Chapter 4: Locked Files/Best Frienemy
·-Lisa-·
"Luis! Tara na! Baka magsara na yung gate!" sigaw ko sa kapatid kong nagpepetiks-petiks. Kapatid ko ba talaga ito? Linggo ngayon, at ngayon na kami pupunta sa Academy. Magsasara dawito mamayang 10 am. Bakit kasi ang aga?!
"Ya! Can't you see I'm still finishing my breakfast?" naiinis naman na sagot niya. Bangasan ko na kaya? 9:39 na oh!
"Hoy! Dalhin mo na lang yang kakapiranggot mong tinapay sa kotse! Akala mo naman ang laki-laki ng tinapay mo at hindi mo maubos-ubos! Pagong!"
"Heh! Ito na aso! Mamaya ka na ulit tumahol-tahol diyan!" a-aso? Niloloko niya ba ako?! Sa ganda kong 'to, aso? Mala-dyosa kaya ang mukha ko!
"PAGONG! Sa mukhang ito?" tinuro ko yung mukha ko. "ASO? Alam mo naman siguro ang itsura ng aso diba? Eh ang layo eh!"
"Aba eh, paano naman ako? PAGONG? Sa gwapo kong ito?" panggagaya niya sa akin at tumayo na matapos kainin yung kakapiranggot niyang tinapay. "Naku, walang patutunguhan itong pag-aaway natin. Tara na nga!"
"Buti naman alam mo!" tumawa na lang siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na sa sasakyan niya. Hinintay ko munang patunugin niya yung alarm bago ako pumasok sa loob. At syempre pumasok na rin siya.
---
Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa loob ng building na ito. Oo, building siya at hindi bahay. Pero kapag pumasok ka sa building bahay ang loob. Parang penthouse nga eh, bawat floor ay kwarto na merong sariling bedroom, mini-kitchen/bar, mini-living room, banyo at entertainment zone. Meron ding walk-in closet. Pang-mayaman nga. Hindi ko yata napansin itong kabuuan kwarto dahil sa pagmamadali ko.
Binuksan ko yung computer na nasa entertainment zone at nagbabasakaling may games dun. Pero tumambad sakin ang madaming folder sa documents. Tiningnan ko yung laman ng folder A-1957. Kaso may biglang lumabas na 'insert password here' kaya nagtaka ako kung may ginamit bang device. Tiningnan ko kung merong nakakabit na harddrive or USB sa computer. Isang kakaibang USB ang nakita kong nakasaksak. Pero bakit nandito ito? May nag-iwan? May tao ba dito earlier?
Kinuha ko na lang yung USB at tama nga ako ng hinala. Bigla kasing nawala yung folders at nagshut-down bigla. Nice, may ganito na pala? Sinilid ko yung USB sa secret pocket ng jacket ko na nakasabit sa likod ng pinto. Bababa muna ako.
"Luis, lilibutin ko lang 'tong academy." paalam ko kay kambal pagkababa ko ng elevator. We're not an Identical twins, we're fraternal. Kaya hindi mo iisipin na magkapatid kami.
"Balik ka agad ha?! Magluluto ako!" sigaw ni kuya galing sa kusina. Mukhang inaayos niya yung mga pinamili namin kahapon.
Pagkalabas ko ng dormhouse, tumambad sa akin ang maraming estudyanteng nagkalat sa field, o di kaya ay papuntang dorm nila. Pasukan na talaga bukas.
Kahit walang araw ay naghood ako ng jacket. Hawak ko rin yung map ko sa loob ng bulsa ko. Naglakad-lakad muna ako kung saan-saan hanggang sa mapadpad ako sa cafeteria. It has this calm aura surrounding the cafeteria because of its color, beige and brown. It has one long counter at the right, pagpasok mo pa lang. Yung mga table and chairs naman ay nakaproper place sa center hanggang sa dulo. Beige ang kulay ng mga ito pati yung counter. Ang tanging brown ay yung 1/4 sa ibaba ng wall at ang sahig. May malaking hanging chandelier din sa center at apat na maliit sa corner.
Wow, I never seen this kind of cafeteria before. Better than my previous schools. Pumasok ako at bumili muna ng isang bottled water.
"New student?" tanong sa akin nung matandang babae na nasa counter. Natigilan ako sa pag-inom. Does she know every student here?
"Y-yes?" patanong kong sagot sa kanyang tanong.
"Himelda dela Cruz." nakangiti niyang pagpapakilala. Teka, bakit siya nagpapakilala?
"U-uh Luissa Larson." I smiled awkwardly. I'm no good at this.
"Larson, huh? Alam mo ba ang pinasok mo, Iha?" sinuklian ko siya ng naguguluhang mukha. Anong alam niya sa Larson? Kilala niya ba sina mommy? D-diba school naman itong pinasok ko?
"P-po? Hindi po ba school ito?"
"Mag-ingat ka, Lisa." T-teka, paano niya nalaman yang nickname ko? Magtatanong pa sana ako nang nawala na siya sa paningin ko. Pumunta na siya sa ibang costumer.
Kahit naguguluhan, umalis na lang ako at nagpatuloy sa paglilibot.
Sa tagal ng aking paglilibot, nakarating ako sa garden. Namangha ako sa nakita ko. May malaking puno sa dulo at may nakasabit na swing sa sanga nito. Halatang forest theme ang garden nito dahil puro puno at vines na pwedeng upuan at higaan. May mga table and bench din at ang paanan nito at flat na bato. May mini-lake din sa gitna at mayroong nakakamanghang bridge ito. Gawa sa malalaking roots ito at may puno na nakakonekta sa roots sa magkabilang dulo. May treehouse din sa taas ng dalawang punong iyon. Wow. Now masasabi oong nakakamangha na talaga itong paaralan na ito. Pwede ka talagang magrelax. Meron din kasing flowers dito. Nagkalat sa tabi ng daang bato. Meron ding empty space sa ilalim ng naglalakihang puno para matulog. Mukhang magiging tambayan ko ito ah.
Tumambay muna ako sa ilalim ng puno at kinuha yung cellphone at earphones ko upang magsountrip. Bago pa ako nakapagsoundtrip, may sumulpot na message. Galing kay Cody.
From Cody:
Hey Liz! I heard you transferred? Why did you left me here? °3°
Kahit kelan talaga, ang bakla nito. By the way, Cody is my bestfriend at the same time my personal hacker. Kung iniisip niyong nagpapahack ako ng games, well no. I love games so much to cheat. I ask him to hack more important than that. Games are more fun when it's not hacked. Boring na nun kung may hack.
I replied 'Whatever' to his message not minding his childishness. Nagtataka nga ako kung paano ko siya naging bestfriend eh. All I know is, one day I made a friend. But I wanna call him bestfrienemy.
---
Short update :p second day of class sucks. ×.×
6/6/17
BINABASA MO ANG
The Gamer Girl
Teen FictionPreciosa Luissa Larson, a rich, anti-social, beautiful and awesomely cool girl. But a best way to describe her is--- SHE IS A GAMER GIRL.