Ako si Ella lumipat ako ng apartment para mas malapit sa trabaho ko.Nahihirapan kasi ako kapag malayo minsan tinatanghali ako ng gising dahilan para ma-late ako sa work ko.Ngayon walking distance na lang ako sa office.Papasok na nga ako mamaya.ilalock ko na sana yung pinto ng may narinig akong kakaibang tunog parang tunog ng pagpalo ng sinturon sa isang tao.Hindi ko yun pinansin ngunit hanggang sa pag-uwi ko iyun lang ang laman ng isip ko."Ella"tawag sa akin shelly na kinagulat ko bestfriend ko siya."ano ka ba ha? muntik na akong atakihin sayo"sabi ko."sorry naman mukhang malalim ang iniisip mo may problema ba sa trabaho huh?"tanong niya,"kasi kaninag umaga may narinig ako na parang weird na sound pero yung tunog parang taong pinapalo ng sinturon tapos may umiiyak hindi ko alam kung saan naggagaling yung tunog."kwento ko sa kanya ng nangyari kaninang umaga."baka naman guni guni mo lang yun kasi sa sobrang tahimik sa lugar nyo kaya kung anu ano na ang naririnig mo"sabi niya.Tumango na lang ako kahit alam kong hindi guni guni ang laht ng naririnig ko."matulog ka na lang baka stress yan"sabi niya.Umuwi na ako nandito na ako sa bahay.Naligo na ako at nagsuot ng pantulog.Hihiga na ako ng biglang ayun na naman ang tunog pero ngayon.Nakita ko ang isang matandang babae at isang batang lalaki nakadapa yung bata tapos pinapalo siya nung matanda ng sinturon sabay ng pagsigaw ng bata ang malakas ng pagbuhos nang ulan at malakas na kulog na kasunod ay pagkidlat.Pumikit ako ng mariin sabay nagdasal.Dumilat ako nakita ko yung batang lalaki na duguan sabay sabi sa akin na "tulungan mo ako"sabi niya."ahhhhh"sigaw ko at nagtatakbo palabas ng kwarto."tulungan mo ako"paulit-ulit na sinasabi ng batang lalaki."ano ba ang kailangan mo sa akin?"tanong ko sa kanya."ibigay mo sa mga magulang ko ang kwintas sa cabinet mo"sabi niya."pero sino ka ba?" tanong ngunit parang siyan bulang naglaho.Nakita ko yung isang lumang kwintas.Kinabukasan tinannong ko yung may-ari ng apartment kung meron dating naninirahan dito pinakita ko sa kanya yung kwintas at tinanong ko kung sila ang naninirahan.Nakuha ko ang address at pinuntahan ko .Nbigay ko ng maayos ang kwintas napagalaman ko na minaltrato si mike yung batang lalaki may sakit siya at minamaltrato siya ng kanyang tiyahin at nabagok ang kanyang ulo dahil tinulak siya ng kanyang tiyahin.Namatay ang kanyang tiyahin sa sakit..Napagalman ko rin na marami ng umaalis sa apartment na iyan dahil sa natakot sila......simula ng araw na maibalik ko ang kwintas mukhang natahimik na si Mike..