ISITY: Chapter Nine

3 1 0
                                    

Chapter 9
Realizations

Agatha Faye Reyes

Linggo na ngayon, at mamayang tanghali kami luluwas. 7:32AM palang naman, kaya pa-chill chill muna kami ni Jack.

"Nay! Asan si Chloe?" Si Chloe siya yung pinsan ko, si nanay yung nag aalaga sa kaniya, kumbaga dito siya sa bahay natutulog pero wala ito kahapon hanggang ngayon ay wala.

"Kinuha muna ng tita mo, umuwi nung isang araw eh." Yung nanay niya kasi nangingibang bansa, tapos hiwalay na rin sa asawa. Kaya si nanay nalang ang nag prisintang mag alaga. "Osya! Mauuna na 'ko." Kiniss kami ni nanay, "Mag iingat kayo sa byahe niyo mamaya, ikaw Llyod, dahan dahan ka sa pag mamaneho!" Um-oo naman si Kuya, tsaka umalis si nanay. Haaay! Ang aga pa, ano kayang magawa?

"Tara patch sa labas, nakakainip dito." Lumabas kami ni Jack, tapos umupo sa ilalim ng puno.

Umupo ako dun, "Patch may di ka ba sinasabi sa'kin?" Hindi sinasabi? Bukod yung tungkol kay Ethan, wala naman na.

"Wala naman. Bakit?"

"Wala naman, napapansin ko lang di ka na nag oopen sa'kin." He said. Wala naman sigurong masamang ilabas ko 'to diba?

"Patch, mali ba?" Sabi ko. Hnd siya sumagot, hinihintay niya siguro yung susunod ko pang sasabihin, "Mali bang tulungan ko yung taong gusto ko sa taong mahal naman niya talaga? Mali bang mag pakatanga? Mali bang magpaka-martyr? Para kasi akong sira, tutulungan ko silang magkabalikan pero in the end, pag nalaman kong nagkabalikan na sila, nasasaktan ako ng sobra." Sabi ko, tumingin ako sa langit para maiwasan ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi ko alam, patch. Bakit? Kung mali man yung ginagawa mo, edi mali rin pala yung ginagawa ko?" Napakunot naman ako ng noo, "Mali palang suportahan kita sakaniya, mali palang hayaan kita sa piling niya kahit na kayang kaya kitang hilaan palayo. Kasi patch, dun kita nakikitang masaya, kapag kasama siya." Napatingin naman ako sa kaniya, "Patch, nasasaktan din ako. Nasasaktan din akong makita kang masaya sa kaniya dahil alam kong sa kabila nung saya na yon? Mas nananaig yung sakit. Ewan ko nga ba kung bakit ako nasasaktan, nahihirapan, naiinis. Kasi sa t'wing kasama mo siya, kahit na hindi naman siya nakikipaglaban sakin alam ko ng wala akong kalaban-laban, kasi hindi naman ako yung mahal mo, siya." Jack said.

Hindi ako manhid! Pero ayokong mag assume, gusto siya mismo mag sabi, pero natatakot ako.

"Faye, I like you. I like you and I love you more than friends. Nasasaktan ako sa t'wing nasasaktan ka. Nagiging masaya ako sa t'wing masaya. Naisip ko nga na hindi lang puso ko ang hawak mo, pati yung emosyon na meron ako. Ang sakit pala talagang mag mahal ng taong may mahal ng iba.Kaya Faye, pwede ba? Pwde bang ako naman? Ako naman yung mag pasaya sayo? Ako naman yung mahalin mo? Ako nalang Faye." Dun na tumulo yung luha ko. Dun na ko nasaktan ng todo. All this time, may ganun pala siyag nararamdaman pero hindi naman ako aware. Of course, busy ako sa iba ano pa ba? Shhhhet!

