2nd Level: Counter the feelings

57 3 5
                                    


Kriza's POV

Ako'y nakatulog sa aking unang subject dahil sa sobrang pagka-antok ko kagabi galing sa trabaho.. Ako'y isang Working Student dahil salat kami sa pera.

Nang ako'y ipahiya ng aking guro at pinagtawanan ng aking mga kaklase.

"Ms. Kriza! Ginawa mo na lang sanang bedroom 'to, at hindi classroom!"

Umiiral na naman ang mapanghusgang mundo.

Di ko napigilan ang aking mga luha na biglaang bumuhos dahil sa kanilang pangaapi sa akin. Grade 10 ako, si Kriza Falcon.. laging binubully. Kaya wala akong kaibigan dahil kahit gustong-gusto ko, ay madadamay sila sa panghuhusga sa akin. Di naman nila alam ang paghihirap ko araw-araw, pangaapi lang yata ang alam nila.

"Get out of this class Ms. Falcon!"
Sabi pa ng aking guro na akala mo naman talaga ang laki laki ng kasalanan ng pag-tulog. Feel niyo ko diba? Sarap kayang matulog.

Kaya naman lumabas na lang ako habang pinagkakatuwaan ako ng mga kaklase ko, yung isa pa nga pinatid pa ako bago makarating sa pinto, na lalong ikinalakas ng pagtawa. Di ko na lang pinansin.. wala naman akong magagawa eh. Hinayaan ko na lang silang ganunin ako dahil baka mawala pa sa akin ang scholarship ko kapag pinatulan ko sila.

Nilabas ko na lang ang aking sama ng loob sa pag-iyak at nagtungo sa gymnasium ng aming paaralan. Nagulat ako nang makita ko ang crush ko na si..

Nash Salvador, varsity ng basketball, and most of all.. Hearthrob ng school.

Kahit na nakatakip ang aking dalawang kamay sa aking mukha ay nakasilip pa rin ako ng konti kaya nakita ko siya. Akala ko pa naman lalapitan niya ako kaso, suplado si crush..

Tumabi ako sa kanya kunwari di ko alam, syempre para may pa-girly effect. Nang bigla ba naman akong sabihan, "Ang lawak lawak ng gymnasium tumabi ka talaga sakin ah."

Confident! Jusko..

"Malay ko bang andyan ka?!" Suplada effect you know? ... "Di ko nga alam na may ibang tao pala dito eh."

Nagsungit na lang siya na lalo na pang ikinagwapo!!! Kinikilig ako... shit...

Nash's POV

Tss. Suplada pa, akala mo sinong maganda. Nag-abot na lang ako ng tissue, dahil kahit papaano may awa ako sa mga babae kahit famous 'to.

Sa una ay hindi niya pa tinaggap, "I insist.." sabi ko. At nung tinanggap niya ay inirapan ko na lang ng mata.

Pero kahit papaano ay napahanga ako ng babaeng ito.. pa hard-to-get yung tipo. Siya pa lang ang nakilala kong nagsuplada sa akin dahil ang iba'y natutunaw na agad sa tingin ko pa lang.

"I like you.." wala sa sariling sambit ko. Nahalata ko naman na kinilig din siya.. Pakipot talaga to, kanina pa.

"H-Huh?" Napuputol-putol nitong sabi.. "What did you say?" dugtong pa nito.

"Wala.." sambit ko at pagkatapos ay nginitian ko na lang siya. Natulala ito nang ngitian ko, so iniwan ko na lang siya..

Her, with that face.. she looks hilarious.

Kriza's POV

Para akong tanga na natulala sa kanyang sinabi.. para akong yelo na natutunaw sa kanyang mainit na ngiti. Argh! Di ko alam kung anong meron sa lalaking yun, at ganun ang epekto sakin ng kanyang matalim na titig at mainit na ngiti. Di ako makagalaw..

Basta ang alam ko sa mga oras na iyon ay kinakain ako ng kilig.

But still, I'm not an easy girl. I have to counter the feelings. If I can't it means, I am now played by Destiny.

Just for now, counter the feelings...

~

Heyyo guys! It's my first time writing a story so I wish you loved the 2nd level.

Haters can bash but I don't care because I write for me to express my feelings.

A/N: I actually made my friends read this and I received a somehow "Good" feedback. Well I wish you also enjoy reading this as I also do, while writing.

~Mr.Anonymous04


Game of Destiny: LoveWhere stories live. Discover now