Sasabihin Ko Ba?

54 1 0
                                    

Ilang taon na rin ang lumipas ng umalis si Mark. Nakapagtapos na ako ng high school at eto ngayon at kolehiyala na. Sa pagdaan ng panahon, nagging handa na rin ako para makalimutan siya. Pero badtrip talaga, dahil dumating pa ang araw na ikinakatakot ko.

BV na ako kasi ang daming hassle ang humaharang sa akin, may meeting pa naman ang campus paper at dance club ngayong first day. Pati ba naman masasakyang bus, wala pa… 20 minutes na akong naghihintay ah.

“Uy Yuri! Kamusta na?”

Napatigil ako ng ilang Segundo.

Ano ba ‘to? Totoo bang…… siya nga ba ‘yun?

Ngumiti lang ako at dumiretso na sa loob ng bus. Medyo awkward ang pakiramdam ko, pero….

Siya nga ba ‘yun, Yuri?

“ Uy! Ang tagal na nating hindi nagkita ah.. Namiss kita”

Totoo nga ang lahat. Tumabi si Mark sa akin. Kinakabahan ako. Hindi ko maintndihan ang nararamdaman ko.. Nakamove-on na ako…’yan ang alam ko…pero..iba pa rin ang pakiramdam ng puso ko, parang hindi pa talaga.

“Ah.. ako? Ah..ok lang naman, ikaw? Kelan ka pa bumalik? Wala na ba yung sakit mo? Dito ka na ba ulit titira? San ka nag-aaral?”

Nung nakaraang linggo lang siya dumating galling sa ibang bansa, at ditto na ulit siya mag-aaral sa Pilipinas. Pero… bakit parang wala lang? Bakit parang wala lang sa kaniya ang nakaraan?

Nakakainis ka talaga, Mark! Nakamove on na kasi ako eh! Bakit ka pa kasi bumalik? BAkit mo pa ako binate, tinabihan, kinausap? Sana hindi nalang kita nakita, sana hindi na bumalik ang nararamdaman ko…sana hindi na kita mahalin ulit…. Kasi ayoko na…..ayoko ng umasa…

Lumipas na ang mga araw, buwan at taon. Dumating nga ang pagkakataon na hindi ko na siya hinahanap, na kahit makasalubong ko pa siya sa mall, kahit magpost pa siya ng kung anu-ano sa facebook, parang wala na rin sa akin….yung tipong masasabi ko na hanggang doon nalang yun.

Hay! Salamat naman Yuri at ok ka na.. Alam ko naming hindi ka naman talaga bitter, ayaw mo lang masaktan at magpakabaliw tulad noon.

Ngayon, graduating na ako. Ang saya kaya magstudy hard. Pero hindi naman boring ang college life ko, na puro libro at notes lang ang kaharap. Naranasan ko ring makapicture sila Tj Monterde, Mark Anthony Portado, Marcelo Santos IIIand family, Keiko Necesario, Shalee Vicencio, Kedebon Colim ng X-factor Philippines at Karl Angelo Zarate. In short, naranasan ko ring magfangirl at magninja moves (isa sa mga secret codes naming mga FGs).

July 5, 2013

May mga events sa school namin ngayon, kaya parang napaka active ng mga tao. Isa  sa mga ‘yon ang show ng pinakapaborito kong dance crew, ang EMDC ( sila Emmanuel, Matthew, David at si Calvin ko..ah este, si Calvin).

Alam niyo naman, frustrated dancer kaya ‘to, kaya lagi kong pinapanood yung mga videos nila Julian Trono, ni Olivia, ng PusWood, ng ABDC at ng SYTYCD. Hay! Sayaw pa.

Teka nga’t manonood muna ako, sila na kasi ang magpeperform. Ang galing talaga niya…nila…ang galing nila…

Halos hindi ka kumurap sa bawat indak niya, sa bawat galaw niya, sa bawat padyak ng paa niya, sa bawat hampas ng kamay niya, sa bawat tulo ng pawis…..hay Calvin..

Ayan tapos na sila, bumaba na sila ng stage. Isa-isa silang yumakap sa akin (Oo, close ko sila, para na nga akong president ng fans’ club nila eh, BFF ko kasi si Dave simula noong elem pa), si Em-Em, si Matt, si Dave at si Calvin Anthony Rivera Evangelista.

Isa na namang memorable 5-second embrace, habang unti-unting nahuhulog ang mga natuyong dahon mula sa mga puno sa paligid namin.. Endless Love lang ang peg?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Sinabi Ko Na AgadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon