O14.

97 11 0
                                    

' jean's

"Mga punyeta naman oh paabot nga nung barbecue!"


"Kung hindi kasi sana si Lara ang nagluto edi sana hindi 'yan sunog!"


"Pasalamat nga kayo pinagluto ko kayo! Bakit parang kasalanan ko pa rin?" 


Nag-akto si Lara na para bang si Bea Alonzo doon sa Three Sisters and a Wedding. Hindi ko na lang pinansin ang pagda-drama ng mga iyon dahil wala naman akong mapapala kung sasawayin ko lang sila.


Hindi ko alam kung bakit ba kaibigan ko itong mga maliligalig na ito.


Sina Kaori, Lara, at Fiona iyong nag-aaway kung bakit sunog ang barbecue. Sina Gwyneth, Stef, at Jade naman ay nag-iinom. Sabi nila ay bawal pa rin daw kaming uminom kahit na 18 na kami ni Lara dahil 'baby' pa rin daw nila kami. Kung alam ko lang, masiba talaga ang mga 'yan sa alak.


Habang kami naman ni Emilia ay busy sa pagkanta rito sa videoke na inarkila namin para sa outing. Mabuti na lang talaga at may videoke rental 'tong resort na napa-reserve namin.


"BAKIT NGA BA MAHAL KITA KAHIT HINDI PINAPANSIN ANG DAMDAMIN KO!?" Hindi naman galit si Emilia, naglalabas lang siguro ng loob. Hayaan niyo na, masyadong mahinhin 'yan sa paningin ng iba eh, samin lang nakakapaglabas ng sama ng loob.


'Wag niyo nang itanong kung kanino heartbroken 'tong isang 'to. Kahit tahimik 'yan, hind ko rin alam kung bakit isa't kalhati pa 'yang weirdo para magkagusto sa isang matandang malapit-lapit nang makalbo.


"EMILIA PUNYETA MOVE ON MOVE ON DIN 'PAG MAY TIME!!" Sigaw ni Jade. May tama na ang isang 'yan, pinagsabihan niya na si Emilia eh. Pero hindi pa rin nagpatinag ang bebe ng grupo dahil bumirit pa rin siya. 


Buti na lang maayos ang boses nito.


"Hoy Lara, 34738 nga pindutin mo dun sa videoke." Tinignan niya ako nang masama at nagsukatan lang kami ng tingin. Alam kong ako ang mananalo dito dahil wala na siyang nagawa kung hindi ang tumayo at gawin ang sinabi ko.


"Punyetang spoiled brat 'to. Gawin kong walis tambo 'yang buhok mo eh." Inis na sabi niya saka ako binato ng barbecue stick na naiwasan ko naman kaya tumama ito sa nasa tabi kong si Gwyneth.


"BAKIT BA PALAGI NA LANG AKO 'YUNG NASASAKTAN? DESERVE KO BA 'TO? SA PAGKAKAALAM KO AKO NAMAN 'YUNG PALAGING NAGPAPARAYA AH! BINILHAN NAMAN KITANG BALLPEN JEREMY PERO BAKIT MO AKO INIWAN!? BAKIIIIIIT!?" 


Napatakip na lang ako sa tainga ko habang tinitignan si Gwy na yakap-yakap ang bote ng Empi. Nakatusok ang barbecue stick na binato ni Lara kanina sa buhok ni Gwy at natatawa kong kinuha ang phone ko para picturan si Gwy. Pang-blackmail din 'to mehn.


"Ate, ikaw na." Naluluhang sabi ni Emilia saka inabot sa akin ang mic. Pinunasan niya ang uhog na nalaglag mula sa ilong niya saka tumabi kay Jade at laking gulat namin nang kuhanin niya ang basong may alak mula kay Jade saka ito ininom.


"IBA TALAGA ANG NAGAGAWA NG ALAK!" Bulyaw ni Stefanie. "AMEN?"


"AMEN!!" Sigaw naming lahat. Tinapik ni Stef ang likod ni Emilia na ngayon ay nagsisimula na namang humagulgol.


"NANG IKA'Y IBIGIN KO, MUNDO KO'Y BIGLANG NAGBAGO!!" Kanta naming lahat. 'Yan ang theme song ng barkada namin eh.


"DI MO ALAM DAHIL SA'YO AKO'Y DI MAKAKAIN!" Kanta ni Kaori habang hawak ang tatlong stick ng barbecue


"'DI RIN MAKATULOG BUHAT NG IYONG LOKOHIN!!" Pagsunod ni Gwyneth. "JEREMY IBALIK MO ANG BALLPEN KOOOOO!"


"KUNG AKO'Y MULING IIBIG SANA'Y 'DI MAGING KATULAD MO!" 


Tumayo ako sa lamesa saka kinuha ang isang bote ng Empi, dahilan para magulat ang lahat.


"TULAD MO NA MAY PUSONG BATOOOOO!" 


At iyon ang simula ng isang magulong gabi featuring mga lasinggera.

indestructible // snsd ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon