I'm back to my old self

1.6K 54 0
                                    

Harmony.

Umiiyak pa rin ako sa harap nila mom and dad.Hindi ko lang matanggap na naglihim sila sakin.Bakit hindi nila sinabi?Ganun ba kalala ang amnesia ko para hindi nila sabihin?Oo,nag-aalala pa rin sila pero nag-mukha akong tanga ehh..

"Harmony,anak.Ayaw lang namin na sumakit ulit ang ulo mo.Nag-aalala lang kami sa'yo.Alam mo naman na only child ka lang namin diba?Kaya ikaw lang ang tinututukan namin ng atensyon.Intindihin mo naman 'yun ohh.Anak."Pagmamakaawa nila mom and dad.Sabagay,May point din sila."Okay,mom and dad.You're forgiven but in one condition."Huminga ako nang malalim."Ipaalala niyo po yung mga memories na nawala sakin kasi nung bata lang ako mayroong ala-ala"Nagkatinginan sila mom and dad.Pero tumango lang si dad tanda ng pag-sang-ayon na sabihin na nila.

"Maupo ka muna,Harmony."sambit ni daddy at umupo naman ako sa mahabang table sa living room.Nagsimula na sila Mom and Dad na mag-kwento at minsan napapa-aray ako sa sakit ng ulo ko pero sinabi ko kila mom at dad na ayos lang ako basta mai-kwento lang nila at unti-unti rin itong pumo-proseso sa utak ko.Hindi ko talaga mapaniwalaan na dating fiancee ko si Falcon kaya pala kapag tinititigan ko siya,bumibilis ang tibok ng puso ko.

"and one last thing,"huminga ng malalim si mom at muling nagsalita."Best-friend mo si Mikaela.End of the story."nanlaki ang mata ko sa nalaman ko."WHAT?!BFF ko si MIKAELA?!!!!Teka lang po,baka Oo nagkamali lang ako ng rinig?Yung bully na yun?"tumango lang sila mom at dad atsaka tumawa.Grrr!!!I still can't believe it!!Tapos umakyat na ako sa kwarto ko at muling humiga sa kama ko na hugis heart.Yah.I like hearts.

Tiningnan ko ang orasan ko at 4:00 a.m na.Napahaba ang kwento nila mom at dad kaya pinasabi ko na lang din na baka hindi ako makapasok agad.Antok na antok na ako kaya tuluyan na akong nakatulog.Paggising ko ,tiningnan ko ulit ang alarm clock ko at 3:00 p.m na kaya napag-desyunan ko ng bumangon at nag-unat muna.Pumunta ako ng kusina upang makahanap ng makakakain.Pumasok muna ako sa bathroom ko at naligo,Nag-shower,nagbihis at nag-blower saka kumuha ng marami sa fridge.

Parang kumikinang ang mata ko nang makita ko ang mga pancakes kaya pinainitan ko na lang yun dahil ayokong abalahin pa ang mga katulong namin.Hindi naman kasi ako lumaking spoiled.Pag-kakuha ko ng pancakes,dumiretso ako ng dining room at nilamon lahat yun.Huminto ako sa pagkain nang biglang dumating si Len-len na katulong/yaya/best friend ko.Ayoko ngang tinatawag niya kong Lady pero gusto niya ganun daw kasi yung family niya daw nag-seserve dito.Nung connect nun?

"Lady Harmony!!M-may gwapong lalaking n-nasa labas..K-kamukha niya si NAM JOO HYUK!!Y-yung--"pinutol ko ang sasabihin niya."Yung crush na crush mong k-actor?"yun nga pinagpatuloy ko ang sasabihin niya.Kaya,Nanlaki ang mata niya."Nakakaalala ka na,Lady?"nagtatakang tanong niya.tumango ako at biglang niyakap."I miss you,Sis!"niyakap ko rin siya pabalik.Hindi niya pala sinasabi yun ng hindi ako nakakaalala.Na-touch ako nang sinabi niya ulit yun.Kumalas siya sa pagyayakapan namin.

Nerdy Girl's Revenge(SLOW update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon