Breaktime na. Pero walang bakas ni Ms. Stupid. Hayst. Salamat naman at di na nagpakita yun, natakot ata dahil sa ginawa ko sa kanya kanina. Dahil babae siya at nasa mood ako, hindi ko na siya papatalsikin dito. May respeto pa naman ako sa kanya kahit konti.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang cafeteria. Lahat ng nakakasalamuha ko ay biglang tumatabi at yumuyuko. Ganon na ba talaga ako?? Masyadong kinakatakutan?? Well, mas okay na yun kaysa naman sa hindi ka ginagalang. Papunta na akong Cafeteria nang may narinig akong isang tili mula sa isang babae. Hindi ko na lang yun pinansin dahil normal na sa akin yun, ang may marinig na mga tili. Masyado kasing magubat ang side ng papuntang Cafeteria. Pero may something talaga sa tili na iyon eh, parang may masamang nangyayari. Bigla rin akong kinabahan. Naulit pa ulit. Wala masyadong tao rito dahil katatapos lang ng breaktime at nasa kanya kanyang silid ang mga estudyante. Kinukutuban ako ng masama. May something talaga sa madilim na part na iyon eh. Because of my curiousity, dinala ako ng aking mga paa papunta sa parteng yun at nakita na may sinikmuraan na babae ang isang lalaking nakatalikod sa akin. Nagtago ako sa hindi masyadong kita na parte upang malaman ang nangyayari. Bumagsak sa sahig ang babae at tila nawalan ng malay. Nakatali pa ang mga kamay nito sa likuran. Isa lang ang sigurado ko sa pagkakakilanlan ng dalawang toh.. parehas silang estudyante ng university na ito katulad ko.
May nakapa akong isang makapal na kahoy sa aking likuran. Hinawakan ko ito ng mahigpit at naghihintay ng tiyempo.
" Ayan ang nababagay sayo. Wala sana akong gagawin sayo kundi ka nagpumiglas. Gusto lang naman kitang makilala at maging kaibigan. Masyado pa nga akong naging mabait sayo. Matagal na akong may gusto sayo pero wala akong magawa. Isang taon kita laging minamanmanan. Ngayong nagkaroon ako ng lakas na magpakilala sayo eh itataboy mo na lang ako?? Sa isang dyosang tulad mo, dapat ay hindi ka nagiging amazona. Hindi bagay sayo eh. "
'Amazona?? sino ba itong mga toh??'
Nang tumayo ang lalaki galing sa pagkakaupo nung kinausap nya ang babaeng walang malay, bigla syang nagsalita.
" Baliw na ako. Baliw na baliw sayo Zeth. Ginawa ko na ang lahat para mapansin mo. Pero wa epek eh. Wala ka kasing pakialam sa paligid mo"
' Zeth?? sino naman yun?? Bat parang ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon???? Baka yung babaeng kausap nya?? ay ewan.'
Naisip ko na ito na ang tamang timing. Naglakad ako ng hindi gumagawa ng ingay. Hinampas ko sa ulo ng lalaki ang hawak kong kahoy at nawalan ito ng malay at bumagsak sa sahig. Namukhaan ko sya. Siya ang student council president dito sa university. Nadapo naman ang paningin ko sa babaeng kasama nya. 0_0
'Miss Stupid?? Ikaw ung Zeth na tinutukoy nya??oh. Zeth nga ang pangalan mo. Well,it's suits you.Coz you're Unique.'Nalaman ko ang kanyang pangalan dahil tinignan ko ang kanyang I.D.
Habang wala pang malay ang amazona na eto ay binuhat ko na syang parang isang sako. Dadalhin ko sya ngayon sa infirmary para makapagpahinga. Bago yun ay tinanggal ko muna ang kanyang tali sa kamay. Dumaan ako sa isang way na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao para hindi agaw pansin. Langhiya. Ang bigat pala neto. Malayo layo na rin kasi ung nalakad ko. Agad ko syang sinandal sa isang puno at ako naman ay upo sa tabi nya. Kahit kailan talaga tong babaeng toh. Dinidikitan lagi ng gulo. Tsk. Transferee lang ba toh?? Parang ngayon school year ko lang kasi nakita. Pero ano yung sinabi kanina ni Daniel ( ung S. C. President) na isang taon ka nang minamanmanan?? Ibig sabihin ay ...hay nako. Sumasakit ang ulo ko sa stupid na toh. Napakamisteryoso ng pagkatao. Napahilot na lang ako sa aking sentido. Hindi ko na talaga maintindihan. Nagstretch muna ako, sumasakit na kasi ang buong katawan ko. Haysst. Ang bigat kasi neto." Bakit mo ba ako hinablot?? May problema ka ba sa akin??"
Nagulat ako sa narinig ko. Napasulyap ako sa babaeng kasama ko. Umiiyak sya na parang binabangungot. Lumapit ako sa kanya at pinahid ang kanyang mga luha. Ayaw na ayaw ko kasing may nakikitang umiiyak sa harapan ko dahil naaalala ko si Mommy nung nag away sila ni Dad. Ngayon ko lang napansin, maganda ka pala?? Kakaiba talaga tong babaeng toh. Totoo nga ang sinabi ng mga pinsan ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sya. Niyugyog ko sya ng malakas para magising. Mamaya kasi ay hindi na ito magising. Nawala naman ang kaba ko ng minulat nya ang kanyang mga mata. Mukhang hindi nya alam kung nasaan sya. Grabe, nakailang yugyog na rin ako sa kanya ah. Tss. Napakatulog mantika naman neto. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Hala, anong ginagawa neto?? Umiiyak pa rin sya habang nakayakap sa akin. Nababasa na kasi ang uniform ko dahil sa kanya. Hala. Anong gagawin ko dito. Masyado ata akong nabigla ng niyakap nya ako. Tinapik tapik ko na lang ang likod nya. Maya maya ay lumayo na sya sa akin. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
He Says: In Your Dreams.
Cerita PendekThis story is all about A badboy named Hiro which is known for being a cold hearted man who hates about the principles of love. He is a very handsome man, smart, a great snobber, hates smiling, manipulative, looks like a beast when get mad and one o...