Confrontation(part 1)

1.6K 72 2
                                    

Harmony.

Pag-mulat ng mata ko,napagtanto ko na nasa hospital ako ng lolo ko kasi sila ang nagmamanage nito.Agad naman akong sinalubong ng yakap ni mommy at daddy."Anak,were so worried about you."Kita ko sa mga mata ng parents ko ang matinding pag-aalala.Aakmang tatayo na sana ako ngunit pinigilan nila akong tumayo."Melody,Wag ka munang tumayo.Hindi ka pa magaling.Tatawagin ko lang ang doctor at ipapaalam ko na nagising ka na.Baka may test pa na gagawin sayo bago ka ma discharge sa hospital ng grandpa mo."Pagkatapos sabihin yon ni dad,Agad na siyang umalis para kausapin yung doctor ko."Ouch!Ang sakit pa rin ng ulo ko,mommy.Mom,tell me what happened at another daw ang sakit ko."Hindi makatingin ng diretso sakin si mom at halatang Hindi niya masabi ang totoo."Well,uhm...M-may matinding headache ka daw kaya nahimatay ka.B-baka sa sobrang pagod at stress mo,anak."Headache?Grabe naman 'yon.Baka nga siguro na stress ako dahil don.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nagulat ako nang makita ko si Falcon at Si M.A na natutulog sa dalawang sofa na nandun.Private room kasi ito kaya pwede kanmg matulog.Bakit sila nandito?Pinikit ko ang mata ko at unti-unting inaalala ang lahat ng nangyari."Mom,sila ba ang naghatid sakin dito?"Tumingin ako Kay mommy at ngumiti siya sakin ng nakakaloko.Ano kayang meron?"Mommy,alam ko na ang mga ngiti na dyan.Hindi po sila nanliligaw sakin at napaka imposible po nun."defensive kong sagot."Oh?Bakit defensive ka naman?Wala pa nga akong natatanong ehh..At hindi imposible na magkagusto sila sayo.Hindi naman sa panlabas nakikita ang kagandahan kundi sa loob ng puso natin. At why?Maganda ka kaya!"Sus! Nambola pa si mommy!Tiningnan ko ulit sila at mukhang pagod na pagod sila.

Maya-maya lang,Dumating na si daddy at pati ang doctor ko.Iniwan na nila muna ako dito dahil kakausapin pa daw nila ang doctor.Bakit kaya?Pwede naman sabihin ng doktor dito sa harap ko para malaman ko rin kung ano ba talaga ang sakit ko.Lately kasi,napapansin kong iniiba ni mom yung usapan kada tatanungin ko siya kung anong sakit ko.Maya-maya lang,napansin ko rin na tumayo na sa pagkakahiga sila Falcon at M.A.Napalunok ako ng tumitig sila sakin. Shit!Ang gwapo talaga nila!No wonder na pinapangarap ko rin sila!(The impossible DREAM!)

Nerdy Girl's Revenge(SLOW update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon