Chapter 2
“ Perrie ? “ Tanong ko sa kanya habang nagluluto siya ng hapunan namin at ako naman ay nagmamasid lang dahil siya naman ang magaling dyan. Kumbaga ako lang ang tagakain.
“ Perrie De Lavigne. Seryoso ka di mo kilala siya eh halos 2 years na tayo dito sa paaralan na yon!!!” mabilis na litaniya ni Nike sa akin
“ magtatanong ba ako kung kilala ko?”
“ Athena!!, Bongga!!!! yan na ata ang pinakamahabang salita na nasabi mo ngayong araw aba! Improving kana prend!” sinamaan ko nalang siya ng tingin. Hindi kasi ako nagsasalita kung di kinakailangan at kung magsasalita man ay dapat planado ko na ito.
“ Si Perrie ay anak ng isang bussinessman pero nakalimutan ko kung anong business nila basta mayaman yun at alam mo na may share dito kaya alam niyang walang babanga sa kaniya kaya tama lang na hindi kana nanglaban kanina may saltik ka pa naman. Habang naghihintay ay nagsimula na akong mag handa ng mesa para ready na pagkatapos magluto ni Nike.
“ nga pala Tin, tumawag kanina si Tyson” agad naman akong bumaling sa kanya dahil alam kung importante ang kanyang sasabihin.
“ pupunta daw siya dito sa weekend pinapasabi niya sayo” tango nalang ang aking isinagot sakanya dahil kahit na matagal na kaming nagsasama sa iisang pader ni Nike ay hindi pa rin niya alam ang lahat tungkol sa akin.
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising at kung hindi lang ako ginising ni Nike ay talagang malalate ako dahil napasarap ang gising ko .wala namang ibang nanyari sa 3 last subject ko bago mag lunch, pagka lunch time ay agad akong pumasok sa canteen dahil hindi ako naka breakfast dahil sa pagmamadali kanina na baka malate ako. Omorder ako ng aking usual na kinakain at nang palapit na ako sa aking inuupuan ay bigla nalng akong itinulak ng kung sinuman kaya tumilapon lahat ng aking dala sa tray, kahit hindi ko naman tingnan ay alam ko na yung mama kahapon ang may gawa nito. Psh napaka isip bata ang tanda tanda na pero parang bata lang at ngumisi ngisi pa ito bago tumalikod. Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako, kaya ibinatu ko sa kanya ang bote ng C2 solo na may laman at sapol naman sa ulo niya dahil asintado akong tumira na nagpahinto sa kanya. Rage is visibly seen in his face dahil sa mamula mula nitong mukha na agaw pansin sa kanyang maputing mukha. Agad naman akong hinila nito sa kwelyo at inimbahan ng suntok yan ang di ko mapapayagan ay yung saktan ako ng wala akong ginagawa kaya pinigilan ko nalng ang kanyang kamao at tumalikod na para iwas gulo na ikinatahimik ng mga tao sa paligid namin.
“ Tss!” hinanap ko si Nike dahil siya nalng ang uutusan ko na bumili ng panibago kong pagkain. Pumunta nalang ako sa may botanical garden at umupo don at hinintay ang pagkain na dadalhin niya para sa akin. Naramdaman kong may paparating dahil na rin sa yabag nito hindi nalang ako kumibo at nagpanggap na hindi ito napansin.
“ So you have just turn Perrie into a growling tiger lady, now how can you deal with him? He asked
“ Tss” yan lang ang naging tugon ko
“aren’t you going to answer me lady? He asked and I can clearly determine that he’s just controlling his anger as well.
“ I’ll bear with it!” I answered and I received a chuckle from him. I don’t know if he’s amused or mocking me.
“ you don’t know what he’s capable of” he intently said
“ and you don’t know me” sabi ko at agad na naglakad palayo kahit na hindi pa dumarating si Nike dala ang pagkain ko, bahala na nawalan na ako ng gana pang kumain. Pero bago ako makalayo sa kanya ay narinig ko pa ang huling sinabi nya.
“ Yeah, who are you really by the way Athena Heather?”