nito. Napakaraming tao ang nagche-check in, ang iba naman ay nakaupo sa mga couches at nag-uusap usap. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking bag.


"Good afternoon Ma'am, are you Ms. Ocampo?" halos mapabalikwas ako sa biglang paglapit ng isang lalakeng naka-all black na amerikana.


Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. In fairness, ang gwapo ah. hindi naman siguro ito yung mga sindikato na nagpapanggap tapos i-re-recruit ako sa kung ano ano tapos tatangayin ako at kukunin ang lamang loob ko di ba? Hindi naman siguro ganoon.


I lifted my chin up. Wag kang papadala Eura! Baka mamaya DOM pala iyan hindi lang halata!


Tumikhim ako. Oras na para ilabas ang aking talent.


" Yes. I have a reservation with a man. Is he here already?" bahagyang nagulat ang lalake sa aking Old English accent.


Mabuti nalang talaga mahilig akong magbasa ng mga makalumang stories at manood ng movies na sa Europe at England ang setting! Kahit papaano nagagaya ko kung paano sila magsalita!


Bahagya naman niya akong kinilatis at binigyan ng kaonting ngiti. "Yes madame, he is already waiting at the VIP lounge. Please come this way." Agad niyang iginiya kung saan kami papunta at sumunod naman ako agad. I kept my distance at sinubukang maglakad ng elegante.


Don't get me wrong. Hindi ako sumali sa theatre club. Mahilig lang talaga akong gumawa ng sarili kong palabas sa aking kuwarto. Kapag naiinspire ako sa mga movies at storyang nababasa ko, tina-try kong gayahin iyon. For fun. Isa pa, nagagamit ko siya sa mga oras ng kagipitan. Kagaya nito.


Halos mapaawang ang aking labi sa restaurant na pinasukan namin. What the? Restaurant ba talaga ito? Napakaganda ng mga mwebles at mapapansin mong lahat ng mga kubyertos at designs ay mamahalin! Pinigil kong igala masyado ang aking mga mata at pinanatili ang aking acting dahil napapansin kong inoobserbahan pa rin ako ng guard/lalakeng kasama ko.


Lumiko kami sa isang pasilyo at nakaramdam ako ng panlalamig ng mapansing wala na masyadong tao sa tinatahak namin. May mga parang cubicles na couch at may mga mag-asawa o di kaya naman ay mga magkasintahang nakaupo doon. Unti-unti akong kinabahan.


Tama bang sumama ako? Hindi ko man lang chi-neck kung yung lalakeng ito ay ihahatid talaga ako doon sa damuhong kumuha ng wallet ko!


Kinuha ko ang aking cellphone at akmang tatawagan iyong magnanakaw pero lowbat na pala ako! I cursed silently. Bumaling naman ang lalake sa akin at bahagya akong nangilabot ng bigyan niya ako ng maliit na ngiti.


Patay na talaga. Paano kung mali pala ang sinamahan ko?! Paano ako makakatakas nito?!


Unraveling  MartinezWhere stories live. Discover now