#TheForbiddenLove1
Cristine's POV
"Aalis na po ako!" Paalam na sigaw ko para marinig ako nila mama at papa. Masyado silang madaming ginagawa na halos hindi na nila ako napagtutuunan ng pansin.
"O, sige anak magiingat ka ah" sagot ni mama
Buti na lang napansin na nila ako. Halos mabaliw nako dito sa bahay dahil wala akong maka-usap. Mga alitaptap nga lang naririnig ko at pag-galaw ng orasan.
Paalis na sana ako kaso biglang nagsalita si papa.
"Anak, ihatid na kita" sabay punta sa kabinet para kunin 'yung susi nya.
"Nakoo, papa 'wag na po. Ayos lang po ako. Ipagpatuloy nyo na lang po iyan ni mama" magalang kong sinabi. Kagalang-galang naman talaga sila.
"Sigurado ka, anak? Magpahatid ka kaya sa papa mo? 1st day mo pa naman si nilipatan mo"
Lumipat kasi ako ng school. Mas maganda daw kung sa manila ako mag-aaral para diretso pagmamadre kase may malalaking simbahan dito na may kakilala si mama.
"Sige na ihahatid na kita"
"Hindi po talaga, ayos lang. itetext na lang po kita papa pag magpapasundo ako" ani ko sabay ngiti ng matamis.
Nag-iisang anak lang ako. Nagkasakit kase si mama sa ovary pag-katapos nya akong ipanganak. Ang swerte ko nga daw sabi ng doctor dahil hindi ako nagkaron ng kahit na anong sakit kahit na nung ipinanganak ako ay medyo malaki na daw.
"Sige na ma, pa, aalis na po ako"
"O sige mag-iingat ka anak."
Masyado silang protective sakin palibhasa ayaw ko ng pinapagawa nila sakin pag ka graduate ko sa pag-aaral pero nahihiya naman akong tumanggi kasi lagi nila akong pinepressure na kaya ko yun, hindi ko sila bibiguin, susunod ako sa yapak ng mga pinsan nila. Palibhasa'y wala akong pinsan dahil puro madre at padre ang mga babae at lalaking kapatid nila mama at papa. Malaki nga daw ang tutol sa pamilya ko ng dalawang angkan sapagkat gusto nilang lahat sila ay mga padre at madre. Hindi na nila pinayagan si mama at papa na magkaanak uli kaya nag-iisang anak lang ako. Ang sabi nila ay isa lang daw akong pagkakamali pero lagi namang sinasabi nila mama at papa na nabuo ako dahil sa pagmamahalan nila.
"Excuse me, Can you please listen?! Kanina pako paabot ng paabot ng bayad dito oh ayaw mong umimik!" Iritasyon ang namamalagi sa kanyang boses.
Shit! Hindi ko napansin na asa jeep na pala ako. Ang galing no naglakad ako ng madaming iniisip ng hindi ko namamalayan kung asan na ko.
"Ay pasensya na po," pag-hingi ko ng paumanhin sabay abot ng bayad sa kamay nya.
"Manong, bayad daw po oh" paglahad ko ng kamay ko na may bayad ng babae.
"Sa'n 'to?"
"St. Paul Academy" ahh dun pala sya pupunta. St. Pau- ST. PAUL ACADEMY!? Sa nilipatan kong school? Cool, gusto ko sanang kausapin kaya lang mukhang anak mayaman na nasiraan ng sasakyan dahil kanina pa may kausap sa teleponong driver nya daw. Hays bat ba ko nakikinig.
"Benitez Academy!" Sigaw ni manong na nagpabalik ng ulirat ko. Malapit na pala dalawang kanto na lang St. Paul naaaa!
Isa
.
.
.
Dalawa"St. Paul Academy!" Sigaw uli ni manong.
Shoot!
Nakita kong nasa labas na yung babae kanina at madami den pala akong kasabay na taga St. Paul kaso puro lalaki. Ayoko naman kausapin baka mamaya may masamang balak. Bilin pa naman sakin ni mama at papa na wag kakausap ng lalaki.
Sinundan ko na lang yung babaeng mukhang mayaman. Hindi nga ako nagkakamali, mayaman nga. Madami akong nakitang lalake at babae ang sinalubong nya. Mukhang circle of friends nila yun ah. Magaganda at Gwapo. Sexy at Magandang manamit. Makisig at Malakas ang dating. Wow, isa-isa kong tinignan ang mga mukha nila ngunit nag-iwas agad ako ng tingin ng bumaling ako sa lalaking mas angat sakanila dahil sa kanyang pangangatawan na talagang hubog na hubog.
Nagsimula na kong maglakad kaso nakakainis kasi hindi ko alam kung saan yung dean office kaya kelangan ko pang magtanong.
"Miss excuse me. Bago lang po kasi ako dito, papunta po akong dean office pwede nyo po bang ituro sakin kung saan banda 'yon?" Nakangiti kong tanong sa mukhang mabait na babae. Sa mukha at pananamit mukhang mag mamadre din to pag tapos ah. Pustahan! Haha!
"Ah oo, lika samahan na kita, dun din ang diretso ko." Hindi maipokus ang kanyang nga mata na tila may inaayawang titigan. Nagkibit balikat na lang ako.
Nagsimula na kaming maglakad pero sumulyap uli ako ng isang beses sa mga estudyanteng batalyon na nagtatawanan at nagkekwentuhan. Natama na naman sa lalaking yun ang paningin ko at nakita kong titig na titig sya sa mukha ko. Ng napansin nyang nakatitig din ako sa kanya tsaka sya nakisali sa kwentuhan. Nagkibit-balikat na lang ako at dali-daling sumunod sa babaeng
kanina'y kausap ko.——————
AN: Support plsss 🙏🏻🙏🏻