Allyssa's POV
Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na lagabog sa aking pintuan
ALLYSSA WALANGHIYA KANG BATA KA. BUKSAN MO ITONG PINTO NGAYON DIN. sigaw ni daddy sa labas lng kwarto ko sabay kalabog na naman sa pintuan ko.
Hon, kumalma ka mag hunusdili ka . rinig kong pagpapakalama sa kanya ni mommy
Tumigil ka alexa kaya nagiging sutil yang anak mo dahil kinukunsinti mo. Galit na pahayag ni daddy
Hindi ko na makayanan ang naririnig ko, ayokong nag aaway sila lalo na't dahil sakin. Tumayo na ako at binuksan ang pinto.
Sumalubong sa akin ang galit na mukha ni daddy hinablot nya ang braso at hinigit papasok, nakasunod lamang sa amin si mommy habang tahimik na umiiyakA-ano po ba ang problema d-dad. Nanginginig kong tanong.
NAGMAMAANG MAANGAN KA PANG BATA KA. WALANG HIYA KA NANG DAHIL SAYO MUNTIK NANG IURONG NANG MGA VILLANUEVA ANG SUSTENTO NILA PARA SAKIN SA SUSUNOD NA ELELSYON. MABUTI NALANG AT NAPAKIUSAPAN KO SILA KAPALIT NG ISANG KONDISYON BUKAS NA BUKAS DIN DOON KANA SA MGA VILLANUEVA TITIRA. Galit na saad ni daddy
A-ano po dad. Ayaw ko po hinding hindi po ako sasama sa demonyong yun. Rapist po yun. Dad wag mo naman akong ibenta. Anak mo ako. Saad ko habang umiiyak ano man ang mangyari hindi ako magpapatali sa walanghiyang marco na yun.
Paaaaakkkkk....
Sinungaling kang bata ka. Wala akong anak na walang utang na loob . Ang galing mo pang gumawa nang kwento. Sinabi na ni marco sa akin na kaya ayaw mong mag pakasal ay dahil may lalaki ka.
Ito ang tandaan mo allyssa oras na makilala ko kun sino yang lalaki mo hindi na yan sisikatan ng araw. At simula ngayon hindi ka na pwedeng lumabas sa kwartong ito. Sabi ni dad at umalis ng tuluyan sa kwarto ko
BINABASA MO ANG
Still Love You So
RomanceWe will face the challenges together even death can't break us apart. Simula pagkabata sila ay nakatakda Pinaghiwalay ng tadhana at muling nagkita Matuklasan kaya nila ang kanilang simula? Kung puro balakid sa kanila'y sisira. A love story full of c...