Chapter 3: " Pag-uusap"

11 1 0
                                    

"Third Person POV"

Pinagmasdan ng Encantado si Sang'gre Alena na mahimbing na natutulog simula nang mawalan ito ng malay sa kagubatan buhat nang makarinig ito ng musika na tila yata may encantasyon...

Bigla namang gumalaw si Sang'gre Alena at iminulat ang kanyang mata ngunit napabangon siya dahil hindi siya pamilyar sa silid at kama na kanyang hinihigaan..

May narinig siyang nagsalita at di mawari kung saan ito nanggagaling....

"Avisala, mahal kong Sang'gre", sabi ng Encantado

"Sino ka? Lumabas ka at harapin ako?", Sabi ni Sang'gre Alena.

"Ako si Memfes, Ang pinuno ng grupong Gunikar ", turan sa kanya ni Memfes..

Bigla namang inihanda ni Sang'gre Alena ang kanyang sandata dahil naramdaman niya na palipat-lipat nang pwesto si Memfes.
Inihanda niya lamang ang kanyang sarili ko sasaktan man siya nito...

"Memfes, Saan mo dinala ang mga maliliit na Adamyan?", tanong ni Alena kay Memfes

"Wag kang mag-alala mahal kong Sang'gre, ligtas ang mga maliliit Adamyan ", sagot niya kay Alena

"Kung ganun, pakawalan mo sila", sabi ni Alena

Bigla namang nakaramdaman si Alena ng presensya sa kanyang likuran kaya bigla niya itong hinarap..

Doon niya nakita si Memfes na kasuot ng iton na damit at may takip ang mukha.

"Pakakawalan ko lang sila, kung papayag ka na ako ay iyong maka-isang dibdib". sabi ni Memfes habang lumalapit kay Alena...

Na inis naman ang Sang'gre sa tinuran ni Memfes...

"Tila yata nahihibang kana Memfes! Hindi ako makikipa-isang dibdib sa iyo, dahil hindi naman kita iniibig", sagot ng Sang'gre kay Memfes..

"Iyon lamang ang aking hiling. At pangakong pakakawalan ko ang maliliit na Adamyan". sabi ni Memfes...

"SHEDA MEMFES !!!!!!", sigaw ni Alena at akmang hahampasin na niya si Memfes nang kanyang sandata ngunit mabilis na nakailag si Memfes at hinawakan niya ang kamay ng Sang'gre upang hindi na ito makasugod pang muli..

Dahil hindi niya nanaisin na kalabanin at saktan si Sang'gre Alena.

"Pag-isipan mo ang aking sinabi mahal kong Sang'gre", turan ni Memfes kay Sang'gre Alena

Bakas sa mukha ng Sang'gre ang inis niya kay Memfes..
Nang pakawalan na siya ni Memfes, ay susugurin na naman niya sana ito.
Ngunit bigla namang tumalon si Memfes at hindi na ito na abotan pa ni Alena.
Dahil kagaya nang sabi niya kanina maliksi gumalaw ang mga Gunikar....

"PASHENEYA!!!!", yon nalang ang nasabi ni Sang'gre Alena sa kabila nang kanyang inis kay Memfes.

Umalis na lang ang Sang'gre gamit ang kanyang Ivictus....

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

" Pag-Ibig ng Isang Adamyan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon