Isang mainit na tanghali sa buong bansa, kasing-init ng mga balita sa radyo, telebisyon, pati na rin sa internet ang kumakalat na mga litrato ng isang 16 year old na babaeng nagngangalang Juliet Nicolai Lim. Nakilala si Juliet dahil sa kanyang mala-anghel na kagandahan na nagpahanga sa milyon-milyong binata sa bansa. Halos lahat ng social networking sites, maysupporters at fan group si Juliet. Pati na rin sa website na Youtube, may mahigit na isang daang lalake pati na rin ang mga pusong-lalake ang nagpost ng kanilang mga sariling videos na may laman ng mensahe, paghaharana at iba pang dedikasyon para kay Juliet.
Youtube1: When I see your face !! >.< uho-uho !
Youtube2: Miss Juliet, unang kita ko pa lang sa iyong kagandahan, nakuha mo na ang aking puso
Youtube3: I LOVE YOU JULIET !!!!! :D
Inimbitahan si Juliet sa isang talk-show ng isang TV network dahil sa kanyang mabilis na pagsikat sa internet. Pagpasok pa lang ni Juliet, humihiyaw na lahat ng mga tao sa studio lalo na ang kanyang mga fans. Mabilis siyang sinalubong ng bading na host at pinaupo sa sofa para simulan ang interview. “Miss Juliet Nicolai Lim, welcome sa Celebrity’s Home” bati ng host.“Wow ! mas maganda ka pala sa personal” dagdag niya. Humiyaw ang mga audience sa sinabi ng host at agad namang sumagot si Juliet ng may humble smile “Thank you po”. At dinagdagan pa niya ito “Kung naging lalake lang ako at mas bata, gagawin ko talaga lahat, mapansin mo lang!” tapos tumawa ng malakas kasabay ng mga hiyaw ng mga audience. "Thank you po” na halatang na flatter. “Haha, let’s go to the first question” nakinig lahat ng mga nasa studio. “Hindi naman maikakaila… isa ka sa mga pinakamagandang mukha ng dekada na nakita ng buong bansa..at dahil sa angkin mong kagandahan, milyun-milyong lalake ang nagkakandarapa, pinapangarap at iniidolo ang isang Juliet Nicolai.. Of course, may mga babae ring sumusuporta sa’yo..may balak ka bang mag-artista ? ” tanong ng host. Napangiti lang si Juliet, tumingin sa lahat ng fans at tumingin ulit sa host “Opo, may balak po ako”. Humiyaw lahat ng audience at sinisigaw ang pangalan ni Juliet. Bumalik lahat sa katahimikan nang nagtanong ulit ang host “Eto..inaabangan lahat ng mga boys..” humiyaw lahat ng mga lalake sa audience. Napangiti nalang si Juliet at nag-abang sa itatanong ng host. “Nagpapaligaw ka ba?” ang tanong na nagpakilig ky Juliet at sinagot naman niya agad “Basta mabait po :) ”.
Masayang pinanood ni Juliet at ng kanyang bestfriend na si Rianne ang episode ng interview niya sa talk-show na Celebrity’s Home habang nagbabasa ng mga love letters, e-mails at videos kanyang mga manliligaw. “OMG sis !! You’re so sikat na talaga ! Daig mo pa si Kathryn Bernardo ! Tapos, andami mong suitors na young stars especially ang teen heartthrob na si Danny Salvador !! Ikaw na talaga sis ! Ikaw na !” ang hindi mapigil na mga salita na lumabas sa nae-excite na si Rianne. Pero ganun paman, hindi masyadong masaya si Juliet sa mga pagbabago na nagaganap sa kanyang buhay “Oo nga sis..pero at the same time naman.. nawala yung private life ko.. at kailangan ko pang mag-disguise ‘pag pupunta tayo sa mall” ang sabi ni Juliet. Bilang isang matalik na kaibigan, pinalakas ni Rianne ang loob ni Juliet “Okay lang ‘yan sis ! Ganyan talaga lahat ng mga artista, masasanay at masasanay ka rin..”sabay hug sa kaibigan.
Sa parehong oras ng kanilang pagkukulitan nina Juliet at Rianne, isang lalaking nagngangalang Kyle Romar naman ang pawisan at may pagod sa kanyang mukha ang nagtatrabaho sa isang Computer Shop. “Hindi ka pa tapos diyan ? kanina pa ‘yan ah !” pinagalitan si Kyle ng isang superior na technician. Dali-dali namang binuhat ni Kyle ang isang CPU na pina-repair sa kanya at sinabi “Tapos na po sir”. “Dalhin mo na ‘yan sa baba ! ang bagal magtrabaho !” ang sermon ng kanyang superior. Bumaba si Kyle at agad na binigay ang CPU sa customer “Ma’am, eto na po yung computer niyo, naka-install na diyan ang mga nasa request form po ninyo” tapos umalis na agad si Kyle. Nagustuhan ng customer ang trabaho ni Kyle kaya nagbigay siya ng malaking tip, mas malaki pa sa lingguhang sahod ni Kyle pero pinadaan lang niya ito sa manager. “Pakibigay naman ito sa batang technician na umayos ng unit ko” sabi ng customer. Nagulat ang manager sa laki ng tip na binigay kay Kyle at may balak itong ibulsa. Pagkaalis ng customer ay lumapit siya sa manager at sinabi “Sir, para sa’kin yata yung tip ?”. “Anong sinasabi mong tip diyan ? bumalik ka nga sa trabaho mo !” sigaw ng manager. Malungkot na umakyat si Kyle sa taas. Habang umaakyat, narinig niya ang balita tungkol kay Juliet sa TV. Ngunit di niya nalang ito pinansin at nagpatuloy sa trabaho.
