Sampung minuto ko na siguro tinititigan ang aking bagahe. Iniisip kung ano pa ang pwede ko isama sa bakasyon ko sa Maronos. Kilala ang Maranos sa nagsisigandahang white beach at mga bundok na sikat rin para sa hiking at trekking, kaya tama lang nagdala ako ng sunscreen at shades. Pinagiisipan ko pa kung magdadala ako ng bandana at boots. Isang bag lang ang dadalhin ko, napagisipan ko na "light pack" lang para hindi masyado hassle. Unang beses ko magtravel mag-isa kaya wala akong magulang na maasahan pagdating doon.
Isang katok ang nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto ko. Pagkabukas, bumungad si Mama na naka-apron pa. Nagluluto siya ng favorite kong Sinigang para bago ako umalis mamaya, masarap ang lunch ko. Iniisip ko rin baka ginagawa niya 'to para 'di na ako tumuloy sa Maronos. Nahirapan rin akong kumbinsihin si Mama nung una akong niyaya ng kaibigan ko pero 'di rin nagtagal bumigay rin siya lalo na nung pumayag na rin si Papa, na kahit na nasa abroad ay may tiwala sa akin.
"Nandito si Lucas, nasa labas siya naghihintay. Pinapapasok ko, ayaw naman, 'wag mo na paghintayin, mukhang uulan," aniya sabay sarado ng pinto.
"Mag-usap tayo, mabilis lang," agarang sabi ni Lucas pagkabukas ko ng pinto. Lumabas ako at sinundan niya ako sa hardin namin. Umupo ako sa duyan sa ilalim ng dalawang puno ng Acacia at ganun rin ang ginawa niya. Nakatingin lamang ako sa mga paa ko at iniiwasan na titigan siya. Ramdam ko naman ang pagtitig niya sa akin. Bumuga siya ng hininga.
"Alam na ba ni Tita? " Tanong niya na bumasag sa katahimikan. Tinidnan ko na siya at kumunot ang aking noo.
"Kung alam na ni Mama, siguradong 'di mo na ako makakausap o mahaharap man lang, " iritadong sagot ko.
"Sorry, " yumuko siya. "Sorry talaga, 'di ko sinasadya. "
Napailing na lamang ako at tila natatawa sa sinabi niya. "Hindi mo sinasadya?" Hindi niya ako matitigan ngayon at napatingin na lamang ako sa malayo. Parang hinihintay ko na may bumuhos na luha pero walang lumabas.
"Pagod na ako umiyak, ubos na ata luha ko, " sabi ko at muling tinitigan siya. Naramdaman ko ang pagod ng mga mata ko. Tumingala siya sa langit.
"Uulan ata, baka bumagyo pa. Tutuloy ka pa rin sa Maronos? " Tanong niya at binaling ulit ang paningin niya sa akin. Ilang segunda pa kami nagtitigan bago ko sinagot ang tanong niya.
"Kailangan eh, tuloy na tuloy na. Naka-set na ang lahat, "sagot ko.
"Ganun ba, " Iniwasan niya ang titigan namin. "Mapagkakatiwalaan mo ba yung mga kasama mo? Ilang buwan mo pa lang sila nakikilala, " tanong niya at muling tumingin sa akin.
Bumuga ako ng hininga. "Kaya ka ba pumunta dito para itanong lang yan?"
Hindi siya umimik. Tinitigan ko siya sa mata at ganoon rin ang ginagawa niya. Naghahanap ako ng sagot sa mga mata niya pero wala ako mahanap.
"Pumunta ako dito para mag-sorry, " sagot niya.
"Sorry? Bakit ka nagsosorry? " Kumunot ang noo ko at tila naiirita ulit sa kanya. Hindi niya ulit ako inimik. "Bakit? Mahal mo na ba siya? " Tanong ko na napiyok, nauubos na ang pasensya ko.
Pumungay ang mga mata niya. Inabot niya ang kamay niya at pinasok ang mga takas na hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Malakas ang hangin ngayon kaya medyo magulo na ang buhok ko.
"Ang ganda mo parin, sobrang ganda. " Aniya. "Sorry dahil hindi ako naging mabuting boyfriend, " dagdag pa niya.
Iimik sana siya ulit ngunit 'di ko na siya pinatapos. Tumayo na ako at lumakad papasok sa bahay nang hindi man lang siya nililingon. Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad-agad bumuhos ang ulan. Pinilit ko ang sarili ko na hindi tumingin sa bintanang kwarto ko dahil ang bungad non ay ang duyan kung saan ang nanggaling. Ngunit, hindi ko napigilan. Sumilip ako at wala na siya doon.Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ko. Narinig ko ang katok ni Mama sa pinto ko at pagkabukas niya ay pinunasan ko na rin ang mga luha ko.
"Nak, tumatawag sa telepono yung kaibigan mo, tapos ka na ba mag-impake? " Tanong ni Mama.
"Closure? " yun lamang ang nasabi ni SPO 1 Guevarra pagkatapos ko ikwento ang huling pagkikita namin ni Nora.
"Oo, ganun na nga. " Sagot ko.
"Pwede ba malaman kung sino ang third party? " Tanong niya at natawa ang isa niyang kasama na ngayon ko lang nakita.
"Importante pa ba 'yon? Hindi na niya ako pinapansin simula nang kumalat kung ano ang nangyari, " sagot ko.
Binitawan niya ang hawak na lapis sa isang kamay at naghalukipkip.
"Sinabi ko na sayo nung una na lahat ng tanong ko ay dapat may sagot, " sabi niya at tinitigan na lamang ako. Ganoon rin ang ginawa ng kasama niya.
Bumuga ako ng malalim na hininga. "Cheri. Cheri Alvarez, " sagot ko at tinitigan siya pabalik gamit ang pagod na mata.
"Anak ni Mayor Alvarez? " Tanong ng kasama niya at napatingin sa kanya si SPO 1 Guevarra.
"Pamangkin, " sagot ko.
"Osya! Hihinto na tayo dito, Gallo. Nagtugma ang kwento mo sa kwento ni Misis Salvez, pero hindi ibig sabihin ligtas ka na sa imbestigasyon. Maliban sa mag-asawang Salvez, ikaw lang ang nakakaalam kung saan magkikita-kita sina Nora, Desiree, at Armin, pati ang mga plano nila sa bakasyon. Oras, mismong lugar na tutuluyan, petsa kung kailan babalik. Hindi rin makakatulong na nagkaroon ng eskandalo sayo at sa tatlong nawawala sa Cafe Dos bago sila tuluyang umalis sa Maronos. "
"Nasagot ko na lahat ng tanong mo, 'ni isang beses, hindi ako nagsinungaling. " Pinilit kong dugtungan ang sasabihin ko pero parang naubusan na ako ng sasabihin. Halong galit sa sarili ko at pagkalito sa kung ano ang totoong nangyari ang nararamdaman ko ngayon. Umigting ang aking panga. Wala ako magawa kundi tanggapin ang lahat ng sinasabi ni SPO 1 Guevarra.
"Naiintindihan kita, pero wala tayo magagawa. Ginagawa ko lang ang trabaho ko." Tumayo siya at ang kasama niya at tuluyan nang umalis sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Anito
Mystery / ThrillerPapunta sa isang bakasyon, nawala na parang bula si Nora Salvez. Ngayon, isang misteryo ang umiikot sa lalawigan ng Apolonya na umagaw sa interes ni Jessica Roca, isang dayo. Kasabay ng interes niya ay ang pagkahumaling niya kay Lucas Gallo, ang...