******
When I open this account again and saw this story that I wrote when I was 16, I laughed and felt shit. I don't even remember writing this story. -2020
******
40 minutes na kaming naglalakad at padilim na pero wala pa rin kaming nadadaanang convenience store, gas station o pwedeng matulugan.
Puro bakanteng lote lang ang nadaraanan namin. Nauuhaw at nagugutom na kami dahil sa pagod. May dala kaming pagkain pero napag pasyahan naming kumain kapag may mapagi-stayan na kami.
Tumigil muna kami sandali upang mag pahinga. Umupo ako sa natumbang puno ng kahoy. Si Marcus naman ay nagpaalam na iihi lang saglit at lumayo saamin.
"Eh guys, bumalik na lang kaya tayo?" Hinihingal na sabi ni Loraine.
"We can't. Ang layo na ng narating natin. And kung babalik pa tayo gabing gabi na tayo makakarating sa pinanggalingan natin. Magiging triple ang oras pabalik kesa sa pagpunta natin kasi pagod na tayo." Seryosong sabi ko.
"Edi wow. *roll eyes*" sabi nito.
"Sana may mahanap na tayong matutulugan. Inaantok na ako eh." Sabi ni Sab
"Sana nga." Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. Hindi pa sya lowbat dahil matagal malowbat ito.
"Guys! Guys! May ma-mga zombies!" Natatarantang sigaw ni Marcus habang tumatakbo palapit samin. Agad naman kaming napatayo ng makita ang mga zombies na nasa likuran nya at tumatakbo palapit saamin. Sa palagay ko ay pito silang lahat.
*Grrrrrr!!
Agad naman kaming tumakbo.
"Oh shit! Ba't nag tawag ka ng mga kamag anak mong baliw, Marcus?!" Inis na sabi ni Je habang tumatakbo.
Nasa likuran namin si Franco at Loraine. Nasa harap naman kami ni Sab, at Je. Nasa gitna sila Marcus, Matteo at Dustin.
"Fuck you, Jeremy! Mamaya ka sakin." Sigaw sakanya ni Marcus.
"Bahay ba yun?" Sabi ni Sab at tumuro sa hindi kalayuan. Merong isang bahay na tatlong palapag. May gate din dun na nakabukas at dalawang solar light na nakasabit sa dalawang poste na nasa harap ng bahay
"Well, base sa nakikita ko. Bahay nga yan." Sabi ni Jeremy na katabi ko.
"Faster, guys! Kailangan.. nating makapasok sa bahay bago tayo maabutan nyang mga nasa.. likuran natin!" Sigaw ni Dustin.
"Okay!" Sigaw naming lahat at mas lalong binilisan ang pag takbo hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Agad namin itong nilock at hinarangan ang pintuan ng cabinet at sofa.
Dinig naman namin yung mga zombies na humahabol samin kanina na kinakalampag ang pintuan.
Sinenyasan kami ni Franco na tumahimik.After a couple of minutes ay tumigil na ang mga zombies sa pag aakalang walang tao sa loob at umalis na. Nakahinga naman kami ng maluwag.
"Buti na lang at umalis na sila." Sabi ni Matteo.
"Kala ko mamamatay na tayo kanina!" Sigaw ni Loraine at yumakap sa braso ni Marcus. And take note umarte pa syang naiiyak.
Napatingin naman ako kay Marcus na nakangiti abot hanggang tenga at bigla niyakap si Loraine. "Shhh.. don't cry. It's okay." Sabi nito habang yakap parin si Loraine at nakangiti.
Tsss.. hokage. Hindi pa rin nagbabago itong lalaking ito.
"Ay sus. Dito pa talaga naglandian ang dalawang malandi." Parinig ni Sab.
BINABASA MO ANG
Infected of Z virus.
ActionTaong 2017 nang manyari ito. Ang mga taong namatay ay muling nabuhay, pero hindi na bilang tao. Kundi bilang isa ng.. zombie. At sila na ang namayani sa buong pilipinas. Marami na rin ang naging isa sakanila. Halos lahat na ng safeplace/headquarter...