Sanay na ako,
s
alitang nakayanan ko dahil sa mga kilos mo,
kilos mong nakakapanibago dahil sa iyong paglayo,
nasanay na ako na wala ka sa tabi ko at,
nasanay na ako sa pagbaliwala mo.
Masakit man para sa akin ang iyong mga pagbabago patungo sa akin,
t
inatanggap ko pa rin,
at ako itong nag aadjust makausap ka pa rin,
sana nama'y iyong pansinin ,
na nandito ako na may pagtingin pa rin,
pero aking sinta,
sa pagsasanay ko sa pagiiwas mo,
Huwag kang magtaka na isang araw wala na,
wala ng pagtingin sayo sinta,
wala na ring sayang nadadala,
puro mga alaala ang natitira,
sa pagitan nating dalawa.
Pero sinta hindi ako ang gumawa ng storya nating dalawa,
storya nating baka sakaling matapos na.
Ikaw,
ikaw ang unang lumayo,
oo alam ko ang dahilan mo,
pero hndi ko matanto kung sapat ba yun para tanggapin ko,
pero sige tanggapin ko na lang,
wala naman na akong magagawa,
sino nga ba ako para bigyan mo ng pansin?
mukhang ako na nga lang sa ating dalawa ang hindi tumitigil,
samantalang ikaw tinigil na.
Nakikita ko sa iyong kinikilos ang kagustuhang itigil na,
itigil na ang nabuong storya,
storyang tayo na hindi naman talaga.
***
hahha i hope my works make sense xD
i hope you'll like it :p
YOU ARE READING
Random Words
Poetrythoughts & feelings expressed through random words English/Tagalog Pls. Vote or comment. Thank you!