"Ja-jack, importante ka sa'kin, alam mo yan. Sobrang maalaga mo, dahil ikaw na bestbuddy ko, sobrang naging masaya ako sa piling mo. Wala na nga akong hihingin pa sayo, kasi naman napaka saya ko t'wing kasama kita. Hindi ko nga alam e, isang Jack na mapag mahal, mapag alaga, maaalalahanin at napaka-bait na ang umamin sakin pero bakit 'hindi, I'm sorry, ayoko' ang sagot sa tanong mo. Sobrang swerte ng babaeng mapapa-sa'yo, pero alam kong hindi ako yun. I'm so sorry Jack." Sabi ko, tila ba waterfalls yung mga mata ko at ayaw tumigil sa pag luha. Nasasaktan ako, nahihirapan, at nasasaktan ulit tuwing nakikita ko ang bawat patak ng luha ni Jack, "I love you Jack-" I said, but he cut me, "I know, you love me, as a friend." He said. Napa-yuko ako, nasasaktan ako. Sobra!

"No, it's fine Faye, I'm fine. Don't worry, sooner or later magiging okay din ang lahat. This is not a goodbye, ako pa rin yung patchot mo." He said. Tapos pinunasan niya yung luha ko tsaka kinurot yung pisngi ko. Tumayo siya at naglakad palayo.

Hindi ko siya sinundan, I think kaylangan namin pareho ng oras para makapag isip.

Sobrang sakit ma-realized na sa lahat ng kabutihang nagawa sa'kin ni Jack, nagawa ko pa siyang saktan. Tapos kung sino pa yung taong wala namang pakielam sa'kin, siya naman yung taong handa kong ibigay ang lahat. Ang tanga lang!

~•~

Ethan Bryle Joson

Nandito kami ni Cath ngayon sa bahay, tanghali na. Gusto ko siyang maka-usap, "Baby, ano bang pag uusapan natin?" Sabi ni Cath.

"Bakit? May lakad ka ba madaling madali ka ata." I said.

"Wala naman."

"Naman? So, may balak? Saan baby? Sa bahay ba ng boyfriend mo?" Sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Nandito na ko baby sa bahay mo." Naka-kunot noo niyang sabi.

"Hahaha, 'wag na tayong mag lokohan pa dito Cath, I know, hindi mo naman ako tinuring na boyfriend kasi all this time, meron kang iba. Yung tunay at totoo mong mahal, hindi ako yun." I said.

Nagulat naman siya sa sinabi ko, pero napalitan ito ng isang mataray na Cath,"Gusto mo ng totoo? Walang lokohan? OO! Oo, Ethan! May iba ako! At siya ang mahal ko, ano masaya ka na? Nakipag balikan ako sa'yo kasi nakipag break siya sa'kin, all I want to do is to make him jealous! Ano masakit ba Ethan? Ganyan yung nararamdaman ko t'wing nakikita ko kayo nung Faye na yun na mag kasama! Ganyan yung nararamdaman ko t'wing mas pinipili mo pa yung mga kaibigan mo over me! Ang saya diba?" She said then smirked.

Ngumiti ako sa kaniya, "Oo Cath, masaya. Ang saya kong makita kayong dalawa nung gunggong na lalaking yun na mag kasama, kasi dun ko sa realized na, wala naman na pala talaga akong nararamdaman sa'yo. Di ko man lang naramdaman yung sakit nung makita ko kayo. Yes, some part of me nasaktan, knowing na you betrayed me! Other wise wala naman, thank God kasi nakipag balikan ka sa'kin, kasi dun ko na-realized na hindi na kita mahal, salamat dahil mula ngayon, matitigil na ang katangahan ko sa'yo.Thank you, Cath. Thankyou for making me realized that you're not even a worthy girl. You're not worth for my time, my money, and my love. Minahal kita ng sobra, at yun na siguro yung biggest mistake sa buhay ko. Ano? Masakit ba? Masakit ba lahat ng sinabi ko? Ganyan din kasakit nung na-realized ko na, hindi na pala kita mahal pero nag aksaya pa rin ako ng oras. Salamat, kasi kung hindi mo ko binalikan at hindi ka nag loko hindi ko marerealized ang lahat ng ito. Only in the darkness you are able to see the stars, kasi mag mula nung maging tayo, hindi ko man lang naramdaman yung saya, yung saya kapag ang kasama ko si- " I said, "Sino si Faye?" She smirked.

"If that's what you think, then she is." I said, then went to my room.

I feel relieved, ang sarap sa pakiramdam, I feel so free.

Pag sobra na talaga, saka mo ma-rerealized na tama na.

~•~

I'm So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon