chapter 3

3 0 0
                                    


Allyssa's POV

Mahigit 2 taon narin aimula ng makilala ko si tonyo at naging kaibigan at mahigit isang taon narin siyang nanliligaw sa akin. Oo mahal ko rin sa tonyo mahal na mahal. Ngunit palihim palagi ang aming pagkikita dahil natatakot akong mahuli ng daddy ko. Masyadong dominante ang dad ko at dapat lahat ng gusto niya ang masusunod kaya natatakot akong ipakilala sa kanila si tonyo dahil baka ano ang gawin niya sa kanya. siya nalng ang tanging kaiibigan ko at minamahal ko ayokong magkalayo kme dahil sa mga magulang ko.

Mayo 16 ngayon at bukas ay kaarawan namin ni tonyo. Oo sabay kami ng birthday nais ko sana siyang sorpresahin at gaya ng pinag usapan ay magkikita kme mamayang hating gabi sa may talon malapit sa likod ng mansyon namin. Sa nakalipas na dalawang taon doon ang naging tagpuan namin ni tonyo dahil walang masyadong nagpupunta doon.

Buong araw akong nakatunganga sa  kwarto ko dahil busy ang mga tao sa labas para sa party ko bukas. Surprise daw sabi ni mommy. Ito ang unang kaarawan na nag paparty ang daddy ko para sa akin. Ewan ko kung bakit at medyo masama ang kutob ko.

Hapunan na ng ipatawag ako ni daddy sa silid ko.

Good evening po mom dad.
Bati ko at umuoo na sa aiing silya.

Allyssa. Tawag Sa akin ni daddy na nakaupo sa kabesera ng dining table.

Masama ang kutob ko sa sasabihin ni dad dahil nakayuko lamang si mommy at walang imik sa kanyang upuan.

B-bakit po? Tanong ko

Mag 24 na kaarawan ka na bukas diba?

O-opo.

Tamang tama na ang edad mo para mag asawa.

H-ho? Pero wla naman akong kakilala dad.

Hindi problema iyon. Nais kong ipakasal ka sa abak ng kompadre ko.

Ano ho? A-ayoko po dad. H-hindi ko pa siya kakilala... Hindi pa po ako handa sa ganyan dad.

Sa isip at puso ko ay iisang tao lng ang aking handang pajasalan at yoon ay si tonyo.

Wla ka nang magagawa napag usapan na namin ng kompadre ko iyan ant bukas na iaanunsyo ang inyong kasal kasabay ng iyong kaarawan.

Ayoko po. Hindi nyo po ako mapipilit.

Abat sumasagot kana ngayon wla kang utang na loob.

Nirerespeto ko po kayo dad pero hindi nyo po ako pwedeng diktahan sa pagmamahal. Pakakasalan ko lng po ang taong nagpapatibok ng aking puso.

PAAAAAKKKK....

Sinampal ako ni daddy

Wla kang utang na loob allyssa . ako ang nagpalaki kaso at nagbigay ng pangangailangan mo kayo wla kang karapan para hindian ako. Nag kakaintindihan ba tayo.

Umiling ako at tumakbo papunta sa silid ko. Kailanman hindi ako mag papakasal sa taong hindi ko mahal. Pasensya na dad pero hondi ko kaya.

Umiyak lng ako ng umiyak sa silid ko makalipas ang mahigit isang oras kumatok si mom sa room ko

Tok... Tok..tok..

Pasok po..

Anak..

Mom..huhuhu Sabi ko sabay yakap kay mommy

Shhhh... Tahan na sweety pasensya na sa desisyon ng daddy mo. Kung may magagawa lng sana ako. Hinging paumanhin ni mom.

Mommy ayoko pong magpakasal . d ko po yun kilala. Hindi ko po yun mahal ma.

Bakitvsweety may itinitibok na ba itong puso mo? Tanong ni mom

Ah.. Eh.. Opo mom at mahal ko po siya.. Huhu. Mahal na mahal mom.

Anakalam mo namang noon pa pinagbawalan ka na naming makipagkita sa iba di ba. Ayaw ng daddy mo ito at kapag nakilala nya ang lalaking iyan hindi ko alam kung ano ang magagawa niya. Nalungkot na pahayag ni mommy

Pero momny. Mahal ko po siya.

Anak mas mabuti pang kalimutan mo na siya. Mapapahamak lng kayong pareho pag ipinagpatuloy mo pa yang nararamdaman mo.

Ayoko po mom. Hindi ko po kaya. Nagmamahalan po kme.

Basta anak ang maipapayo ko lng sayo layuan mo na ang lalaking yan hangat maaga pa. Para rin iyan sa ikabubuti ninyong dalawa.

Tumayo na si mommy at umalis sa kwarto ko.

Huhuhu.. Pasensya na po mom pero ikamamatay ko pag pinag layo nyo kaming dalawa ni tonyo.

Still Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon