"BINAGYO"

19 0 0
                                    

Nakarating na ang mag-Apwe  sa silid ni Alena kung saan sinasabi nang nang dalawang Diwani na binagyo daw..

"Tangnakreshna! Binagyo nga"😱, sabay na turan ni Pirena at Hara Danaya....

Nagkalat kasi ang mga unan, nasa lapag na ang kumot at mga balabal, at wala sa wastong ayos ang karamihan sa mga gamit..

"Hindi halatang inis na inis ang ating Apwe😏", sabi ni Pirena habang inilibot nang tingin ang kabuoan ng silid ni Alena.

"Sinabi mo pa! Pero tingnan mo parang wala lang nangyari..", sabi ni Hara Danaya habang nakatingin sa natutulog na Sanggre

"Oo nga. Ang himbing nang kanyang tulog. Maaliwalas nadin ang kanyang mukha at hindi na nakakunot ang kanyang noo". Turan ni Pirena habang naka upo sa kama at tinitigan ang kanyang Apwe..

"Pagmasdan mo Pirena, tila yata galing sa iyak ang ating Apwe dahil may tuyong luha sa gilid nang kanyang mga mata", pahayag ni Hara Danaya sa kanyang nakita..

Tiningnan naman ito ni Sanggre Pirena, at hindi nga maipagka-kaila na umiyak si Sanggre Alena habang natutulog.
Pinagmasdan na lamang nang magkapatid ang kanilang Apwe...

"Kapatid kitang buo Alena sana'y magsabi ka naman nang iyong hinanakit sa akin at baka ikaw ay aking matulungan", sa Isip ni Hara Danaya

"Nasaktan kana ng labis noong wala kami sa tabi mo, sana nama'y hayaan mo kaming tulongan ka sa iyong dinaramdam", sa Isip ni Sanggre Pirena

Hindi maipagkaila ang pag alala sa mga mukha nina Pirena at Danaya.

Bakas ang kalungkutan sa kanila habang pinagmamasdan si Alena. Tila gusto nilang gisingin ito at yakapin nang mahigpit para kahit papano ay maibsan naman ang dinaramdam nito.

"Sa ating magkakapatid si Alena yata ang may maraming pinagdadaanan at nakaranas nang matinding sakit", biglang bigkas ni Pirena

"Sang ayon ako sa iyong winika Pirena. Tila pinagkaitan si Alena na maging masaya" pag sang-ayon ni Hara  Danaya

"Aaminin kong isa ako sa nagpadanas sa kanya ng matinding sakit ay lubos ko yong pinagsisihan", pag aamin ni Pirena

"Maging ako rin Pirena, Isa ako sa nagpadama sa kanya ng matinding hinagpis at lungkot. Kinuha ko ang pag-asa na maging masaya si Alena sa piling nang kanyang anak na si Khalil", puno ng lungkot na pahiwatig ni Pirena..

"Wagna nating ungkatin pa ang nakaraan Danaya sapagkat nagawa na tayong patawarin ni Alena sa kabila nang ating nagawang masasakit sa kanya", pampalakas loob na turan ni Pirena kay Danaya...

"Tama ka aking Apwe. Kahit anong laki nang kasalanan mo kay Alena nagagawa ka parin niyang patawarin sa lahat nang sakit na kanyang dinanas. Wari'y gusto ko rin magkaroon nang pusong kayang magpatawad tulad ni Alena",.. Pagsang-ayon ni Danaya kay Pirena..

Nagkatitigan ang mag Apwe at sabay na tiningnan si Alena

"Avisala Eshma aking kapatid, E Corrie Diu😘😘😘", sabi ni Danaya at hinalikan ang noo nang kanyang Apwe

"Sa ngalan nang ating Inang Reyna , Avisala Eshma Alena. E Corrie Diu😊😘" turan rin ni Pirena at pasimpleng yinakap  ang kapatid.

Nagpasya na si Danaya at Pirena na lisanin ang silid ni Alena.
Pero bago sila umalis ay kinumutan muna ni Pirena si Alena at inayos ang pagkakahiga nito sa kama..

At pagkatapos ay tuluyan na nilang nilisan ang silid nang kanilang Apwe...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

" Pag-Ibig ng Isang Adamyan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon